Prologue

21K 285 29
                                    

YAYO

Prologue

Isang dalaga ang nakaupo sa tabi ng kama at pinagmamasdan ang isang cute na bata habang natutulog ito. "Dani, sasama ka ba o hindi?" tanong ng isang dalaga na kakapasok. "Tsk, gusto ko talaga pero nahihiya na ako e. Kahapon iyak ng iyak tong anak ko. Alam ko naman nairita sila" sagot ni Dani.

"Hay nako okay lang yon. Understood naman yon at grabe ka naman ang tatagal na natin na magkakaibigan no. Get her ready kasi anytime aalis na tayo" sabi ni Veronica. "Tsk baka maulit lang e" bulong ni Dani.

"So maiiwan kayo? Sama na kayo, saglit lang naman yon. Sabi ni Lester sobrang lapit lang dito non" sabi ni Veronica. "Gusto ko talaga pero hiyang hiya na ako sa kanila. Trip going here wala na ginawa anak ko kundi umiyak, then yung pasyal natin kahapon ganon ulit" sabi ni Dani.

"Ay teka, si Ton maiiwan pala. Gusto mo iwan mo baby mo sa kanya?" tanong ni Veronica. Kumunot noo ni Dani saka nagsimangot, "Girl din naman yon sa puso" banat ni Veronica kaya natawa si Dani.

"Kaya niya kaya bantayan anak ko?" tanong niya. "Duh, siya yung parang nanay natin kaya. Well I know di mo masyado kilala pero okay siya. Tawag nga sa kanya ng boys Mama Ton. Sabi niya kasi kanina magpapaiwan kasi masakit daw ingrown niya. Di niya daw mailakad masyado" sabi ni Veronica.

"Hmmm...saglit lang naman tayo diba? Diba?" tanong ni Dani. "Oo no, as in sabi ni Lester yung windmills is nearby. And besides if dalhin mo baby mo useless kasi di naman niya maalala. Kaya lang sayang din photos niyo together by the windmills" sabi ni Veronica.

"Oo nga pero di pa naman ito last time na dadalaw kami sa Pagudpud no. When she grows older babalik kami dito" sabi ni Dani. "Tara na kausapin natin si Mama Ton, or ikaw nalang pala. Nandon siya sa kwarto sa dulo, malapit sa back door" sabi ni Veronica.

Samalanta sa mga sandaling yon may isang binatang nakasuot ng masikip na pink shirt ang nag inat sa likuran ng cottage. Pagewang gewang lakad niya dahil sa tindi ng hangover. Nakita niyang bukas yung backdoor kaya pumasok siya at unang nakita ay yung banyo.

Nakita niya yung timba na puno ng tubig kaya agad siya lumuhod saka nilublob ang kanyang ulo. Medyo naginhawaan siya, nakita niya yung isang dilaw na twalya kaya agad niya yon kinuha saka sinuot sa kanyang ulo.

Paglabas niya ng banyo medyo hilo parin siya kaya nakayuko lang ulo niya. "Uy Mama Ton...favor naman" sabi ni Dani sabay agad humawak sa braso ng binata. Parang binabarena ulo ng binata kaya nang makita niya yung isang monoblock agad siya naupo saka yumuko ng husto para abutin mga paa niya.

"Mama Ton, favor please" lambing ni Dani na nakatayo sa tabi ng binata. "Ano?" sagot ng binata sa papiyok na boses pero may isang binata ang lumapit. "Ton iiwanan ko yung laptop, wag kang lalabas ng cottage ha. Kung lalabas ka ilock mo. Style mo bulok, alak ko type mo yung isang guy diyan sa katabing cottage kaya gusto mo magpaiwan" sabi ni Lester.

Inuga ng binata ulo niya saka hinaplos mga paa niya. "Dani tara na, yung anak mo kunin mo na. Sa kotse kayo sasakay kasama si Veronica" sabi ni Lester. "Ah iiwan ko sana kay Ton. Saglit lang naman diba?" sabi ng dalaga.

"Masakit ulo ko, please lumayo kayo" sabing paungol ng binatang naka pink. "May pain meds ako don, ihiga mo nalang muna baka lumala yang ingrown mo" sabi ni Dani. "Wow ingrown, bagong palusot yan Ton ha. Dani dalian mo, ilock ko na yung backdoor. Hoy Ton ha iiwan ko yung laptop ko sa room" sabi ni Lester.

Tumayo yung binatang naka pink, si Dani naman agad umalalay. "Doon ka nalang sa room namin" sabi niya. Pagkapasok nila ng kwarto naupo agad yung binata sa dulo ng kama, balot parin yung buong ulo ng twalya kaya hindi nakikita ni Dani mukha niya.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon