Chapter 19 - Knight In Shining Armor

7.6K 330 120
                                    

*Chris Jay's POV*

Magkahawak ang kamay namin ni Ivan, habang nasa taxi kami.

Ang higpit ng hawak nya sa kamay ko, alam kong nag-aalala sya.

Pero, dapat ako ang nag-aalala sakanya. Hindi ko lubos maisip...

Na...

Sumuko na ako na magbabago pa si Jeff.

Mas lalo lang akong natakot sa kanya.

Hanggang sa makarating na kami sa condo ni Ivan.

Dito ko daw sya dalhin, dahil alam nyang mag-aalala lang ang magulang nya sa kanya.

Meron pala syang condo, ngayon lang daw nya nasabi sakin.

Pumasok kami sa loob habang akay-akay ko sya. Nakapatong sa balikat ko ang braso nya para alalayan ko sya sa paglalakad.

Hanggang iniupo ko sya sa sofa, awang-awa talaga ako sa kalagayan nya. Hindi ko akalain na...

Gagawin nya yun...

Para sakin.

At...

Sasapitin nya yun...

Dahil sakin.

Nakasandal lang sya na hinang-hina ang hitsura nya. Habang ang mga mata ay nakatingin lang sakin.

"May first aid kit ka ba dito?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya at itinuro ang gilid ng cabinet.

Tumayo ako at kinuha ito.

Kailangan ko syang alagaan ngayon, dahil ako ang may kasalanan kung bakit ito nangyari sa kanya.

At...

Dahil, gusto ko syang alagaan.

Kailangan munang malinisan ang sugat nya, kaya kumuha ako ng bulak at nilagyan ito ng panlinis.

Tinignan ko ang mukha nya, halos mapaiyak ako.

Bakit ganito? Sobra syang nasaktan dahil at para sakin.

Tinignan ko ang kilay nya na bahagyang pumutok. May mga dugong humalo sa pawis nya.

Napatingin ako sa mata nya, magkaparehas kami ng kulay ng mata. Pero...

Ibang iba ang kanya.

Dahil nakikita ko sa mga mata nya na nag-alala sya. Di ba dapat ako yun?

Nung nagtugma ang mga mata namin, hindi ako nahiya.

Ewan ko pero sa pagkakataong ito, natitigan ko ang mga mata nya na hindi manlang ako napapayuko.

Dahan-dahan kong inilapit ang bulak sa kilay nya.

At nung maidikit ko...

Napa-atras sya.

"Aww." sabi nya. Ewan ko pero...

Ngumiti ako sa kanya.

"Sorry." sabi ko. Nung nakita nya akong nakangiti sa kanya, napangiti din sya.

Sa ngiti nya, gumaan ang pakiramdam ko.

"Dahan-dahan lang." sa wakas, narinig ko ang boses nya. Yung boses nya na parang nababasag.

Tumango ako sa kanya, at inilapit ulit sa mukha nya ang bulak.

Napangiti ulit ako nung nakita ko na, pumikit sya.

Para syang bata na takot sa pang-gamot ng sugat.

Kaya naman inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon