Chapter 11: Exchange
Mabilis akong nakarating sa headquarters. Wala akong pakielam kanina kung sobrang bilis ng patakbo ko. Sa tingin ko nga ay may humabol pa sa aking mga pulis pero mukhang hindi silang nagtagumpay na sundan ako. Well, wala namang plate number tong kotse ko.
"Oh. Anong nangyari?" tanong sa akin ni Damian na siyang bumungad sa akin pagkaakyat ko ng 4th floor. Andito pala silang lahat. Mukhang gumawa ng report
"Nalaman niyo na ba ang dahilan kung bakit sugatan ang babae kanina?"
"Walang saksi at walang CCTV sa lugar ng pinangyarihan kaya mukhang mahihirapan tayong malaman ang totoong nangyari." kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. They don't need to see another set of vampires
"Are we done here? Inaantok na ako." saad ni Saige na nakatungo lang at nakatingin sa lapag habang nakaupo sa isang swivel chair
"I think so? Ok you all may go." sagot ko at kinuha ang isang set ng folders na nakapatong sa isang lamesa. May nakaipit na note dito na 'cubicle 16'.
"Paisley." napalingon ako kay Damian ng tawagin niya si Saige sa pangalawang pangalan nito
"Paisley!" pag ulit pa niya habang ang tono ng pananalita niya ay parang nananakot.
"The heck Damian. I said don't ever call me by my second name."
"Paisley." di nakinig si Damian at inulit niya ito, sinabi niya ito sa mabilis na paraan biglang sumingit si Echo habang nakataas ang dalawang kamay
"Paisley! Di ba yun yung binibigay sa atin tuwing akinse at katapusan?" natahimik ang lahat ng nasa loob ng fourth floor at halos ang lahat ay nakatingin lamang sa tatlo
"Boom! Panot!" sigaw ni Damian sabay arte ng nag 'get get aww' ng sex bomb sabay nagtatatalon talon
Nag apir pa sila ni Echo sabay iniwan doon sa Saige na nakatayo at nanggigigil sa galit.
Napailing na lang ako sa dalawa. Tinalikuran ko na sila at nag umpisa ng lumakad palayo.
Mga walang magawa sa buhay.
Mabilis lamang ako nakarating sa morde at sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay agad na akong nahiga sa kama. Nararamdaman ko ang pagod pero hindi naman ako pwedeng matulog.
Tumayo ako at binuksan ang mini refrigerator ko na puno ng mga lalagyan na may mga dugo. Wala kang makikitang ibang lalagyan na pagkain ang laman. Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng dugo tapos ay mabilis kong isinara ang ref at naupo sa lapag.
Ano ang nangyayari?
Simula ng tanggapin ko ang tungkulin sa pagiging knight ay pakiramdam ko naging kumplikaso ang lahat. Noong panahong isa pa lamang akong pawn ay wala lang sa akin ang mga trabaho ko. Isa lang akong normal na agent na sumusunod sa mga paluntunin at utos ng nakakataas. Pero ngayong ako na ang nasa itaas ay pakiramdam ko parang nawala ng landas ang aking buhay.
Matapos kong ubusin ang isang basong dugo ay tumayo na ako. Masyadong mahaba ang gabi at kailangan kong libangin ang aking sarili.
Una kong ginawa ay nilabhan ang aking mga coat. Dahilan ko kung bakit ganito ang estilo ng aking mga damit ay dahil sa sinag ng araw. Ikakamatay ko kung ako ay magtatagal sa sinag ng araw.
Ayon sa nabasa kong isang libro patungkol sa mga bampira, ang tawag dito sumpa ng araw. Dati rati ang mga bampira ay naninirahan sa labas at naeenganyo ang sinag ng araw pero dahil sa isang bampirang nagngangalang Aquil ay nangarap na maging malakas at ninakaw ang kapangyarihan ng araw na pinaniniwalaan na source ng kapangyarihan ng lahat nang bagay ay sinumpa siya ng isang babaylan siya pati ng kanyang mga kalahi. Kaya sinula nun ay nanirahan na ang mga bampira nang nakakubli sa kadiliman.
KINABUKASAN. Maaga akong nagising kunyari katulad ng nakasanayan. Pero ang totoo ay inabala ko lamang ang sarili ko sa paghahanap ng sagot sa mga katanungan ko sa pagkatao ko na hindi naman masagot sagot.
Di pa man ako nakakalabas ng kwarto ko ay biglang umilaw ang alert system at umingay sa buong kwarto ko dahilan para mapatakbo agad ako papuntang taas. Sa daan ay halos wala akong makasalubong na mga agents na ipinagtaka ko.
"Anong meron?!" halos sabay namin na tanong ni Damian na halos sabay na dating lang din namin ng makaakyat kami sa pinakatuktok.
"We need agents." humarap sa amin si Queen Snow na hawak ang isang folder na kulay orange. "Kinakapos tayo ngayon ng Agents dahil sa dami ng mission na dumadating. Kaya sa tingin ko ay kailangan na natin baguhin ang sistema. Pero sa ngayon ay kailangan niyo munang gawin ang mission na yan." pagpapatuloy niya sabay hagis sa ibabaw nang long table ang folder at dumausdos ito papunta sa gawi namin dalawa ni Damian
"You can collaborate with that mission. You may go. I am counting on you guys." tumango ako at kinuha na ang folder at lumakad papunta sa cubicle namin
"Asan ang team mo?" tanong ko dito sa makulit na kasama ko
"Kasama ni Saige, hiniram. May mission sila sa Mindanao. May nakuha kasing info kagabi na may gagawing pagsugod ang MILF ngayong araw." sagot niya
"Sus. Kala ko naman madami na tayo. Sige ayos lang yan. Sasama ka ba?"
"Oo. Wala din naman ako kausap atleast dalawa na day off natin." napangiti ako sa sinabi niya
Pagkapasok ko ng cubicle 16 ay ayos na ang lahat. Binuklat ko ang folder at tumayo sa harapan at pinasadahan ito ng basa.
"We'll be staying in Lape resort for four days." pag uumpisa ko, "We need to protect the resort and the owner of it until we find security for them. A report was stated that this resort is having a trouble in finding security personnels dahil may nanghahara dito."
"Woah. Interesting. Kalaban?"
"Maybe yes. Maybe not." sagot ko kay Keith. Bumalik na ulit siya sa dati
"Itinayo ang resort na to 15 years ago. Ayon sa report second branch na to. Pero hindi nakalagay dito kung saan ang first branch. Well moving on, pack up now. Bring your things needed for four days and four nights. Because we'll going to know why the pools's water are made of blood." napangiti ako sa nasabi ko
Blood.
Nagsipagtayuan na sila at nagkanya kanya na ng alis.
This will be fun. For sure.
To be continued .....
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Misterio / SuspensoHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...