Volume One • Chapter 2: Introducing

1.8K 55 5
                                    

Chapter 2: Introducing

Tahimik lamang akong naglalakad sa kahabaan ng hallway at hindi kumikibo kahit na binabati ako ng mga pawn na nasa paligid.

In our organization, you are allowed to called each one by the rank you are belong when you are in work. If you are a pawn you'll be called pawn. Maiiba lang ang katawagan mo kapag mataas ang katungkulan mo.

"Woah. Looks who's here at napabisita sa lokre. The Knight of one!" mayabang at mapang asar na sabi habang nakadipa ang dalawang braso niya na para bang yayakap

Nginitian ko siya at saka siya niyakap.

"Congrats Knight of Six." bati ko sa kanya at saka mabilis na humiwalay ng yakap

"Oh Cyrill, nakakabakla ka!" biro niya sabay tawa, that's Damian Harrison Huxx. A friend of mine. Like what I've said the knight of six.

May sampung pwesto para sa queen. Nahati to sa dalawa. Ang queen of hearts at queen of mind.

Mas mataas ang queen of heart sa queen of mind. Ang mga queens ay may 5 miyembro bawat grupo. Ang Queen of heart ay ang mga representative ng organization kapag may deals and missions kami na kailangan ng negotiations. Sila ang mukha ng organisasyon.

Ang mga Queen of mind naman ang isip ng organization. Sila ang nag iisip ang nagdedesisyon para sa mga kalagayan na delikado at magulo. Sila ang pinakahukom.

Ang mga knight naman ay ang mga tagaproteka ng mga queen na nakapilia kanila. Pero ang ranggo ay dipende sa ranggo ng reyna nakapili sa kanila. Since ang nakapili sa akin ay Queen of mind at siya ang pinakamataas ang pwesto ako ay naparangalan bilang knight of one.

Samantala ang nakapili naman kay Damian na Queen ay ang queen of heart. Which is the sixth place for the knight.

Tinawanan ko na lamang siya ang nilagpasan dumiretso ako sa tapat ng isang computer at nag umpisa ng tumipa.

Kahit na knight na kami ng mga queens ay di naman ibig sabihin nun ay di na namin kailangan magtrabaho sa organisyon. Nangangailangan pa rin kaming magtrabaho sa mga oras na hindi namin kailangan bantayan ang reyna.

"Kamusta ang bagong imbensyon?"

Napatingin kaming lahat bigla ng may magsalita na pamilyar na boses. Mabilis akong tumayo at tumitig sa kanya. Samantala ang mga rook na normal ang posisyon ay nakayukod.

"Pareng Echo!!" napasimangot ako ng bigla na namang nangibabaw ang boses ni Damian, sinalubong niya ang binata at saka ito niyakap.

Pagkatapos nilang magyakapan ay tumango si Echo hudyat para umayos na ng tayo ang mga tauhan niya at bumalik sa kani kanilang mga gawain.

That's Echo Aspen Calaway. The king of rook. Obviously ang pinakamataas na ranggo sa rook. And don't messed with him I'm telling you. Because he is a monster when it comes on technology.

He can surely track you whenever you are.

"Masaya ako na napili kayo sa pagiging knight."

"Pare! Kami pa ba? Sabi naman sayo dapat nagknight ka na lang, mas mataas pa sweldo."

"Alam mo namang buhay ko ang--."

"Yes. Yes. Technologies." natawa na lang ako sa kanilang dalawa, bumalik na ako sa pagkakaupo at muling inumpisahan ang gawain.

Madali lang naman ang ginagawa ko, inii-compile ko lang naman ang mga misyons base on their levels.

There are three levels. Yellow, for the easy misyon. Yung tipong hindi buwis buhay. Orange for the mild misions. Yung tipong sugatan ka pag uwi at ang red missions yung tipong buwis buhay talaga.

"Uy may bago daw na Norwood?" napatigil ako sa pagtatype ng marinig kong nag uusap ang dalawang katabi ko, nakaagaw nang pansin ko ang Norwood. In my peripheral view, nakita kong nasa malayo layo na si Echo at Damian na naghaharutan na parang mga bata.

"Oo. Malayong kamag anak daw nila Queen Anya yun. Natrace nila at nalaman nga na kamag anak. Since mag isa na lang daw yun. Ayun kukupkupin na lang at ipapasok nga sa organisasyon."

"Lalaki ba o babae?"

"Wala pang nakakaalam."

"Sana lalaki tapos gwapo." napailing na lang ako sa pag uusap nila. Inisave ko ang ginawa ko at tumayo.

Malayong kamag anak ng Norwood?

Kung tutuusin, lahat ng naging hari ng organisyon ay isang Norwood maliban na lang sa naging hari ngayon. Ang sabi ng ilan ay hindi ito Norwood kung ibabase mo pa lang sa pangalan niya.

Arlo Leif Taymor.

Ni wala din itong dugong Norwood. Kaya nakakapagtaka na naging hari ito. Pero ngayon na may lumabas na malayong kamag anak ang mga norwood at siguradong magkakagulo sa pwesto lalo na kung ito ay lalaki. Pero kung babae ito ay walang problema.

Ang reyna na pinagtutungkulan ko ay isang purong Norwood. Pero since lalaki ang kailangang mamuno sa NWO ay sa pwesto lamang sa pagiging reyna siya napunta.

Nakakapanghinayang.

"Tabi! Tabi! Ready the stretcher! Automatically check the vital of the patient!" naalerto ako ng biglang may sumigaw, napatigil ako sa paglalakad

"Saige? What's happening?" tanong ko ng mapadaan siya sa gawi ko

"Misyon." simpleng sagot niya at tumakbo papunta sa lapagan ng chopper.

Nang makalapag ang chopper ay agad na binaba ang pasyente which is the knight of nine.

Wow ah. Kakatanggap lang niya nga tungkulin niya, ayan na agad ang sitwasyon niya.

"They have an operation last night." biglang tumabi sa akin si Damian at habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ay iiling iling na nakatingin sa duguan na si David.

"Kaawa awang David. Mabubuhay pa kaya yan?" tanong ni Echo, dumaan sa tapat namin ang stretcher kung saan nakahiga si David na walang malay, nakapaibabaw dito si Saige na dinidiinan ang dibdib ng binata para huwag mag bleeding

"Mabubuhay yan. Masamang bato yan eh." pang aasar ni Damian sabay tawa ng malakas

Sa gusali ng NWO, may clinic or mini hospital sa bawat palapag. Nasa kanang bahagi ito ng gusali. Since magkakatapat ang mga clinic bawat palapag ay nilagyan ito ng mga elevator dahilan para magmukha talaga itong mini hospital na may mga concierge bawat floor. May mga OR din.

"Bilib din ako kay Saige." pagputol ko sa tawanan nila

"Bakit?" dumungaw sa akin si Damian kaya sinampal ko siya ng malakas

"Aray ah! Napakasadista mo talaga!"

"Bilib ako sa kanya dahil sa lahat ng ginamot niya wala pang namamatay." paliwanag ko at tinalikuran ko na sila

Sa pagtalikod ko ay biglang pumatak ang luha ko sa di ko malaman na dahilan?

Bakit?

Bakit ako umiiyak?

May kinalaman ba ito sa nakaraan ko? Ano ba talaga ako? Ano ang nakaraan ko?

At sino ako?







To be continued .....




Vote. Comment. Share.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon