Chapter 32: Third case
Sa pagputok na baril ko ay mabilis siyang naglaho na parang usok dahilan para mag umpisang magkagulo ang mga estudyante sa loob ng classroom.
"Shit." narinig kong saad ni Creed kahit na malayo siya sa akin
"Estusektu nibaro eskulem." Narinig kong banggit niya kaya agad akong nagtatakang tumingin sa kanya na agad naman nasagot
Biglang nakatulog ang lahat ng tao na nandito sa loob ng room. Na sa tingin ko ay pati ang mga nasa labas.
Nakalahad ang kamay niya kanina ng binanggit niya ang mga kakaibang salita na iyun tapos ay isang bolang puti na maliit ang lumabas mula sa gitna ng palad niya tapos ay ng matapos niya sabihin ang kakaibang salita na binanggit niya ay bigla itong sumabog.
Hindi nakakasakit ang pagsabog nito. Ang pagsabog nito ay sa paraan na nakalikha ito ng wave kung saan ang mga nadadaanan nito ay nakakatulog na mukhang mas malaking area pa ang sakop nito.
"A norwood." hinugot niya ang baril sa bewang niya tapos ay kinasa
Ang pangit talaga ng baril ng mga pulis.
Napailing ako dahil sa pumasok sa isip ko. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa baril ko at nakiramdam sa kapaligiran. This is a automatic revolver kaya di ko na kailangan pang ikasa to di tulad ng baril na hawak ng pinsan este kapatid ni Sierra.
"A Norwood and a vampire police eh?" sabay kaming napatutok ng baril ni Creed sa pintuan na may biglang magsalita dito
"A Darkwayne eh?" sambit ni Creed sa paggaya niya sa tono ni Jerome
"Jerome ano ang binabalak mo?"
"Cyrill Trudeau. A norwood knight of one." Lumakad siya papasok habang nalakad ay dumukot siya ng isang candy sa bulsa niya at ng mabalatan niya ito ay sinubo niya ito bago namulsa.
"Creed. Creed. Pinasabi nga pala ni master na sabihin kay Law na malapit na."
"Malapit ang alin?" Nagtatakang tanong ko pero di nila ako pinansin. Nag ikutan kami ng lakad. Parehas na nakatutok ang baril namin ng pulis sa bampirang taga darkwayne habang prente lamang ito na naglalakad habang nakapamulsa.
"Wag niyo na aksayahin ang mga lakas niyo. We're still untouchable." saad niya tapos ay biglang naglaho
Umikot ako, pinatomg ko ang kanang kamay ko na may hawak na baril sa kaliwa kong pulsuhan at dahan dahan na naglakad paikot at tinitignan at nakikiramdam sa paligid.
Bigla siyang muling nag appear sa harap ni Creed. Nakangiti siya at may subo subo naman siya ngayong lollipop.
"Oh and by the way," bigla siyang nagliwanag at nahindik ako ng bigla siyang magpalit ng anyo
"Tripp." seryosong banggit ni Creed sa pangalan ng kaharap niya
Magkakilala sila?
"Hanggang sa muli." muli itong naglaho pero sa tingin ko ay hindi na ito muling magpapakita dahil nagpaalam na ito
"Bakit di mo binaril?!" sigaw ko sa kanya
"Bakit ikaw? Bakit di mo binaril?" Pag ulit niya sa tanong ko sa kanya
"Psh!" Sigaw ko at naiinis na tinalikuran siya
Darkwayne again. Everytime darkwayne is involve, cases is always left unsolve.
Di na ako magtatala kung bakit malinis ang mga krimen. Isang bampira ang kalaban namin, tama ang hinala ko na hindi simpleng tao ang may kagagawan nila nito.
Ang tanong, ano ang pakay niya at nangugulo sila sa paaralan.
BUMALIK ako sa headquarters na wala sa sarili at inis na inis.
Though nalaman ko kung sino ang killer. Case is still pending. I did not captured the suspect. That's why I'm the loser in this case.
Agad na sumalubong sa akin si Saige na nakasimagot ngayon. Bigla ko naman naalala si Creed. Psh!
"What happened? San ka galing?"
Di ko siya pinansin at dumiretso lang ng lakad.
"Hey!" Sigaw niya matapos niyang humabol at humawak sa braso ko
Mabilis kong binawi ang braso ko at tinignan nang matalim.
"Huwag kang sumabay ngayon Saige. Mainit ang ulo ko." ani ko
"Huwag ka ding sumabay Cyrill mainit din ang ulo ko. Tinatanong lang kita ng maayos kaya sumagot ka ng maayos."
"It's none of your business. Now excuse me."
Nabigla ako ng bigla niyang pinilpit ang braso ko papuntang likod niya samantala ang isang braso niya nakatukod sa leeg ko.
Pero hindi ako magpapatalo. Gamit ng isang kong kamay ay agad kong kinuha ang isa kong sandals at ng makuha ko ito ay inihampas ko ito sa tagiliran niya dahilan para damhin niya ito saglit at lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa akin na siya sinamantala ko.
Ini-high kick ko siya. Mabilis naman siya nakabawi at sumugod ng suntok.
Hindi ko kaagad na naagapan ang unang suntok na pinakawalan niya dahilan para madaplisan ako sa pisngi.
Sinipa ko ang tuhod niya pero hindi niya ito ininda bagkus patuloy lamang siyang sumugod.
Walang nagtatangkang pumigil sa amin not until echo and the other queens came.
"Hey stop!" sigaw ni Queen Anya at pumagitna sa amin, samantala si Echo naman ay niyakap ang bewan ni Saige na gusto pa akong sugudin
"Ano ba naman kayo? Anong problema niyo?"
Di ako sumagot at sinagot lamang ang mga matatalim na tingin na pinupukol sa akin ni Saige
"Nauna siya." ani Saige
"Whatever bitch." Sagot ko at tinanggal ang pagkakahawak ni Queen Anya sa akin saka ako dirediretso lumakad palayo
I don't want to talk with anyone. No one.
To be continued ......
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mystery / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...