*Chris Jay's POV*
"... tara, warm-up tayo!" rinig kong ingay. Kasunod nito ang mga yabag ng paa... Palabas ng kwarto.
Haaay! Umaga na pala.
Masakit pa ang ulo ko. Bakit? Kakatulog ko lang tapos... Umaga na pala.
Di ko parin iminumulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi, pasan ng talukap ng mata ko ang buong mundo dahil sa bigat nito e.
Nararamdaman kong katabi ko parin si Storm sa kama. Pero hindi ito naka-dikit sakin.
"Gisingin mo na si CJ. Tapos tara na!" rinig ko pa. Parang si Sam yun. Haays! Ayoko nga sumama.
"Di ko na muna to gigisingin, di naman sya maglalaro tsaka aantukin lang to dun...
Sige, sunod nalang ako." sagot naman ni Storm. Good, Storm! That's my boy! Ay! Di pala!
Muli akong nakarinig ng yabag ng paa palabas ng kwarto... Kasunod ang pag-sarado ng pinto.
Dun ko naramdaman na gumalaw si Storm sa tabi ko.
Di ko parin mamulat ang mga mata ko, inaantok pa talaga ko.
Pero teka!
Oo...
Naramdaman ko si Storm... Nag-dikit ang mga katawan namin.
Nasa likod ko sya dahil naka-talikod ako sakanya...
At...
Naramdaman kong niyakap nya ko mula sa likod ko. Kasunod ang pagdampi ng labi nya sa pisngi ko.
"Good Morning, Chris... ko.
Warm-up lang kami, babalikan kita mamaya." rinig kong sabi nya. Yung boses nya...
Na tumutunaw sa puso ko. Sobrang lambing nito, yung parang dati lang.
Yung paglalambing nya na hinahanap-hanap ko.
Naramdaman kong inalis nya ang pagkakayakap nya sakin, at naramdaman kong tumayo na sya.
Maya-maya...
Naramdaman kong kinumutan nya ko, kasabay ang paghalik nya...
Sa...
Labi ko.
Nagulat ako, bakit sa labi ko?
Narinig ko ang mga yabag nya na palabas ng kwarto...
Pati yung pag-bukas at pag-sara ng pintuan ng kwarto.
Dun ako gumalaw, hinawakan ko yung kumot at namaluktot... Inaantok pa talaga ko.
Teka?
Ano nga ba kami ni Storm?
Ang alam ko lang...
He's my ex and...
He's my master.
Pero matapos ang nangyari kagabi, di ko parin maisip kung ano nga ba talaga ang meron samin?
-FlashBack-
Lumalalim na ang gabi, pero eto ako... Hindi parin makatulog.
Sino ba naman ang makakatulog kung natulog ka ng hapon diba?
Kanina pa ko naka-pikit... Nagbabakasakaling makatulog ako. Pero wala talaga.
Idinilat ko ang mga mata ko, mukhang tulog na silang lahat.
Maging si Storm, tulog na.
Maluwag na ang pagkakayakap nya sa bewang ko.
Kaya madali ko itong naalis sa katawan ko.

BINABASA MO ANG
O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)
Teen FictionSabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matatawag pa kaya syang Mr. Right? At pano kung makilala ko si Mr. Wrong na dumating sa right time? Sya parin ba si Mr. Wrong? Mahirap magmahal s...