*Chris Jay's POV*
7:38pm, nang tignan ko ang relo ko. Late na! Andito pa ako sa school. Bwiset kasi na requirements yan e.
Pero ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako ginabi ngayon. Hapit kasi ako e.
Wala kasi kaming computer or laptop sa bahay para pwede kong gawin ang ipapasa ko bukas. Kaya dito sa school gumawa.
Dahil dito sa library, libre lang ang research. Print lang ang babayaran, kaya malaki ang tipid ko dun.
"43 pesos po." Sabi sakin ng student assistant dito sa library. Nagpa-print na din kasi ako.
Teka? Edi naka 43 pages ako? Haaay! May pera pa ba ako?
Tinignan ko ang wallet ko, 60 pesos pa ang laman. Haay, thank god! Meron pa.
Agad kong binayaran ang pinaprint ko, at lumabas na ako ng library.
Sana naman may tao pa sa room namin, nandun pa kasi ang gamit ko e.
Tanga ko talaga, dapat pala dinala ko na yung gamit ko. Mabigat kasi e kaya iniwan ko.
Agad akong naglakad papuntang room, teka? Patay na ang ilaw! Halaaa! Ano nang gagawin ko? Asan pati yung mga gamit ko?
"Ummm.. Sainyo po ba yung mga gamit dito kanina?" Nagulat naman ako dito, bigla nalang sumusulpot.
"Opo....
Asan na po ba yung mga gamit?" Tanong ko. Sarado na kasi ang room namin e. Baka nasa guard house?
"Nasa room 303 po yung gamit nyo." Sagot sakin.
Teka? Pano naman napunta yung gamit ko dun?
"Sinarado na po kasi kaya dinala yung gamit dun." Aba! Naririnig ba nya ang utak ko?
"Samahan ko na po kayo." Ay, sige! Para di ako matakot! Hahaha.
"Nasa dulo po yung gamit nyo." Sabi nya sakin, nakarating na kami dito sa room. Binuksan nya yung pinto at ilaw.
Agad naman akong pumasok para kunin ang gamit ko, asan na ba y-
Click…
Teka!
"Kuya, baki-" asan na si Kuya! Waaaaaah! Pinatay nya yung ilaw at...
Sinarado yung pinto.
"Kuya! Kuya! Wag mo akong iwan ditooo!" Sigaw ko, pero...
Na-lock nya na yung pinto at nanakbo na sya palayo.
Pinag-tripan ako!
Bigla akong nanginig, dahil sa takot at sa sobrang galit.
Bakit? Bakit ba kailangan akong pagtripan ng tao?
Kagagawan nanaman ba ito ni Jeff? Oo, sino pa ba!
"Kuuuuuyyyaaaaaaa!....
Tuloooooong! Kinulong ako dito!" Sigaw ko. Tanging hallway lang sa labas ang ilaw. Sarado pa naman ang bintana dahil aircon ang gamit namin.
BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...
