*Chris Jay's POV*
Ang kadiliman..
Unti unting lumiliwanag.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Wala akong nakikita.
Tanging linawag lang na kulay puti ang nakikita ko.
Yung linawag, para itong nakakabulag.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko.
Nung idinilat ko itong muli, maliwanag parin..
Hanggang sa unti unting nagiiba ang kulay ng paligid..
Wala akong maramdaman.
Di ko maikilos ang mga katawan ko.
Tanging mata lamang ang naigagalaw ko.
Napansin ko na nasa isang kwarto ako.
Maliwanag ang paligid pero napapansin kong may isang tao na nakaupo sa isang sulok.
Asan ba ko?
Ano bang ginagawa ko dito?
Pinilit kong isipin kung bakit ako nandito pero..
Sumakit lang ang ulo ko.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko.
Tanging pag pikit at pag dilat lang ng mga mata ang nagagawa ko.
Ano bang nangyari?
Nung muli kong idinilat ang mga mata ko..
Nakita ko yung isang tao na nasa loob ng kwarto na nakatingin sakin...
Nakita kong nagulat sya nung nakita ako.
Napansin kong sumigaw sya at dali daling nanakbo palabas ng kwarto.
Wala akong marinig.
Hindi ko nga naintindihan kung ano ang sinabi nya..
Di ko maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko bukod sa mga mata ko.
Maya-maya, nakita kong may pumasok ng kwarto...
Nakaputi sya at agad lumapit sakin...
Kinakausap nya ko..
Pero wala akong marinig.
Tanging pagkurap lang ang nagagawa ko.
Pinipilit nya kong kausapin pero wala akong maintindihan.
Di ko alam ang gagawin ko.
Hanggang sa umalis sya sa harap ko..
May ibang tao na lumapit sakin at niyakap ako...
Pansin kong umiiyak sya.
Hanggang sa ibang tao nanaman ang lumapit sakin at muli akong niyakap.
Parang gusto kong matulog..
Parang wala akong lakas.
Kaya muli kong ipinikit ang mga mata ko..
At natulog muli.
-
Sa pagdilat ko ng mga mata...
Mas luminaw ang paligid kesa kanina..
Mas naging makulay ang paligid at ang mga maliit na bagay ay napapansin ko.
Nandito pala ako sa hospital.
Nakita ko ang isang tao..
At kilala ko sya.
Si...
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...