Volume One • Chapter 34: Feelings

518 24 2
                                    

[A/N: ang tagal kong nawala at namiss din kita. Hahahahaha. Enjoy reading! Anyway happy birthday sa OP ni Hell, Bj, Yam and Alejandrina. Mbtc and god bless para sayo to.]




Chapter 34: Feelings

Dahan dahan niyang binaba ang dyaryo at tinignan ako. Isang plain na tingin. Walang bahid ng inis, galit o ano mang emosyon.

"Cyrill?" tanong niya

Nangibabaw ang katahimikan. Maski ako ay bigla na lamang nawalhan ng salita na sasabihin. Pero napakadaming tanong ang nasa isipan ko.

"He appears here days ago badly hurt." biglang pagbasag ni Lawrence sa katahimikan

Saglit ko siyang nilingon bago muling binaling ang tingin kay Damian.

"Don't worry, magaling na ako." ani Damian sabay taas nang dalawang kamay at itinapat ito sa tapat ng kanyang tiyan

Namalayan ko na lamang na napabuntong hininga ako.

"Hindi mo ba alam kung gaano kami nag alala ng mawala ka na lang bigla sa ganung estado?!"

"Don't worry. Di ko naman ikinamatay."

"Kahit na!" sigaw ko at humalukipkip, "Nakakainit ng ulo ang ginawa mo."

"Salamat sa concern pero look tapos na iyun. I am now so alive and kicking. Isa pa alam naman ng headquaters ang kalagayan ko at nagsign ako ng sick leave."

"Alam? Paano?"

"Hmmmmm." hindi niya ako sinagot pero sapamamagitan ng tingin niya ako nakakuha ng sagot.

Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at doon ko nakita ang sagot sa sinabi niya.

"Queen Alejandrina." mabilis kong saad at bahagyang tumungo bilang pagbibigay pugay. Nakarinig ako ng ilang komento mula sa mga bampirang nandito pero hindi ko na lamang ito bigyang ng pansin.

"Hindi ko inaasahan na ikaw ang unang makakakita sa amin."

Amin ah.

"Queen."

"Huwag mong lagyan ng malisya." aniya sabay tingin sa ibang direksyon, "Gumugulo ang lahat at kailangan may matama akong isa." pagpapatuloy niya

Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang tungkol sa kakaiba niyang kakayahan. Ano kaya ito?

Wala ni isa ang nakakaalam kung ano ang kapangyarihan ng mga queens maliban kay queen snow na literal na ang kapangyarihan ay ang pagnyebe ng ano mang mahawakan niya. Nang maipanganak daw ito ay nagyelo ang humawak sa kanya nagpaanak sa nanay niya dahil hinawakan nito ang kamay ng reyna. At sa edad na apat lamang niya nakontrol ng tuluyan ang kanyang kapangyarihan.

"Maybe we need to give them a time to talk right?" biglang singit ni Sierra sa usapan at mabilis na hinila si Leighton dahilan para magsunuran ang iba nitong kaanak.

"Bakit hindi ko alam ang mga ito?" tanong ko kay damian ng makaalis ang mga bampira

"Hindi niyo na kailangan malaman lalo na si Saige." mabilis na sumama ang mukha ko ng banggitin niya ang pangalan na iyun dahil naalala ko ang nangyaring sagutan sa pagitan naming dalawa.

"Hindi mo kailangan mag alala kay Damian, Cyrill." ani ni Queen.

"Oo nga. Masamang damo ata ako at matagal pa bago ako mamatay." pagbibiro niya sabay hagakgak.

Sa ginawa niyang iyun ay nakahinga ako ng maluwag. Nakikisama na siya bilang totoo siya. Wala ng bahid ng pag iwas at pader sa pagitan namin.

"Pwede bang iwan mo muna kami Damian?" napatingin ako ng makahulugan kay Queen ng bigla siyang magsalita bagamat di siya nakatingin.

Walang angal ay tumayo si Damian at yumuko sa tapat ng reyna matapos ay nginitian ako baho tuluyan na lumisan.

"Alam ko ang nasa isip mo." bumuntong hininga siya tapos ay yumuko animo titig na titig sa kanyang paa

"Walang namamagitan sa aming dalawa kaya huwag mo ng uulitin ang ganoong klaseng tingin na ginawa mo kanina."

Tingin?!

"Ah, eh Queen--"

"Isa pa. Alam kong naguguluhan ka sa sinabi ko kanina. Ang kapangyarihan ko ay mala alice ng twilight. Cool right?" bigla siyang lumingon sa akin, hindi ko malaman bigla kung anong klaseng reaksyon ang gagawin ko dahil hindi ko alam kung nagbibiro na siya sa lagay na iyun.

Una isa siyang opisyal na mas mataas sa akin at hindi tama bigla na lamang ako makipagtawanan sa kanya lalo na at isa lang akong knight. Ang knight sa organisasyon ay hindi mataas ang antas ng posisyon. Kung titignan maigi ay mas mataas pa sa amin ang mga pawn. Dahil pwese nilang gawin ang lahat ng gusto nila sa kahit na kelan nila gugustuhin maliban na lamang kung kailangang nasa oras sila ng isang misyon.

Pangalawa talagang hindi ako sigurado kung nagbibiro siya. Pero sa tono ng pananalita niya ay marahil na nagbibiro nga siya. Hindi naman siya nagamit ng mga pormal na salita.

"Mahirap pala no? Naranasan mo na bang umibig?" bigla akong nanigas sa kanyang sinabi, umibig? Hindi pa.

"Hindi pa po."

"Ang swerte mo. Sana kapag dumating yung point na umibig ka hindi ka katulad ng nangyari sa akin. Sorry, sorry parang masyado na akong opem sayo." bigla niyang paghingi ng pasensya

Nakita ko na lamang ang sarili ko na niyakap ang reyna. At tinap ang likod niya.

"Kung iba ang mahal niya, pakawalan mo na. Giving up doesn't mean you don't love him already. Watching afar is enough. Just making sure he is safe is alright." makalahulugan niya sabi at kumalas sa yakap

"Mauuna na ako." aniya at tumayo na pero bago siya tuluyan umalis ay nag iwan siya ng bilin sa akin

"Saige is a good person, but i dont think i can handle her. Please take care of her."















to be continued ......

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon