Volume 2 • Chapter 67

361 22 4
                                    

Tahimik ngunit mailap na kagubatan ang sumalubong sa akin sa kagubatan ng Laguna. Dito ang pinaka daan papunta sa loob ng Eripmav.

Tinignan ko an orasan ko at labinlimang minuto na ang nakalipas ng dumating ako dito pero wala pa din si Echo.

Damn where he is?

Madilim na ang kapaligiran, una dahil napapaligiran ako ng mga puno na malago ang mga dahon at isa pa ay palubog na ang araw.

Bukas na ang araw na pinakahihintay ng lahat.

Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari.

"Sorry natagalan."

Humarap ako sa gawing kaliwa upang tignan kung sino ang nasalita.

It's Echo. With his father.

"Let's go." utos ko, pumuwesto siya sa gitna at itinaas ang dalawang braso tyaka nagbigkas ng mga kakaibang salita

mula dito ay isang portal ang lumabas at ito ang dinaanan namin papasok sa syudad ng eripmav.

Nakakamangha ang kagandahan ng kapaligiran. Kahit na makabago ang mga estilo bahay na kitang kita sa aming kinatatayuan dahil sa isang burol kami napunta kung saan kitang kita ang buong bayan ay namamayani ang katahimikan at kalinisan ng kapaligiran. Napakasariwa din ng hangin.

Tila ay nasa probinsiya ako na moderno ang mga kabahayan, ngunit hindi tao ang mga nakatira.

Mula din aa kinatatayuan namin ay kitang kita ang isang kulay asul na kalahating bilog na bumabalot sa loob ng syudad. Hindi ito abot sa aming kinatatayuan. Sinilip ko ang likuran namin at isa itong kagubatan. Tila ay koneksyom ito ng pinasukan naming lagusan kanina.

"It's an offensive barrier. Hindi mo mailulusot ang ano mang armas na gawa sa pilak sa loob kaya iwan mo iyan dito." aniya, tinutukoy niya ang lagi kong dalang baril

"Wala bang paraan para maipasok ko ito? Alam mo kung gaano ito kahalaga sa akin." pagsumano ko

"Meron naman pero wala akong kakayahan. Wala ako sa loob ng syudad ng ginawa ang barrier kaya wala akong basbas para kumuha ng tanggap katulad nito."

"Tawagan mo kamag anak mo." nakapoker face kong sabi sa kanya, "hindi ako aalis dito hanggat di ko kasama ang baril ko."

"Wala kasing forever." aniya, "Ikaw kaya tumawag kay Tita."

"Sinong tita." nakakunot noo na tanong ko

"Si Cyrill." sagot niya

"Tita mo yun?" tanong ko tapos ay tinignan siya mula ulo hanggang paa

"Oo bakit? Alam ko yang tingin na yan ah. Halos malapit lang kasi ang taon ng aming mga pagkakasilang."

"Hindi iyun ang itiningin ko, mas mukha ka pang matanda sa mga kalahi mo." natatawa kong sagot, maging ang kanyang ama ay natawa sa aking tinuran

"Aba nangasar ka pa!" asik niya, "Malamng damphyr ako kaya natanda ang aking itsura, ipinagaalala ko nga kung saan taon ako hihinto ng pagtanda. Mamaya ay uugod ugod na ako tsaka titigil ang aking pagtanda."

"Edi mabuti mukha kang ancient vampire." natatawa kong sabi na kalaunan ay napatigil ako sa pagtawa

Ang aking ama. Isa siyang ancient vampire.

"Tawagan mo na." gigil na aniya

"Yuck." sabi ko at tinignan siya nang nakakadiri

"Ano na naman?" nanlalaki matang tanong niya.

"Wala ang pangit mo." sabi ko at kinuha na ang phone ko at naiiling na inidial ang numero ni Cyrill

Hindi naman lumipas ang isang minuto at nasagot niya ito agad.

"Hello." bati niya

"Hi Cyrill." pilit kong pinipigilan ang aking ngiti ng marinig ko ang kanyang boses

"Malandi." rinig kong bulong ni Echo pero hindi ko na ito pinansin

"Nasaan na kayo." tanong niya

"Andito na kami sa burol." sagot ko

"Sige pupuntahan ka na namin." aniya at binaba na ang tawag

Saglit akong nalungkot nang ibaba niya agad ang tawag. Naiwas ba siya? At namin? Madaming sasama sa kanya sa pagsundo sa amin.

Napapalatak ako sa naisip ko bago humarap kay Echo.

"Oh ano na daw?"

"Papunta na daw."

"Oh eh bakit ganyan mukha mo?" tanong niya

"Wala naman. Naasiwa kasi ako sa mukha mo." sanay na yan laitin, alam niya kasing ang paglait ko sa kanya ang nakakasaya sa akin at nakakapagwala ng init ng ulo ko kaya hinayaan niya na lang. Minsan hinihintay ko na lamang na sumabog siya sa galit kapag inaasar ko siya pero hindi naman nangyari.

"Sige lang Arlo." aniya

"Bakit naasar ka na ba?" pang asar ko

"Hindi kauti na lamang ay maniniwala na akong gusto mo ako kaya mo ako laging inaasar. Papansin." natatawa niyang sabi
Umarte ako ng nasusuka dahil sa kanyang lalaki.

Shit!

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Nakakadiri!

Naputol ang pagkukulitan namin nang isang SUV ang bumisina na nakapark sa baba ng burol bumaba mula dito si Cyrill at kinawayan kami.

Sabay sabay kaming bumaba nang burol. Sinalubong kami ni Cyrill at binigyan niya nang basbas para makapasok ng syudad ang pinakamamahal kong baril.

"Natagalan ata kayo?" tanong niya

"Sinundo ko pa si Dad." sagot ni Echo

"Matutuwa si Tita Veza kapag nalaman niyang nandito kayong dalawa."

Okay?

Walng matutuwang malaman na nandito ako.

"Akala ko ba may kasama ka."

"Oo kasama ko si Leigh at Le--" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng magbukas ang pintuan ng sasakyan at bumaba mula dito ang tatlong lalaki.

Perp hindi ang naging problema ko. Sa isang lalaki natuon ang atensyon.

Hindi ako pwedeng magkamali siya iyon. Nagbago lamang ang hugis ng kanyang katawan, mas tumipuno siya at mas humaba ang kanyang buhok.

Sinugod ko siya at kwinelyohan tsaka ito sinuntok sa kanyang mukha.

"Hey!" sigaw nila dahil sa naging kilos ko

"Walang hiya ka!" sigaw ko sa kanya at hinigpitan ang pagkakasakal sa kanyang kwelyo

"Dito lang pala kita matatagpuan!" sigaw niya at sinuntok siya ulit
Hindi ko pinakawalan ang kanyang kwelyo at paulit ulit siyang sinutok hanggag sa may maghiwalay sa aming dalawa.

"Ano bang problema?" sigaw ni Cyrill sa akin

Pero hindi ko ito pinansin at tinignan lamang ng masama ang lalaki.

"Anong problema mo Arlo?!" sigaw niya ulit, "Bakit mo sinuntok si Ginoong Leticima?"






to be continued...

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon