*Chris Jay's POV*
"Kuya, dyan nalang po sa may gate." sabi ko sa driver ng taxi.
Nakarating na pala ko ng mansion na hindi ko namamalayan.
"Mag-kano po?" tanong ko. Sabay labas ng wallet ko.
Haaay! Bawas nanaman ang allowance ko.
Bakit ba kasi ako nag-taxi?
Bwisit kasi si S-
"Ay, Bayad kana boy...
Yung nag-sakay sayo yung nag-bayad. Kuya mo yata yun." sagot naman nung driver.
Weh? Aba! Nilibre pa ko ng demonyong yun?
Bubuksan ko na sana yung pinto,
"Eto pala yung sukli sa binayad nya." dagdag ng Driver. Sabay inaabot ang mga barya.Ngumiti ako,
"Ay, Kuya... Keep the change nalang po."Nagpasalamat sakin yung driver at tuluyan na kong bumaba ng taxi.
-FlashBack-
Dinala ako ni SL dito sa parking lot, ano naman gagawin namin dito?
"Ano ba? Bitawan mo nga ko!" reklamo ko. Hanggang sa tumapat kami sa isang motor.
Alam kong motor to ni SL.
"Sakay!" sabi nya.
"No! Ayoko nga!" sagot ko naman.
"Kaya kong umuwi mag-isa! Bitawan mo na nga ko!" galit kong sabi sakanya.
Pero di parin nya binibitawan ang braso ko.
"Sumabay kana sakin!" may bakas ng pagka-irita ang boses nya.
"Ano ka sinuswerte?...
Bitawan mo na ko. Kaya ko na nga ang sarili ko e." sagot ko naman.
"Pano pag nasagasaan ka dyan?...
Sa lagay mo ngayon, daig mo pa ang sabaw na naglalakad...
Tsaka, tanga-tanga ka pa naman." aba! Sumusobra na sya ah.
"Ano bang pakialam mo?...
Kung masagasaan ako, edi patay!" sabi ko.
"Sige, mamili ka!...
Sasabay ka sakin o magta-taxi ka nalang?" sabi nya. Alam naman kasi talaga nya na di nya ko mapipilit e.
"Magta-taxi nalang ako kesa sumakay ako sa motor ng demonyo, baka dalhin mo na ko sa impyerno!" sabi ko. Bakit pakiramdam ko, lumalakas na ang loob ko para harapin si SL?
Oo, dahil galit talaga ko sakanya.
Pero, bakit parang di sya nasaktan sa sinabi ko? Dahil napansin ko na ngumiti pa sya.
"Ano ka ba!...
Di kita kayang dalhin dun...
Pero sa heaven, kayang kaya...
Sabihin mo lang, dadalhin kita dun dahil sa sobrang ligaya." sabi nya. Nandiri ako sa sinabi nya.
"Arrrgghhh!" pagpigil ko ng galit.
-End of FlashBack-
Kaya ayun, ang ending andito na ko.
Binuksan ko na ang gate, at pumasok ako sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/57856392-288-k471732.jpg)
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...