*Chris Jay's POV*
Nauuhaw ako!
Parang gusto kong magbabad sa nagyeyelong tubig.
Ansakit ng ulo ko.
Parang lahat ng init sa katawan ko, napunta sa ulo ko.
Arrrrgggghhh!
Parang hinahati ang utak ko.
Ito ang gumising sakin.
Pakiramdam ko, tanghaling tapat na.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.
Blurred...
At unti-unti itong luminaw.
Inangat ko ang ulo ko at bahagyang umupo ako sa kama.
Sakit ng ulo ko.
Napahawak ako sa ulo ko, at napatingin ako sa kabuoan ng kwarto.
Syempre, magisa 'ko.
Dapat talaga, masanay na 'k-
"Good morning, Chris ko!" biglang rinig ko. Agad naman akong napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Si Storm.
Naka-upo sya sa isang upuan malapit sa kama ko.
Anong ginagawa nya dito?
Nakangiti sya sakin.
Para syang timang.
Ang lawak kasi ng ngiti nya, para syang may binabalak na masama.
Agad syang lumapit sakin at...
Hinalikan ang labi ko?
Para din akong timang kasi wala akong reaksyon.
Nakatingin lang ako sakanya.
"Dyan ka lang, may kukunin lang ako." malambing na sabi nya sakin.
Agad syang lumabas ng kwarto ko.
Anong meron?
Anong nakain nya?
Ano bang nangyayari?
Ummm...
Nag-inom kami kagabi, tapos ang alam ko lang si Storm ang nagdala sakin dito sa kwarto.
Yun na yun.
Nakaramdam na ba sya?
Na namimiss ko sya?
Sana.
Sana tuloy-tuloy na to.
Namimiss ko na kasi talaga sya.
Bumukas ang pinto...
Pumasok si Storm na may dalang tray.
"Breakfast in bed." malambing na sabi nya sakin.
Napangiti ako, kahit masakit ang ulo ko. Di nya alam kung gaano ko sya namimiss.
Nilapag nya sa kama ko ang tray, may laman itong mga pagkain.
Pagkalapag nya...
Tumabi sya sakin.
Di ko mapigilan pero...
Hinawakan ko ang kamay nya.
Ngumiti sya sakin.
Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Masakit pa ba ang ulo mo?
May gamot dito, tsaka inumin mo 'tong kape. Ako nagtimpla nito." nakangiting sagot nya sakin.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...