Tahimik kaming pumasok sa loob ng mansion. Gulo gulo at sira sirang gamit ang sumalubong sa amin.
Samantala nagkakamot nang batok na sumalubong sa amin si Kuya Cyprus na pinagmamasdan ang kapaligiran.
"Hanep!" angal niya, "ang tagal natin ipinundar yun! Silang dalawa lang pala sisira." di niya makapaniwalang turan
"Pagbigyan mo. Bonding nila yun." sarkastikong sagot sa kanya ng hari
"Bonding? Eh kung bondingin kita!" umaamba siya na susuntukin ang hari pero agad siyang natigilan ng dumaan si Ate Vladelias.
"Baka nakakalimutan mo hari yan." paalala niya tapos ay dinakot ang basag basag na salamin na galing sa isa sa mga glass na cover ng cabinet
"Sa bahay na to," aniya sabay turo sa lapag, "walang hari hari. Magkakapatid kami at pantay pantay kami baka gusto mong halikan kita." pinanlakohan niya ng mata ang pinsan pero di siya pinansin nito at inirapan lang tsaka umalis
"Manyak ka. Dun kayo ni Law. Lumayas layas kayo sa puder ko." sabi ni kuya charles tsaka naupo sa sofa at hinimas ang kanyang noo.
Magsasalita na sana ako para sabihin ang nalaman pero agad din ako napatigil ng humirit na naman si Kuya Cyprus.
"Palibhasa nakaisa ka lang. Hmp!"
"Nakadalawa ka nga pero isang tirahan lang Heteo Cyprus."
"Aba!" di makapaniwalang sigaw ni Kuya, "minamaliit mo ba to?" napangiwi ako sa kanyang sinabi
Ako lang ba o iba talaga ang dating nang kanyang sinabi.
"Ako ang pinakagwapo sa ating magkakapatid. Nako kung i nga lang hibang sayo si Ate Hell aba di ka magkaka-asawa!"
"Dinamay mo pa si hell. Lumayas layas ka sa harap ko Braile."
"Talaga! Hmp!" padabog siyang umalis na parang batang inaway ng kalaro. Lalo akong napangiwi ng ibagsak niya ang pintuan pero dahil ata may likas na katangahan ang kapatid ko ay naipit pa siya sa pintuan ng sinara niya ito
"Childish." stress na sabi ni kuya at sinandal ang batok sa sandalan ng sofa tapos ay tinakip ang braso sa kanyang mga mata
"Kuya." sabi ko at naupo sa tabi niya
"May problema tayo." nahihiyang sabi ko, nakagat ko ang hinlalako ko habang hinahantay ang kanyang reaksyon
"Maliban sa mga bampira dito na pagkakagulo at sa.mga magulang natin na nagpapatayan ano pa?"
"Hehe. Kasi." pekeng tawa ko, "may nalaman ako."
"Just go straight to the point Cyrill."
"Susugudin daw ng organisasyon ko ang Eripmav."
Agad na napaayos ng upo ang hari at seryosong tumingin sa akin.
"Sigurado ka?" tanong niya
"Oo. Nalaman ko ito pagka apply ko ng resignation. At sa ikalawang araw na sila susugod."
"Paano nila nalaman ang syudad natin?"
"Yun din ang pinagtataka ko."
"Hindi pa ito binabalita ni Keith sa akin." mabilis akong napatingin sa kanya g bigkasin niya ang pangalan ni Keith
"Totoo nga kuya?" nagtataka siyang tumingin sa akin
"Ang alin?"
"Dito lumaki si Keith?"
"Oo." isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, "napakabait ng batang iyun, pero naabuso. Sana ay makuha na niya ang hustisya na ninanais niya."
"Hustisya kuya?"
"Alam kong masakit ito cyrill pero kailangan mo tong malaman. Ang lahat ng nakilala mo sa NWO ay pawang walang katotohanan."
"Paanong walang katotohanan?"
"Ang mga nakilala kong Norwood, lahat ay huwad. Ang natitira na kamang na norwood ay ang pamilya ni Keith pero sa kagustuhan ng pamilyang Farrell na mapasakanila ang organisasyonnay pinapatay nila ang pamilya ni Keith na siya naman naming natagpuan at inaruga."
"Ano?" gulat kong tanong, "Sigurado ka Kuya?"
"Oo."
"Tsaka ang mga Farrell?" nauutal kong tanong
Si Saige. Isa siyang Farrell.
"Alam kong mahirap paniwalaan pero ito ang katotohanan Cyrill."
"Pero si Echo ano ang ginagawa niya?"
Isang damphyr si Echo. Nalaman ko ito nang aksidente kong mabasa ang kanyang isipan nang mahawakan ko siya. Damphyr kalahating tao at kalahating bampira. Ang kanyang ina ay isang bampira na pinsan nila Kuya Charles at ang kanyang ama ay isang tao.
"Ayaw niya dito. Pero hindi ko siya pinayagan. Kaya ang ginawa ko ay pinatiktik ko sa kanya ang Norwood Organization para malaman ang mga hakbang na nais nila gawin matapos mawala ni Keith sa NWO ilang taon na ang nakakalipas. Wala pang muwang ang bata noon sa mga ganitong bagay kaya sa ilang taon na pamamalagi niya dito ay tinuruan namin siya ng lahat ng kanyang kailangan malaman tungkol sa pakikipaglaban."
Si saige. Hindi ko inaasahan na isa siyang kalaban. Pero si damian at ang iba pang agent na nagtatrabaho doon. Paano na sila? Inosente ba sila o kalaban din?
"At ang pinakahuli naming nakuha na impormasyon." hinintay ko siyang magsalita pero mukhang hinihintay niya ang aking permiso para marinig ang kanyang sasabihin kaya tumango bilang hudyat.
"Nalaman namin na may relasyon ang mga Norwood sa Darkwayne."
Bigla akong nabingi sa akong narinig. Parang sa oras na iyun ay nagdilim ang aking paningin.
Unti unti nagtagpi tagpi ang lahat. Kaya pala sa tuwing may misyon laban sa Darkwayne ako ang pinapadala nila. Dahil ba ako ang walang kakayahan na labanan ang mga ito?
Si damian? Paano siya? Ano ang parte niya sa mga ito.
At higit sa lahat si Arlo. Ito ba ang sinasabi ni Echo na mag ingat ako sa kanya? May alam ba siya dito?
Napahawak ako sa aking dibdib ng bigla itong magsikip.
Arlo. Ang NWO. Ang mga kaibigan na tinuring kong pamilya.
Ang lahat ba ay kasinungalingan lang?
To be continued ....
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Misterio / SuspensoHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...