Chapter 8: Same
"Ayos ka lang?" halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang may biglang humawak sa balikat ko
"Ayos ka lang?" pag ulit niya sa tanong niya, dahan dahan at tuliro akong tumango sa kanya bago muling lumingon sa gawi nung pinaglahuan ng lalaki.
"Anong problema?" tanong niya, mabilis ko siyang nilingon at nginitian
"Wala, para kasing may nakita ako kanina."
"Na?"
"Wala yun. Tara na nga Keith." hinawakan ko na ang sleeve ng long sleeve niya at kinaladkad na siya papunta Greenwich.
Matapos naming bumili ng anim na box ng pizza ay agad kaming bumalik sa kotse.
"Ang tagal niyo ah?!" singhal ni bella samin, "Gutom na gutom na ako!"
"Woi wag mong buksan!" sigaw ni Shirley sabay tapik sa kamay ni Bella ng tangkain nitong buksan ang box ng pizza
"Whatever. Bilisan niyo ngang nagdrive." natawa na lang ako sa kanilang dalawa
Mga trentang minuto mahigit ang byinahe namin dahil sa traffic na nang oras na iyun at tanghali na din bago kami nakarating ng headquarters.
Agad kaming bumalik ng Cubicle 16. Pero bago pa man ako makapasok sa loob ay may humara na sa akin.
"Pinapatawag ka ni Queen Anya." saad ni Hector
"Ganun ba? Sige sunod na ako." sagot ko, sinabihan ko saglit ang mga kagroup ko na pinapatawag ako.
Mabilis akong bumaba ng morde dahil dun daw sa queens room ako gusto makausap ng reyna.
Mabilis naman ako nakarating doon. Nang matunton ko ang may nag iisang pulang pintuan sa palapag ay agad akong kumatok ng tatlong beses. Pinagbuksan ako ng isang katulong at pinatuloy.
Ganun na lang ang pagkamangha ko ng makapasok ako sa loob, dahil sa ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapasok dito.
Ang sasalubong sa iyo kapag nakalampas ka ng pintuan ay isang hallway na pahaba papuntang gilid. Wala itong pader dahilan para makita ang buong kalawakan ng loob ng kwarto nila.
Kung tatantyahin mo ay halos katumbas nito ay dalawang palapag dahil sa unang palapag ay ay hagdanan at hallway lamang ang nagookyupa.
Elegante ang desensyo ng loob ng kwarto nila. Gold and red ang theme. The color of the Queen.
"Baba ka!" sigaw ni Queen Snow ng makita akong nasa taas at nakatulala
Di agad ako nakapagsalita. Umiling ako sa isip ko at mabilis naman na tumango sa reyna. Mabilis lamang akong nakababa. Sinalubong ako ni Queen Anya.
"Halika dali!" masaya niyang sabi, nagtataka akong tumingin sa kanya dahil sa ayos niya.
May dugo ang kanyang bibig tapos ang kanyang mga pangil ay mahahaba. Pula din ang mga mata niya habang nanlilisik itong nakatingin sa akin.
"Ah eh?" di ko mawari na sagot
"Dapat di ka na pumunta. Nahihibang na naman kasi yan." biglang dumaan si Queen Alejandrina, may hawak siyang box at tumigil talaga sa tapat namin at nakapoker face na sinabi iyun
"Shut up Ate. Ang cool kayang tignan." sigaw niya sa Ate niyang palayo
"Whatever."
Humarap ulit sa akin si Queen Anya pero bago siya nagsalita ay bara bara niyang tinanggal ang improvised niyang ngipin na may pangil tapos ay pinunasan din ang pekeng dugo sa paligid ng bibig niya
"Tara sunod ka sakin." sumunod ako sa kanya at pumasok kami sa loob ng isang kwarto na may brown na kulay ng pintuan. Napansin ko kasing magkakaiba ang kulay ng mga kwarto na nakapagpasira sa kaelegantehan ng buong bahay.
"I have a mission for you."
Inabot niya ang isang folder na kulay orange. Nang mahawakan ko ito ay tinignan ko lang ang folder at hindi ito binuklat.
"Ako lang mag isa?" tanong ko
"Oo. Alam kong magiging interesado ka jan." binuklat ko ang loob ng folder at nagulat ako ng makita kung ano ang nakasulat sa mission ko
"How come?" nagtatakang tanong ko, "You're doing illegal transactions?"
"Yes. And I'm doing this for you honey. All tye details are already written there." muli kong binuksan ang folder
"Bakit walang mga pangalan?" tanong ko, kung titignan ko sila ay mga kasing edad ko lang sila
"Natakot magsalita ang source ko. Kaya gumawa ako ng sarili ko research."
"Paano mo naman nasigurong mga bampira ang mga ito?" tanong ko at itinapat sa kanya ang mga picture ng mga hinala niya
"Di man binanggit ng source ko ang mga pangalan pero nabanggit niyang laging nakatambay ang grupo ng kabataan na yan pagkadating ng dilim. Kaya ilang araw din akong tumambay sa bar na yan para magobserba hanggang sa mapansin kong silang lima lang ang laging nandoon."
Tumango ako. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Masasagit na ba nito ang pangarap ko?
Ang pangarap ko na makilala ang mga totoong magulang ko? Ang malaman ko ang nakaraan ko? At ang malaman ang buong pagkatao ko.
Pagkatapos namin mag usap ng reyna ay dumaan muna ako ng kwarto ko para ilagay sa tagong lugar ang mission folder tapos ay nagteleport na ako pabalik ng cubicle 16 para mapadali na.
"Ang tagal mo naman." salubong sa akin ni Mich sabay pout, nginitian ko siya at hinawakan ang ulo
"Bar tayo next week."
"Woah. Ano yan? Bago yan ah?" gulat na sabi ni Bella, "May lagnat ka ba?"
"Hindi niyaya ako ni Damian eh, isa pa nasa tontery bar daw ang runaway lullaby sa friday."
"Sige. Tutal day off natin kinabukasan." sagot ni shirley sabay subo ng pizza
"Pass muna ako," singit ni kaye."madami akong kailangan iencode."
"Awww poor you. Di mo makikita si Seven baby mo." tukso ni sheila
"Eehhhhh. Wag ka ngang ganyan! Nakakainis naman eh." napuno naman ng tawanan ang buong kwarto
"Ikaw keith? Sasama ka?" tanong ni Bella, tahimik lamang ito na nakain sa isang sulok habang kinakalikot ang cellphone niya, tumango siya ng makitang lahat kami ay nakatingin sa kanya
"Very well," sabi ko, tumayo ako at kumuha ulit ng pizza, "Then it's all settled."
To be continued .....
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mystery / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...