Chapter 25: The Son
Sa isang mall sa isang lungsod ng kamaynilaan ako nakarating ng dahil sa iniimbestigahan ko.
Iginala ko ang aking paningin at pinakiramdaman ang paligid. Kailangan kong malaman kung sino ang dalawang bampira na nakalap ni Anya. May koneksyon ba sila kanila Sierra o isa sila sa mga Darkwayne na kalaban namin.
Dumiretso ako sa foodcourt nang naturingan na mall. Naupo ako sa bakanting upuan at naghintay.
Sabi ng aking lead, madalas niyang nakikita dito ang dalawang lalaki na may kasamang isang gwapong binata. Literal daw na gwapo. Hindi ko alam kung bakla ba ang nakausap ko kanina pero ang ningning sa kanyang mga mata habang pinupuri ang binata ay kakaiba.
Kinuha ko ang bag ko at nilabas ko ang tumbler ko na may lamang dugo. Wala naman sigurong maninilip sa kung anong laman ng aking inumin.
"Excuse me miss." muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil isang lalaki ang umupo sa harap ko, akala ko ay namalik mata lang ako pero sobrang puti niya. Nakasuot siya ng iaang shades na itim na itim habang naka v-neck tshirt na pink at pantalon na fitted. Dahan dahan siyang umupo sa tapat ko habang nililinga ang paligid.
Pero hindi doon natapos ang pagkagulat ko sa kanya.
Dahil isa din siyang bampira.
"Sa tingin ko ay hindi ka dapat umiinom niyan dito." bulong niya habang tingin pa din sa paligid
Kinunutan ko siya ng noo bago nilibot din ang paningin.
"At bakit naman? Sino ka ba?"
"Jagger." aniya sabay abot ng kanyang kamay, nakarinig ako ng impit na tilian sa kabilang lamesa dahilan para saglit akong mapalingon
Hindi ko tinanggap ang kamay niya at nilapat lamang ng sandal ang aking likod sa sandalan ng upuan.
"Ano ang pakay mo dito?" tanong ko sa kanya
"Bakit ka nandito?"
"Wag mong sagutin ng tanong ang akin tanong." angil ko sa kanya
"Look," nilagay niya ang dalawang siko niya sa lamesa at nangalumbaba
"Bawat isa sa atin may mga misyon sa buhay pero hindi lahat ng tungkol sa atin ay pwedeng malaman ng iba."
Di ko na siya sinagot at kinuha ang bag ko na nasa tabi ko at binalak tumayo pero pinigilan niya ako.
"Wait, anong pangalan mo?" tanong niya, tinaliman ko ang tingin ko sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko
"None of your business boy." sagot ko at umalis na
My world is getting bigger. I'm already encountering numbers of vampires.
Kung dati lagi kong pinapangarap na makakita kahit isa man lang sa mga kalahi ko, pero ngayon ay parang ayoko na. Parang masyadong malaki at magulo ang mundo nila.
Tumuloy ako sa parking lot kung saan nakapark ang aking sasakyan. Sinadya kong sa madilim na parte ipark ang sasakyan ko para hindi ako matamaam ng sinag ng araw.
Pero bago pa man ako makalapit sa sasakyan ko dalawang bampira na naman ang nakita ko.
Hindi ito ang dalawang lalaking hinahanap ko ko. Pero base sa anyo nila, isa silang Darkwayne. May tattoo sila sa kanilang kamay na nakita ko din sa kamay ng pinuno nila.
"Cyrill Trudeau any last word?" tanong niya, agad akong naalerto, wala akong dalang patalim ngayon sa loob ng katawan ko dahil kailangan inspeksyonin kanina sa loob ng mall kaya inalis ko ang mga ito.
Tinignan ko ang dalawa, nasa likod nila ang aking sasakyan. Kailangan kong makapunta doon.
"Last word? You'll die." sagot ko ko at tumakbo pasugod sa kanila, ang isa ay may hawak na katana at ang isang ay may hawak na double knife. Sabay silang sumugod sa magkabilang direksyon ko.
Ng makatapat ako sa kanila ay nagslide ako pababa sa pagutan nila upang huwag akong tamaan. Ng makalampas ako sa kanila ay agad akong tumayo pero isang dibdib ang nakapagpatigil sa akin at nagawa akong patalsikin pabalik.
"What the heck." sigaw ko at hinawakan ang ilong ko, i exert to much force sa ginawa kong pagtayo tapos ganun lang mangyayari?!
"Anong problema?" agad akong napadilat kahit hawak ko pa din ang ilong ko at tinignan ng pagkatalim talim ang lalaking kausap ko kanina sa loob ng court
Nanggigigil na talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero mainit ang dugo ko sa kanya. In short ayoko sa kanya.
"A Darkwayne." bulong niya, tapos ay gumala ang kamay niya sa balikat ko tapos itinabi ako papunta sa likod niya na parang bata.
Seryoso lamang niyang tinignan ang mga ito.
"Oh the son of--" hindi na natapos nung isang lalaki ang sasabihin niya, mabilis na nawala si Jagger sa kinatatayuan niya at lumabas na lamang siya sa likod ng dalawang lalaki.
Pinalo niya ang batok ng isang nagsasalita na lalaki dahilan para mapayuko ito at damdamin ang kanyang leeg. Kung ordinaryong tao ito ay malamang na nawalhan na ito ng malay. Ang isang naman ay sinugod siya ng kanyang kutsilyo.
Bumilib ako sa ginawang pagkilos ng binata, mabilis niyang naiilagan ang mga kilos ng kalaban. Halos di na makita ang mga kilos nila dahil sa sobrang bilis nila. Kung sa karaniwang paningin ito ng mga tao ay wala na halos silang makikita pero dahil isa akong bampira ay maliwanag at maayos kong nakikita ang bawat kilos nila.
Aksidente akong napatingin ng kanang gawi at nagulat sa nakita ko. Ang pakay kong mga bampira.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Gizem / GerilimHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...