Volume 2 · Chapter 52: Reunion

426 24 3
                                    

[Dedicated sa mga bagong operator at sa nagbalik.]


"Is this for real?" tanong ni kuya Charles, tumingala ako para di umagos ang mga luhang nag uunahan sa pagbasak

This is a touching moment. Maski ang mga bampirang hindi kamag anak ay kakikitaan mo ng mga galak sa kanilang mata. Marahil sadyang malapit and dating hari sa mga ito.

"Dad." ayaw pakawalan ng panganay na kapatid ko ang aming ama mula sa kaniyang pagkakayakap pero inalis ito ni ama sabay nginitian siya nito

"Ako ay lubos na masaya makita kayo ulit."

"Paanong nangyari na buhay ka Dad?" gulat na ani Kuya Cyprus

"Mahabang kwento." nakangiting sagot ng ginoo, "Pero ang mahalaga ay kumpleto na tayo."

"Kumpleto? Pero dad nawawala si mom and Cyrill."

"Your mom is still finding it's way to go back here, but about your younger sister."

Sa di malamang dahilan bigla kong nanigas sa kinatatayuan ko ng ituran iyun ng aking ama. Ang lahat ng mata ay napunta sa akin ng lumingon din sa king gawi ang dating hari.

"No." nakakunot noo na sabi ni Charles, "She's our sister?"

"Yes."

"I'm so sorry." natatawang ani Charles, "Sorry. Sorry. Nakakatawa lang."

"Ano namang nakakatawa dun?" inis kong sabi bumaba ako mula sa taas na bahagi ng pulong bulwagan

"Why do I need to have reason to tell you?"

"You!" susugurin ko na dapat siya ng pigilan ako ni Ama na mabilis na nakalapit sa aking gawi

"Huwag nga kayo mag away na magkapatid."

"Sorry dad. Hindi lang kapani-paniwala ang sinabi mo." paliwanag ni Cyrus

"Alin ng hindi kapani-paniwala doon?"

"After all this time. The person we are investigating is our long lost sister." lumabas mula sa gitna ng maraming bampira ang isa ko pang kapatid, ate cyrene. Kasama niya ang kanyang asawa na si Seven.

"What?!" natahimik ang buong bulwagan ng isang matinis na tinig ang nangibabaw dito

"Totoo ba yun? Ama! Ama! Sagutin mo ako!" napangiwi ako ng makita ko ang isang pamilyar bulto na nagwawala ngayon, yakap yakap ang kanyang ama at hila hila ang damit nito

Ang aking pamangkin, Jagger Heteo.

"Damn." rinig kong inis na bulong ng hari

"Ama! Hindi pwede!" pagwawala niya

"Ano ba yan Jagger! Umayos ka nga. Nakakahiya sa mga nakakakita!"

"Pero nangako ka na. Siya ang magiging reyna ko. Bakit ko siya magiging tita." naiiyak na tanong ng batang prinsipe

Sunod sunod na mura ang narinig ko mula sa hari na ikinatawa ko. Ngunit nangingiwi pa din ako kapag naalala ko na may ibang pagtingin sa akin ang aking pamangkin at nais pa ako nito maging asawa.

"Eto na ba ang apo ko?"

"Yes dad. My first born, Jagger Heteo."

"First born? Bakit ilan ba anak mo?"

"On the way dad." nakasmirk na sabi ni Kuya sabay hapit sa bewang ng kanyang asawa

"Hindi Dad!" patuloy na pagwawala ni Jagger

"I guess kahit na mahirap tanggapin at paniwalaan na ikaw pala ang aming nawawalang kapatid, sa tingin ko wala na tayong magagawa doon." ani ng asawa ni Kuya Charles

Napakaganda nito. Pero kung pagmamasdan mo siya ng maigi ay katatakutan mo siya. Napakatapang ng kanyang mukha at lagi siyang nakataas ng kilay. Pero ganun pa man sa oras na nagsalita siya ay napakalambing nito at napakahinahon.

"Welcome back Cyrill." dugtong pa niya tapos ay lumapit sa akin at niyakap ako

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Ganito din ang naramdaman ko ng yakapin ako ng pamilya ko sa NWO pero iba to. Mas lamang ang aking kaligayahan ngayon.

"Wahhhh." rinig kong sigaw ni Dad at nakiyakap din. Sunod sunod din na bilang ng braso ang pumaligid sa akin dahilan para mas lalo akong maiyak

This is the happiest day of my life. To meet my true family. To be on my true home.

"I'm so happy." naiiyak na bulong ko

"We're also happy my dear." bulong na sagot ni Dad at hinalikan ako sa aking noo









To be continued ....

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon