Chapter 42 - Break Me

6.4K 311 136
                                    

*Chris Jay's POV*

Gumapang ang takot at kaba sa buong katawan ko.

Nalampasan ko na to dati...

Pero, para itong multo ng nakaraan na biglang bumalik sakin.

"A-anong gi-ginagawa m-mo d-dito?" utal-utal kong tanong sa kanya.

Pero hindi sya nagsasalita...

Nakita ko na humakbang sya palapit sakin...

Napa-atras ako.

Alam nya...

Alam nyang natatakot ako sa kanya, kaya mas lalong lumapad ang ngiti nya sakin.

"Wag kang lumapit!" sigaw ko. Pinipilit ko nalang hindi matakot sakanya... Pero alam kong wala na kong tapang para sakanya.

Patuloy ang hakbang nya palapit sakin...

Pinapaliit nya ang pagitan saming dalawa...

Habang ako, pinipilit kong layuan sya.

Blag..

Naramdaman kong tumama na ang likod ko sa pader.

Patay.

Wala na kong magagawa, kundi ang harapin sya.

Itinaas ko ang kamao ko,
"Subukan mong lumapit!" sigaw ko sakanya.

"Aba! Nagtatapang-tapangan ah?" sagot nya. Sabay umiling-iling sya sakin.

Napa-lunok ako dahil sa ginawa nya. Anong gagawin ko?

Kilala ko si Kevin...

Alam kong masama ang lagay ko sakanya.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako nakapasok dito?" tanong nya.

Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya.

Pano? Pano sya nakapasok dito? Sa pagkaka-alala ko... Kay Ivan ang condo na to.

Teka?

"Sabi ko na nga ba...

Pupunta ka dito, masyado ka kasing hibang kay Ivan. Hahahaha...

Dahil tuloy sa kahibangan mo, mahahawakan kita." dagdag nya.

"T*ngina mo!...

Ganyan ka ba ka-tigang kaya ako ang pinagnanasaan mo?" sigaw ko sakanya.

Tanga ko din e...

Naniwala ako sa text...

Kaya naman pala hindi number ni Ivan yung nagtext sakin.

Pero pano ba sya napunta di-

"Bitawan mo ko!" sigaw ko dahil hindi ko namalayan na nakalapit na sya sakin at hawak na nya ko.

Pumapalag ako pero walang kwenta dahil malaki syang tao at higit na mas malakas kesa sakin.

Hawak nya ang braso ko at idiniin nya ito sa pader habang naka-dagan ang katawan nya sakin.

"Ummm...

Ang bango mo talaga." sabi nya habang idinikit nya ang ilong nya sa leeg ko.

"P*t*ngina mo! Bitawan mo ko!...

Hayop ka! G*go ka!" sigaw na ko ng sigaw habang nilalabanan ko yung lakas nya.

Naisip ko yung gagawin ko at...

Bigla kong itinaas ang tuhod ko, tumama ito pagkalalaki nya.

"Aww.. T*ngina mo!" sigaw nya dahil sa sakit ng ginawa ko.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon