"Ano ba?!" agad kong ipiniglas ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak
"Anong ano ba?!" gulat na tanong niya
"Ano?!" sagot ko
"Hindi ka na nahiya," inihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang buong mukha at saka bumuntong hininga ng malalim, "ang dating hari at reyna iyon at talaga ngayon mo pa naisipan ipakita ang childish side mo?!"
"Childish? Di ako childish." ani ko sabay pout
"Di childish eh ano yan? Ha? Ha?" sabi niya habang dinuduro ang aking labi
Agad ko namang hinawakan ang aking labi dahil sa ginawa niya.
"Pati labi ko minomolestya mo." nanliliit mata na ani ko
"Naiinis na talaga ako sa iyo ah." naka poker face na sabi niya
"Sorry na." hingi ko ng pasensya sabay himas sa aking batok, hindi ko rin alam kung bakit iyon ang iniaasal ko simula kanina
"May naamoy ako." bigla niya sabi, nangunot naman ang noo ko
"Wala akong putok."
"Hayop ka Arlo. Jan ka na nga." aniya at saka ako tinalikuran at naglakad nang mabilis agad naman ako humabol sa kanya
"Joke lang di ka naman mabiro eh, ano bang naamoy mo?"
"Dugo." seryoso niyang sagot
Dinala kami ng paa namin sa isang mahabang pasilyo, nang una panay pader ang nakikita namin hanggang sa naging panay babasagin ito.
Mula sa loob nito ay madaming apparatos ang nandito, may mga dibisyon din ng salamin ang bawat kama. Sa mga ito ay may mga nakahigang nilalang na may nakakabit na apparatos sa buong katawan, walang malay ang mga ito.
"Ano ito." bulong ko pero wala akong natanggap na sagot sa kasama ko
Malayo layo din ang nalakad namin hanggang sa makarating kami sa dulo. Bago pa man sa dulong dulo na kwarto ay ang ilang kwarto na katabi nito ay may mga taong kinakalampag ang pader ng salamin na tila ba wala sa kanilang mga sarili. Mga naglalaway at nanlalaki ang kanilang mga mata.
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng may kumalampag sa likuran ko. Napahinga naman ako ng maluwag nf makitang di niya mabasag ang salamin sa kabila ng ginagawa niyang pag ibayo dito.
"Tita Steff." nawala lamang ang atensyon ko ng magsalita si echo at kinausap ang babaeng nakasuot ng lab gown
Napatikhim ako ng makitang si Damian ang laman ng kama, mula sa kanyang itsura ay bugbog sarado siya. Puno ng pasa. Hindi na ako bampira kaya hindi ko ganun naamoy ang amoy ng dugo pero nalalanghap ko pa din ang amoy nito sa kabila ng nagamot na siya ng doktor na ito
Tinanggal muna niya ang tetescope bago kami nilingon. Isang magaang ngiti ang iwinaksi niya sa kanyang labi bago nagsalita.
"Maayos na siya, madami lang dugo ang nawala sa kanya mabuti na lamang at nagawan ng paraan ni Creed, malalim din ang tama niya ng baril."
Creed yung kasama namin kanina? Psh. May alam din pala siya.
"Mabuti naman kung ganun."
Muli akong napatingin sa mga naglalaway na tao na nasa kabilang kwarto lamang.
"Hindi sila tao." ani ng ginang, teka nababaaa niya ang isip ko?
"Yes I can read your mind. Dati silang mga fiend na pinipilit namin ibalik sa pagiging tao nila or neither pagiging bampira. But our experiment is still failed. Ganyan pa din ang actions nila and they still crave for blood. Hindi naman din namin sila maibalik sa pagiging bampira."
"Fiend? What is fiend." naguguluhan na tanong ko
"Sort of crazy vampire from toxics, acids, bloods from ancient and etcetera." sagot ni echo
Lahat kami ay napatingin sa taas ng umilaw nang red alert ang emergency light at tumunog nang nakakabahalang tunog.
"What's happening?" ani ko
"Red alert. Come on." ani ng ginang at hinubad ang suot niyang gwantes at tumakbo na agad naman naming sinundan.
Tumuloy kami sa.labas ng mansyon. Napakadaming bampira ang nakapaligid. Agad naming hinawi ang mga ito at pinilit na makapunta sa harapan pero di pa man ako nakakapunta ng tuluyan sa harapan ay napatigil ako sa paghawi ng mga bampira na nasa dadaanan ko ng makita at nasa tapat ng kampo namin.
Isang batalyon ng kalaban. Ang kampo nila ama maging ang mga tao mula sa NWO.
to be continued .....
2 chapters to go
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mysterie / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...