[Last 24 chapters]
Hindi ako pumikit at wala din akong ginawa. Nanatili akong nakatulala sa kanyang mukha.
Nakapikit siya. Walang gumagalaw ni isa sa amin hanggang sa dahan dahan siyang magmulat ng kanyang mata.
Mabilis siyang kumawala at napapikit.
"I'm sorry." nauutal niyang paghingi ng tawad
Nagbuka ako ng bibig pero agad ko din ito naisara dahil hindi ko malaman kung ano ang aking sasabihin.
What he do make me speechless. Darn!
"I'm really sorry." pag ulit niyang paghingi ng tawad "I'm just so stress and desperate."
"Bakit? Anong nangyari King?"
"Arlo na lang." tinalikuran niya ako at naupo sa upuan na nakatabi
"Arlo. So anong nangyari?"
"Galit ka ba?"
"Hindi ah." sagot ko "Hindi ako galit."
"Galit ka."
"Hindi nga sabi ako galit."
"Galit ka."
"Damn it!" inis na sigaw ko, "Hindi nga sabi ako galit!" dugtong ko pa
"Look your angry."
Napapikit ako sa inis at napahawak sa aking noo tsaka ito hinimas para mabawasan ang aking stress. This man is driving me crazy.
Di bali. Magreresign naman na ako. Ayos lang na awayin ko to.
"Look Mr. Taymor. Hindi ko magpunta dito para makipagbiruan."
"Bakit may pupuntahan ka ba?"
saglit akong napatigil sa kanyang sinabi.
"Wala. Wala akong pupuntahan."
"Kung ganun ay mag usap muna tayo." tumayo siya mula sa pagkakaupo sa upuan matapos ay hinila ako papunta sa isang sofa
"Samahan mo muna ako."
"May kailangan pa akong gawin."
"You are excuse."
"Tsk ano ba ang kailangan mo?"
"Kung hihingi ba ako ng pabor sa iyo ay susundin mo iyun?" nag iwas siya ng tingin
"Ano namang pabor iyun? Hanggat kaya ko maari kong gawin." ani ko sabay irap
"Maari ka na bang magresigned dito sa organisasyon?"
Nabigla ako sa kanyang sinabi. Napaharap ako sa kanya at sinilip ang kanyang mukha. Napatingin din naman siya sa akin at nagkunot ng noo.
"Bakit naman?"
"Ayokong madamay ka sa dadating na gulo."
"Iyun ba yung bagay na nakakapagstress sayo at nakakapag-desperado?" tanong ko at pagbigay diin sa kanyang sinabi kanina
"Oo."
"Bakit ano bang mangyayari?"
"Something big and destructible."
"May binabalak ka bang masama laban sa darkwayne?"
"Not that. May mga bagay na hindi na natin kailangan malaman."
"Pwes. Hindi ko gagawin ang hinihiling mo." sagot ko at tumayo na, "may mga bagay na hindi natin kailangan gawin lalo na kung hindi natin alam kung tama ba ito kung mali.
"Napakahilig mong ibalik sa akin ang aking mga sinabi." tumayo na din siya, "Pero kailangan mong gawin ang sinabi ko."
"Sinabi nang -- "
"I just want you to be safe." seryoso niyang sabi. Nagtama ang aming mga mata
Hindi na ako sumagot at tahimik na lumabas ng kwarto. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Halo halong damdamin ang namamayani sa akin. At kinakatakot ko ang nararamdaman kong ito dahil ngayon ko lang naramdaman ito.
Tumuloy ako sa punong bulwagan. Sa kasamaang palad ay tapos na ang pagpupulong.
"Cyrill. Saan ka galing?" isang bisig ang sumalubong sa akin at pumulupot sa aking balikat, "pinag alala mo kami!"
"Sorry saige. May inasikaso lang ako." palusot ko
"Ay nako ano na naman yan huh?"
"Basta. Nothing important. Anyway anong meron sa pagpupulong?" tanong ko at bumitaw sa kanyang pagkakayakap tapos ay naupo sa isang swivel chair.
"May bago tayong big mission." isang ngiti ang sumilay sa kanyang bibig
"And when I say big. As in big."
"Nako Saige ang mata mo." biglang sumigit sa amin si Damian at niyakap kaming dalawa
"Masaya to Cyrill. Isa na namang madugong laban." isang malademonyong ngiti ang umilay a kanyang labi
"Madugo?"
"Natagpuan na ni King Arlo ang kuta ng mga Darkwayne."
"Talaga? Paano? Saan?"
"Syempre connections. Napakagaling niya. Sana makita ko na siya sa personal. Gwapo kaya siya? Matipuno? Pogi?"
Bigla na lamang siya kinaltukan ni Damian.
"Maharot ka na naman."
"Pakielam mo ba?"
"Ang sabi kanina sa meeting susugurin natin sila this wednesday."
"Saan naman natin sila matatagpuan?" hinawakan ko ang isang folder na kapatong sa lamesa at tumayo na
"Eripmav daw. Isang hidden city na prinoprotektahan ng kapangyarihan ng mga Darkwayne."
Nabitawan ko ang hawak hawak kong folder at gulat na tumingin sa kanya.
Eripmav? Di she just say Eripmav City?
To be continued ...

BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Misteri / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...