A/n: Happy new year everyone. Please don't forget to vote and comment.
"No." nauutal na ani Cyrill habang nakatulala sa binata na kaharap niya.
How come?
Hindi ito tama. Wala na siyang maintindihan. Tinignan siya ng lalaki ng puno ng pagmamahal bagamat mababakas sa kanyang mata ang panglalamig at galit. Dahan dahan nitong inalis ang punyal na nakabaon sa dibdib ng dalaga.
Agad namang napadaing sa sakit ang dalaga. Matapos mahugot ang patalim ay hindi naghilom ang sugat. Ito ang kahinaan nila. Ang pilak. Isang malalim na sugat ang iniwan nito sa katawan ng dalaga.
Lalong umapoy sa galit si Arlo.
"Every one will pay." Wala sa sariling sabi nito
Tumayo ito at hinarap ang mga tao na nakapaligid nila na tahimik lamang na nakikiramdam at nagmamasid. Maliban sa isang tao.
"And what is that?" Tanong nito sa binata, habang nakasama na tingin dito.
"The betrayal of your brother and your girlfriend."
"No it's not true." tila hindi makapaniwalang saad nito
"Don't make me repeat myself Tripp."
"Kuya," parang bata na ani Tripp habang naiiyak na nakatingin kay Arlo
"I already warned you, now pay the cost." sabi ng binata tapos ay bahagyang yumuko at pinulot ang isang espada na puno ng dugo sa lapag
"But let's play first." bulong nito tapos ay isang nakakatakot na tingin ang ipinukaw niya
"Who wants to die?" tanong nito tapos ay mabilis na nawala sa kinatatayuan
Tila isa itong mabilis na hangin na sing bilis ng liwanag kung kumilos na gumalaw. Tatlong katawan agad ang tumumba pagpatak ng isang segundo. At ang lahat ng ito ay wala ng ulo.
Nangilabot si Cyrill sa kanyang nakita. This is not the Arlo she knows.
Sa sumunod na segundo ay mas madaming bilang ng katawan ang bumagsak sa lapag.
"Stop Arlo." bulong ni Cyrill, ngunit walang nangyari.
Napaupo na lang sa lapag ang dalaga at wala sa sariling pinanuod ang kapaligiran.
Samantala, sa kagubatan ng syudad ng Eripmav ay may dalawang ginoo ang naghahabulan na tila bang dito nakasalalay ang buhay nilang dalawa.
"Tumigil ka na BJ, eto na ang katapusan."
Tumigil sa pagtakbo ang dating hari at mabilis na humarap sa gawi ng pinanggalingan niya, itinapat ang kamay sa tapat ng dibdib. Mula dito ay may lumabas na itim na bilog kung saan may hinugot siyang punyal mula na siya niyang pinangsalag sa espada na balak ipatama ng kalaban niya.
"Xiron, sumuko ka na. Dahil kahit anong mangyari di ko hahayaan na magwagi ka. Madami na ang nagsakripisyo, tama na. Sobra na."
"Hindi mangyayari ang mga ito kung binigay mo na sa umpisa pa lang ang gusto ko!"
"Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi mo pinairal ang galit at kasakiman mo!"
Matalim na mga tingin ang ipinukol nila sa isa't isa. Sabay na lumayo sa bawat isa ang dalawa at muling sumugod ng sabay.
Nagpalitan ng mabibilis na tira ang dalawa. Hindi naging sagabal kay BJ ang gamit niya punyal laban sa espada na hawak ni Xiron.
'Nakakapikon na to.' sa isip ni BJ, habang pilit na sinasabayan ang mga opensa ng kaharap.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mystery / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...