Tila isang telebisyon, ako ay nanunuod ng isang mabilis na pakitain. Ang mga ala-ala na hindi ko na maalala buhat nang ako ay isa pang bata.
Napahiwalay ako sa kanila. Nagkagulo ang lahat. Ako ay dinukot. Akoy ay napahiwalay.
"Ama." naiiyak kong ani habang nakatingin sa kanya
Siya ang aking ama. Si Bryant James Heteo. Ang dating hari ng Eripmav City na ibinuwis ang buhay para sa kalayaan ng lahat. Pero paanong nangyari na buhay siya?
"Paano? Ama?!" nauutal ako pero agad akong bumigay at umiiyak na tumakbo papunta sa kanyang bisig, sinalubong niya ako ng yakap at naramdaman ko din ang kanyang paghikbi
"Cyrill. Anak." tila isang musika sa aking tenga ang aking mga naririnig
Lumaki ako sa puder ng mga tao na kinilala ko bilang aking mga magulang pero lingid sa aking kaalaman na hindi sila ang tunay kong mga ama at ina. Sinabi nila sa akin yun kahit na bata pa ako, na nakuha nila ako sa isang bahay ampunan, kinakatakutan ng lahat pero wala daw ako dapat ikatakot dahil po-protektahan nila ako.
Pero dumating ang isang bagay na kinakatakutan ko, nawala ako sa kontrol at napatay sila. Inubos ko ang kanilang mga dugo.
"Ama? Dad?" nag aalinlangan kong tanong sa kanya bago nagpahid ng luha
Saglit siyang natawa at pinunas din ang kanyang luha.
"Dad." nakangiti niyang sambit, "Namiss ko tuloy ang mga kapatid mo."
Muli kaming nagyakapan.
"Magiging maayos ang lahat."
"Dad babalik na ba tayo sa syudad?"
"Sa totoo lang nandito na tayo sa syudad." inalalayan niya ako tumayo
Sabay kaming lumabas ng bahay. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang malawak na kapatagan ng Eripmav City. Nasa taas pala kami ng isang bundok. Kitang kita mula sa kinatatayuan namin ang malawak na kagubatan na naalala ko na huling lugar na tinuntungan ko bago ako nawalay sa lugar na ito at ang malawak na karagatan. Maging ang sentro ng bayan ay kitang kita dito, ang royal hall.
"Eto ang bahay ko dati, namin ng mama ko nang buhay pa siya." malungkot na kwento niya
"Nasaan siya na siya Dad?" medyo awkward pa ang pagtawag sa kanya noon
Hinawakan niya ang aking kamay at inilapat ito sa kanyang pisngi.
"Nakit mo ba? Nagising na ba ang iyong kapangyarihan?" tanong niya
Nang inilapat niya ang kanyang kamay ay bigla akong hinigop ng isang malakas na enerhiya. Napunta ako sa isang lugar, para akong nanunuod ng telebisyon na nagbabalik tanaw. Kitang kita ko kung paano namatay ang ina ng aking ama. Pinatay siya ng isang dalaga.
"Maghanda ka. Haharapin na natin ang bagong hari."
"Teka Dad."
"Bakit?"
"Ang bagong hari? Siya sa ba si Kuya Charles?" nahihiya kong tanong
"Oo." ngumiti siya ng matamis sabay tingin sa malayo, "Masyado akong masaya sa kanyang narating."
"Masaya ka nga dad, muntik na kaya niya ako ipapatay." nakasimangot kong sabi
Hinawakan niya ang aking ulo sabay gulo ng aking buhok.
"Lumaki kang maganda katulad ng nanay mo at manang mana ka sa akin kaya tara na."
"Tsk." palatak ko at sabay irap. Oops, nalabas ang pagiging maldita ko
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Bí ẩn / Giật gânHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...