Volume Two • Chapter 47: The boy

513 24 7
                                    

Pagkalabas ko ng kwarto ay agad akong lumabas ng ospital. wala akong panahon para magtagal sa lugar na iyun. Kinunsulta ko lamang ang aking problema sa ginang na iyun. Isa siyang bampira na natagpuan ko sa labas ng aking bahay isang buwan na ang nakakalipas. Dapat ay sa bahay ko siya magpapagaling pero di siya sumang-ayon at mas ginusto niya na manatili sa ospital dahil daw sa kalagayan niya.

Noong oras na nakalabas daw siya sa kulungan na nagkulong sa kanya at hiniwalay siya sa totoong mundo ay nanghihina daw siyang napadpad sa village na pinatitirhan ko. Hindi naman daw talaga niya sinasadya na mapunta sa tapat ng aking bahay pero naka-amoy daw siya ng isang pamilyar na dugo hanggang sa makarating siya sa amin. sinabi din niyang hindi aking dugo ang kanyang naamoy kaya hindi pa ako nagtanong tungkol sa mga kawirdohan niyang nalalaman.

Pagkapasok ko sa loob ng aking sasakyan ay sandali akong natulala sa harapan ng aking kotse. Bakit tila kakaiba ang aking nararamdaman sa araw na ito? Parang napakadaming mangyayari at napakadaming mali sa araw na ito.

Ini-start ko na ang makina at pinaandar ang kotse. Bagamat malalim ang iniisip ay sinikap kong mag-drive ng nasa wisyo. mahirap nang maaksidente. Alam kong may immortal akong kakayahan pero ang aking katawan ay nasa normal na estado pa rin kaya kailangan kong magdoble ingat lalo pa at nasa mataas na estado na ako ng buhay at maraming maghahangad para sa aking ulo.

Nais kong tulungan si Adellaide. Hindi dahil naawa ako sa kanya, kundi dahil nasa puso ko ito. may parte sa akin na nagsasabi na kailangan at responsibilidad ko na tulungan ang babae kahit na hindi ko ito lubusan na kilala.

Naitigil ko ang kotse saktong red lights. napabuntong hininga ako at umayos ng pagkakaupo.

Simula ng makita ko ang aklat na iyun at kwintas ay napakadami ng nangyari nsa aking buhay. Ang aklat ng sumpa ay nakapagdala sa aking ng swerte ngunit walanag kasiguraduhan kung hanggang kelan ito.

Ganun na lamang ang takot ni Adellaide ng makita ang libro. Naamoy daw niya mula dito ang kaluluwa at dugo ng nawawala niyang kalaban na ang ngalan ay Xiron. Isang lalaki na gusto sakupin ang eripmav city, at pamunuan ito ayon sa kanyang gusto.

At ang kwintas naman, na binigay sa aking ng yumao kong kuya. Napulot niya ito noon, at binigay sa akin dahil ito daw ay magsisilbing lucky charm ko para kapag nawala siya ay may magbabantay sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ang mga mamamatay na ay ang korni magsalita, pero pinangalagaan ko ng mabuti ang kwintas na ito. Pero hindi pala ito talaga para sa akin. Ayon kay Adellaide, ang kwintas na ito ay pagmamay-ari ng kanyang yumaong asawa.

Natawa siyang naiiyak dahil hindi niya maipaliwanag ang kanyang saloobing pero nararamdaman daw niyang buhay ang kanyang asawa ng hawakan niya ang kwintas. Binigay daw niya ito sa kanyang asawa ng magkakilala ang dalawa. At kahit binago daw ng asawa niya ang itsura nito ay hindi niya maipag-aakila na pagmamay-ari ito ni BJ, ang kanyang asawa.

Pinakitaan pa niya ako ng kaunting mahika. nagulat ako dahil hindi lamang ang pagiging bampira ang kaya niyang gawin maging ang pagmamahika. Ang sabi niya ay karaniwan na sa bampira ang ipanganak na mayn kapangyarihan, kaya masanay na daw ako at dahil may dumadaloy sa aking sumpa ng sinaunang sakit kaya hindi maari na kalaunan na matuklasan namin ang aking kapangyarihan.

Samantala ang nais niya na huwag akong patapakin sa syudaed nila ay dahil baka may mangyaring masama sa akin. Tanging ang lugar na lamng iyun daw ang naging kuta ni Xiron, at hindi namin alam na baka ang sumpa na inilagay niya sa akin ay may maging epekto sa oras na tumapak ako sa lupain na iyon.

Nabalik ako sa realidad ng sunod sunod na preno ang narinig. agad kong pinaandar ang kotse, hindi ko namalayan na naka-go na pala.

Ngayon ano ang dapat kong gawin? Dahil isa akong may dugong bampira kung masasabi, kaya ko nang mag-distinguish kung sino ang bampira sa hindi.

Naging malaking isang tulong ito para malamn kung sino ang mga taga black clan o hindi. Ang black clan o mas kilala ngayon na mga darkwayne ay mga tauhan ni Xiron na siyang nagbigay sa akin ng sumpa na kalaban naman nila Adellaide. Napakagulo ng mundo nila na hindi ko inaasahan na mapapasok ko, ganun pa man ay wala na akong magagawa kundi harapin ito.

Pinag iisipan ko ang dapat gawin, kung pupuntahan ko ba ang mga darkwayne sa kuta nila, o sila ang papalapitin ko sa akin. masyadong mahirap kung ako ang susugod sa kuta nila.

Pero tila talagang dinadala ako ng tadhana sa kapahamakan. Ang batang hinahanap ko ay biglang lumitaw sa tapat ng kotse ko, mabuti na lamang ay agad kong naipreno ang kotse.

Madali akong bumaba at hinarap ang bata, pasimple kong hinawakan ang kwintas na nasa bulsa ko .

"Naramdaman ko ang iyong pagtawag." aniya

Pagtawag?

"Ano? Anong pagtawag?" naguguluhan kong tanong

Hindi niya ako sinagot bagkus lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso."

"Esmero lahigehtru."






To be continued ...

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon