Chapter 75 - Quality Time

1.7K 80 16
                                    

*Chris Jay's POV*

"Nay, alis na po ako." pagpapaalam ko kay Nanay.

"Sige, magiingat ka! Ikumusta mo nalang ako sakanila." bilin nya sakin bago ako tuluyang umalis ng bahay.

Medyo madilim pa. Masyado yata akong napa-aga. Pero okay lang, mas maganda nga yun. Tsaka mukhang magliliwanag na din naman mamaya lang.

Oo, madaling araw akong umalis ng bahay. Pupunta ako kila Storm.

Pagsakay ko ng jeep, nakangiti ako. Ewan ko pero para akong timang sa hitsura ko.

Madami akong dala, may dala din kasi akong mga gamit. May naisip kasi akong plano kagabi.

Naisip kong ilaan ang buong araw ko ngayon sa bahay nila Storm. Na-miss ko ding tumira dun.

Tutal naman walang pasok ngayon, kaya nandun din si Pj. Mukhang matutuwa sya.

Habang nasa jeep ako, andami kong naiisip. Medyo malayo pa naman ang byahe papunta kila Storm.

Tama tong gagawin ko. Simula kasi nung nalaman namin na malapit nang umuwi si Tito, daddy ni Storm. Wala na kaming ibang ginawa kundi isipin yun. Naiistress lang kami kakaisip. Iniisip kasi namin kung ano ang mga pwedeng mangyari pagdating nya.

Kaya naisip kong gawin ito. Ang magkaroon ng quality time para kay Storm. Dapat kasi minsan ako naman ang maglaan ng effort sa relasyon namin ni Storm.

Di porket sya ang dominant sa relasyon namin, sya nalang lagi ang gagawa ng effort. Parehas naman kaming lalaki kaya mas maganda kung pati ako mageffort para sakanya.

Ayan na!

Ayan na si haring araw.

Sakto medyo malapit na ko kila Storm. Gusto ko kasi i-surprise sya ngayon.

Ding dong!

Alam ko naman na gising na si Nanay Lita, maaga yun gumigising e.

"Uy, Cj! Napa-dalaw ka?" bungad nya sakin.

Ngumiti naman ako,
"Dito po muna ako. Pwede po ba?" tanong ko.

"Syempre pwede!" sagot naman ni Nanay Lita tapos binuksan na nya yung gate.

"Masyado pang maaga ah?

Gusto mo bang gisingin ko si SL?" tanong nya.

"Ay hindi po! Gusto ko po sanang i-surprise sya. Gising na po ba si Tita?" tanong ko naman.

"Kakagising lang. Sakto, mag-almusal kana muna." sabi pa nya pagpasok namin sa loob.

Nakalimutan ba ni Nanay Lita na hindi ako nagaalmusal pag-masyado pang maaga? Nakakasuka kaya.

...

Dahan-dahan...

Dahan-dahan akong naglakad sa hagdan papunta sa kwarto ni Storm.

Ano ba tong nararamdaman ko.

Naeexcite ako na kinakabahan. Kinakabahan dahil baka gising na sya tapos sayang lang yung pagdadahan-dahan ko.

Naka-usap ko na pala kanina si Tita at syempre natuwa pa sya nung nalaman nya na dito muna ako. Sinabi ko din kay Nanay Lita na pagnagising si Pj, wag sabihin na nandito ako. Gusto ko din syang i-surprise.

Andito na ko sa tapat ng pintuan ni Storm.

Paghawak ko ng doorknob, naka-lock pala. Pero ready ako.

Nanghingi kaya ako ng extrang susi kay Nanay Lita.

Pagbukas ko ng pinto...

Nagulat ako.

O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon