Volume One • Chapter 24: Something

583 29 1
                                    

Chapter 24: Something

"Nawawala si Damian."

"Nawawala si Damian?" pupungay pungay na tanong ko, kakalabas ko pa lang ng unit ko ay si Echo agad ang bumungad sa akin. Nakapantulog lang siya. Napakahabang pajama at pantaas, habang nakajacket pa.

"Nawawala si Damian." pag ulit niya, sinamaan ko siya ng tingin pero wala siyang reaction na nag iwas ng tingin at lumakad na para bang zombie paalis.

Seriously?

Umirap na lang ako sa kawalan at muling pumasok ng kwarto. Nag ayos ako ng sarili at nagpalit ng damit matapos ay muling lumabas. .

Muling nangunit ang noo ko ng makita nakatayo si Saige sa harap ng kwarto ko habang nakasimagot.

"Nawawala si Damian." aniya

Seriously?

Muli akong napairap sa kawalan. Tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita.

"At bakit naman?"

Bigla siyang nagkutkot ng daliri na para bang kinakabahan.

"Ah-eh-"

Tinalikuran ko na siya at iniwan. Kailangan ko ng umakyat ng lokre. Mukhang alam ko na kung bakit unalis si Damian.

He's a very noisy and naughty person, but very sensitive. Specially sa katawan niya.

And Saige is a very active person. Lalong active kapag nasa loob ng operating room at kapag may pasyente siyang inaalagaan. At sa tingin ko, hindi magandang tignan magsama ang dalawa.

Pag akyat ko sa Lokre, sari saring bulungan ang bumungad sa akin.

"Nakita ko nga yung iniwang higaan ni Sir Damian, duguan hanggang sa lapag." narinig kong bulong ng isa, bagamat malayo ako sa kanila at tinig na rinig ko ang sinasabi nila.

Mabilis akong dumaan sa tapat ng table ko at kinuha ang isang bungkos ng kailangan ireview na mga file. At pumunta sa isang couch at saka nahiga dito.

"Wag kang maingay baka marinig ka ng mga knight. Lalo na si Ms. Saige. Patay ka ikaw operahan nun ng gising." sagot ng kausap niya

Parang sumubro naman ata ngayon si saige. She's being so callous.

Nagulat ako ng biglang may pumasok na lollipop sa bibig ko kaya agad akong napalinga sa harap ko.

Si Queen snow na mukhang masayang masaya na nakatingin sa akin habang hawak hawak pa ang madaming lollipop.

"Hehehe hello Cyrill."

Agad akong napaayos ng upo at yumukod sa kanya.

"Ehhhhh no need." medyo nabubulol at masaya niyang ani. Binuksan niya pa ang isang lollipop tapos inikot ang paningin, "Gotta go, need to find another victim." saad pa niya tapos ay tumawa ng malalim

So childish.

Umalis na siya ng dahan dahan habang nagti-tip toe pa na akala mo ay magnanakaw. Naiwan lamang ako nagtataka sa kinauupuan ko at saka sinipsip ang lollipop na binigay niya.

Ng makaalis siya ay tumayo na ako at tumuloy na ng CR. Pagkapasok ko agad kong tinapon ang lollipop sa basurahan at dumiretso ng lababo. Hinugasan ko ang dila ko at nagmumog. I dont really gets what's with the human food.

"Hi girl." malungkot na bati sa akin Ambrynn nang tumabi siya sa akin sa tabi ng sink

"Hi." tipid kong sagot

Tumango na lamang siya at umalis na. Paglabas ko ng CR napansin ko halos lahat ng Queen ay nasa Lokre ngayon.

"Cyrilll!!!" isang bisig ang yumakap sa akin

"Queen Anya." sagot ko sa kanya

"Inaaway ako ni Ale." saad niya sabay pout

Tinignan ko ang kaparid niya na papalapit sa amin na nakatingin ng matalim sa amin.

"Wahhh ayan na siya!" pagpapanic niya, "I Anya Vera Norwood hereby proclaim to fight my sister." nanlaki bigla ang paningin ko sa sinabi ng inaalagaan ko at dahan dahan napatingin sa kapatid niya

The heck?

"Qu-queen?"

"Huhuhuhuhuhu." ano ba ang meron sa mga tao ngayon at masyado silang iyakin. At madrama.

"Step aside knight." maotoridad na ani Queen Alejandrina

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero inutusan ako ng Queen ko kaya hindi ako tuminag sa pagkakatayo ko.

Bumuntong hininga ang dalaga bago tumalikod.

"Humanda ka sa akin mamaya Anya." banta niya

"May utos nga pala ako sayo." masiglang ani Anya

"Ano po yun?"

May inabot siyang isang folder. Binuksan ko ito at nagtaka kung anong meron sa lalaking ito.

Leticima Belial
Age: unknown

John Wilson Yeats
Age: unknown

"Ano pong meron dito?"

"Nakangalap ako ng impormasyon na bampira ang dalawang yan." bumunting hininga siya at seryosong nilibit ang paningin, "At nababalita na pakalat kalat sila sa lungsod."

Napatikhim ako at napaisip. Anong klaseng bampira sila?

Muli kong tinignan ang dalawang lalaki. Bakas sa kanila ang kabataan nila kung tititigan. May nakuha pa akong isang litrato na magkasama silang dalawa at nasa loob sila ng isang shop.

"I give this to you because I think it may help you."

Nginitian ko siya at yumukod.

"Maraming salamat po Queen."

"Wala yun, parang kapatid na kita simula ng maging knight kita. Kaya magtutulungan tayo para sa buhay natin." ngumiti siya ng makahulugan at ngumiti

Tama. For our lives.














To be continued ....

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon