Chapter 27: Something
Kunyaring pupungay pungay akong pumasok ng kwarto ng mga Queens dahil ang aga aga akong pinapunta dito ni Queen Anya.
"Wag mo kong lokohin Cyrill di ka natutulog, duh." mataray na saad niya ng magkaharap kami
Agad naman akong napasimangot pero agad ding binawi ang ekspresyon ko.
"Ang aga niyan Anya ah?" napatingin kaming dalawa ng biglang lumabas galing kwarto si Queen Snow, nakapantulog pa siya, sambit pa niya habang sinasara ang pintuan.
"Emergency." maikling sagot niya, "bwiset kasi yung hari." dugtong na bulong niya kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya at ipinaling ang mukha ko sa tapat ng mukha niya
"Ano yun Queen?" mapanuksong ani ko
"Di mo naman ako kayang isumbong right? So lets start." ako dapat ang mang aasar sa kanya pero mukhang nabaliktad niya ako
Inabot niya sa akin ang isang picture. Inabot ko ito gamit ang aking kanan na kamay habang seryoso at mapanuri itong tinitigan.
"Arvin Abay." pagpapakilala niya, "A senior high school student in Muntinlupa National High School, found dead in the rooftop. Exactly 12 pm in the afternoon."
Isang kakisigan na lalaki ang nakahandusay sa lapag walang ano mang bakas ng dugo ang nasa litrato.
"I hate it. Bakit kasi sa akin pa napunta to." bulong niya habang inis na binubuklat ang mga papel papel na nakaipit sa folder
"Cause of dead. Muriatic acid." aniya sabay ngiwi
Napatikhim ako bago muling napatingin sa litrato. Nakasabit ang katasan nito sa pader na hara sa rooftop.
"Ang ipinagtataka ko ay walang maiturong suspects ang mga pulis." muli akomg napabaling sa kanya ng mapansing nagsasaluta siya. Masyado akong pre occupied ngayon.
"How come?" nagtatakang tanong ko. Nagkibit balikat siya bago bumuntong hininga.
May kinuha muli siyang isang litrato at saka inabit sa akin.
'You'll all die.' sa litrato, kinuhaan ang isamg pisara na may nakasulat na pangungusap gamit ng dugo kung hindi ako nagkakamali.
"Masyadong malinis ang pagkakagawa ng krimen." nag abot muli siya ng isa pang litrato, "Ayan lang ang iniwang clue ng suspect."
Sa litrato naman na inabot niyang panibago ay napakadaming letra ang nakasulat. Dalawang papel iyun. Ang unang litrato ay magkakadikit ang mga letra samantala ang isa ay may mga espasyo.
"Sa tingin ko ito ang mensahe ng suspect." aniko
Nakalagay sa unang litrato ang dalawang hilera ng mga letra na walang espasyo.
qazwsxedcrfvt
gbyhnujmikolpSamantala sa pangalawang litrato ay hinfi masyadong makita ang mga letra dahil malabo ang kuha.
"Nasaan ang pahina na ito?" tanong ko kay Queen anya sabay turo sa pangalawang litrato, "Bakit malabo ang kuha?"
"Ang sabi ng pulis ay galing iyan sa kwaderno ng matalik na kaibigan ni Mr. Abay na si--" pagputol niya sa sasabihin niya tapos ay binuklat ang folder, "Mr. Dapiton. Gaspar Dapiton. Hindi inaasahan ng pulis na malabo ang kuha dahil nung kinuhaan niya ito ay akala niya ay malinaw ito pero ng kukuhaan na ulit niya ay bigla na lamang daw inagaw ng binata ang kwaderno niya at nagmamadaling umalis."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit hindi niya nasama sa listahan ng suspects?"
"Dahil nung panahon ng oras ng krimen ay kasama daw ni Mr. Dapiton ang kanilang guro na si Mr. Madula."
"Ano ang resulta ng oras ng autopsy?"
"10:11." muli akong napalunok ng wala sa oras
Napakalayo na ng oras ng pagitan ng pagkamatay sa oras na natagpuan ang bangkay.
"Walang cctv sa building?"
"Wala dahil bago pa lang at wala pang budget na nakalaan para doon." linawayan ko ang itaas ng labi ko bago pinaglapat ang itaas at ibabang parte. Mukhang mahihirapan ako dito, kulang kulang ng impormasyon.
"Sino ang nakatagpo ng bangkay?"
"Renan Mendoza. Grade 11 ICT 1109, at kung tatanungin mo kung saan nagkaklase ay sa ikaapat na palapag ng gusali. Ugali na daw nilang barkada na tumambay sa rooftop tuwing tanghalian."
"May mali."
"Bakit?"
"Anong oras ang recess nila?" tanong ko
"Uhmm. 10:15." sagot niya matapos icheck muli ang information sa folder
"Anong oras namatay?"
"10:11."
"Sino ang guro nila sa oras na iyun? Kumg di ako magkakamali ay oras pa ng klase ng mamatay siya paanong nangyari na wala siya sa loob ng klade niya? Tama ba?" tanong ko, saglit na napatigil si Queen Anya
"Oo nga noh? Di ko naisip yun ah?" nagniningning mata niyang sabi
"Ngayon kailangan natin magpunta sa skwelahan na iyan para maimbestigan pa ng malawak ang kaso na ito."
"Sorry di ako pwedeng sumama." medyo natatawa niyang saad
"Bakit naman?"
"You know Queen! Hahaha." aniya sabaybtayo at dahan dahan naglakad papalayo, "Goodluck Cyrill. kaya mo yan." dugtong niya sabay sigaw at takbo paalis sabay pasok sa kwarto niya.
Spell it. The heck!
So kaya lang pala niya ako tinawag para lang ipagawa sa akin ang kasong ito.
Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na. Kailangan ko ng mag ayos para sa pagpunta ko sa skwelahan na iyun.
to be continued ......
![](https://img.wattpad.com/cover/77135074-288-k589589.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mystery / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...