Chapter 23: Mission
"Kuya! Hahahahahaha." isang lalaki, isang binatang lalaki at isang maliit na bata na sa tantya ko ay isang taong gulang pa lamang bagamat ganun pa lang siya kaliit ay nakakalakad at nakakapagsalita na ito ng diretso
Tumindi ang sakit ng ulo ko. Pinilit kong aninagin ang nakita ko pero malabo ang mga ukha nila. Tumalon ang batang babae sa binata saka siya kinalong ng lalaki.
Bigla akong napadilat at hihingal hingal at tumingin ng paligid. Nakatingin silang tatlo sa akin.
"Huh! Kailangan na namin lumisan James kaya tigilan mo na ito."
"Sa tingin mo hahayaan na lang kita sa ginawa mo?" tanong nang lalaking di ko kilala, saglit siyang tumingin sa akin bago tumingin kay Arlo.
Sandaling nanigas sa kinatatayuan si Arlo na pinagtaka ko tapos ay humakbang ng isang beses patalikod.
"Sinabi ko sayong huwag na huwag mo akong tatawagin na James dahil hindi ko ngalan iyun." sambit ng lalaki habang nakatingin kay Arlo tapos tumingin pabalik kay Elmer
"Hahahhaha. Kaibigan." tumawa ito na para bang isang nakakatawang bagay ang sinabi ng lalaking tinawag niya ng James
"Pagbibigyan kita ngayon kapalit ng aking utang sa iyo. Pero sa muli nating pagkikita ay kikitilin ko na ang iyong buhay." biglang pumula ang mata ng lalaking ang ngalan ay Elmer tapos ay isang itim na mahika ang lumabas mula sa kanyang braso at itinira ito sa lalaking tinawag niya na james. Di naman nagpatalo ang James at puting mahika ang pinaglaban smniya dito.
"Sa tingin mo ba ay makakaya mo ako?" malamig na tanong ng lalaki
"Bakit nga ba hindi? Kaunting panahon na lamang ay magagawa ko na ang aking misyon at mailalabas si Xiron mula sa portal na ginawa ng kanyang asawa." nakangiting sagot ni Elmer
"Naging tapat kang tagasunod sa akin noong panahon na ako pa ang nanunungkulan. Pero hindi ko inaasahan na dadating tayo sa punto na magkalaban. Masyado ng nabahiran ng kasamaan ang iyong puso."
"Mahal na hari," turan niya at agad na ibinaba ang ang kamay, "napakagandang pakinggan pero sa isang tao lamang babagay ang katagang iyan."
"Pagbibigyan kita ngayon dahil ayokong masira ang sinasabi mong plano na iyong amo." huminga ng malalim ang lalaki matapos ay mabilis na bumalik sa normal ang kapaligiran. Agad na nilipad ng malakas na hangin ang akimg buhok.
Naramdaman ko sa tabi ko si Arlo at saka ako hinila patalikod papunta sa likod ng pader.
Sunod sunod na paputok ang narinig ko. Naglabas ng baril si Arlo tapos ay nakipagsagutan na sa pagpapaputok sa mga taga Darkwayne.
Inayos ko ang baril ko at ikinasa, umupo ako at sumilip tsaka isa isa na inasinta ang mga tauhan ni Elmer. Sa muli kong pagsilip ay Hindi ko na nakita pa si Elmer at si James.
"Lenard. Lenard. Lenard." nagulat ako ng biglang lumabas mula sa pagkakatago namin si Arlo, nalerto lahat ng tauhan ni Lenars at nagtapat ng baril sa kanya
"Arlo. Hindi ko inaasahan na sasabutahiin mo ang aking laro." sagot ng lalaki
"Hindi lang naman ako ang nangsabutahe." inosenteng sagot ng hari
Bumuntong hininga na muna si Lenard bago sumagot. "Nagtagumpay ka na. Nabahiran mo na ng dugo ang akin paboritong barko."
"Masaya na sana ako na napakadami kong dugo na naamoy. Pero nakakalungkit dahil hindi kami ang may gawa nito."
Napayukom ng palad si Lenard sa sinabi sa kanya ni Arlo. Tinignan ko lamang silang dalawa at nanatili sa aking pagkakatago, ngunit handa.
"Papatakasin kita sa ngayon. Pero sa susunod nating pagkikita ay sisiguraduhin ko na papatayin na kita."
"Dahil ba to sa hindi ko pa tapos tapusin ang formula sa black elixir?" napanuksong sabi ni Lenard
"Kung yan ang pagkakaintindi mo."
"Kung ganun ay mauuna na ako. I'm looking forward seeing you in the future Mr. Taymor." ani Lenard tapos ay inalalayan na siya ng mga tauhan niya pababa.
Tinalikuran na siya ng mga tauhan ni Elmer. Pinanuod lamang namin sila hanggang sa mawala sila.
"Tara na." sabi ni Arlo sabay hila sa akin
"Hindi ko alam pero simula ng maging knight ka ay laging wala ka na sa sarili mo." pagpapatuloy niya
Teka? Anong ibig niyang sabihin
Isang linggo pa lang akong knight tapos ganyan na agad tingin niya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala. Wala." iiling iling na saad niya, "Kung magtatanong ang mga kasamahan mo kung sino ako ay sabihin mo ako ang nahila mong magiging kapartner mo para sa party."
"Okay?"
"Umayos ka di ako nakikipagbiruan Cyrill." nagulat ako ng bigla niya akong buhatin ng pangkasal tapos ay sumampa siya sa bakal na hara ng barko
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya at pumalag
"Babalik na ng headquarters." sagot niya tapos ay tumalon na siya
ISANG simangot ang isinagot ko sa kanilang lahat ng tignan nila ako ng nakakaloko. Inayos ko ang pagkakasampay ng tuwalya sa buhok ko at saka inis ito na sinuklay.
"So sasabihin mo na ba sa amin kung sino yung cute na guy na nakasayaw mo sa party?" tanong ni Farrah
"Oo nga naman nako ikaw Cyrill ah lumalove life. Di lang ako nakasama may kalaguyo ka na agad?" pang gagatong pa ni David sabay nakipag appear kay Wendell
Sinigurado kong mas sumimangot ang mukha ko bago isa isa silang tinignan.
"Wala nga sabi yun! Nahila ko lang wala kasi akong kapartner. Hmp." pasigaw na sagot ko sabay halukipkip
"Weh? Pero ito guys tignan niyo ah." biglang pumunta sa gitna si Echo at may pinindot sa relo niya, teka kelan pa to natuto mangbully?
Isang hologram ang lumabas dito. Isamg hologram picture namin ni Arlo. Nakatingin kami sa isa't isa na akala mo ay mahal na mahal namin ang isa't isa. Sandali kong naramdaman na nag init ang aking pisngi.
"Bagay di ba?" tanong ni Echo
"Wahhhh ang gwapo nung lalaki!" saad ni Ambrynn
Kahit na medyo napipikon ako ay masaya pa din ako dahil ligtas kaming lahat. Kahit na medyo mapuruhan ai Damian at nasa loob pa rin ng clinic at hindi nagigising.
Sila ang itinuring kong pamilya for 18 years. Pamilya na hindi ako iniwan at inalagaan ako.
Nagpaalam na ako aa kanila at bumalik sa kwarto ko sa morde. Pagkapasok ko ay agad ako kumuha ng dugo sa fridge at ininom ito.
Ang lalaki kagabi sino siya?
Bakit nang makita ko ang mukha niya ng malapitan at malinaw at ng marinig ko ang kanyang pangalan ay may bumalik na ala-ala sa akin.
Kung sino man siya. Kung James man ang kanyang totoong ngalan sana ay magkita muli kami. Dahil bala siya na ang sagot sa aking problema.
Upang malaman ang aking tunay na katauhan.
To be continued .....
[A/N: kung gusto mo mabasa ang kwento ng Runaway Lullaby ay basahin ang The Vampires's Creed. Samantala kung tungkol sa mga magulang nila ay baaahin ang He's Dating the Vampire Girl. Thank ypu for the support. Vote. Comment. Share.]
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mystère / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...