Volume One • Chapter 15: Attack

708 36 11
                                    

Chapter 15: Attack

Nakahilamos ako sa mukha ko at inis kong tinignan si Damian na nagkukulit na pumunta sa bahay ng mga Reynes at makita ang buong pamilya nito.

Kanina pa siya nagkukulit na pumunta pero di ko pinayagan dahil makakagulo lang siya doon. At isa pa nakiusap ang pamilya na bukas na pag usapan ang nangyari.

"Bakit ba gustong gusto mo pumunta dun? Naririndi na ako sayo ah!" pagsusungit sa kanya ni Echo.

Ayan patay ka sa kaibigan mo.

"Bes naman. May ibang bampira ang nandito sa isla na ito maliban kay Cyrill. Gusto ko malaman kung anong itsura nila. Kung katulad din ba nila si Cyrill." namimilog ang mga mata niya habang sinabi iyun

"Oo naman BES." sagot sa kanya ni Bella, emphasizing the bes. "Mukha silang tao tingin mo ba kay Cyrill di mukhang tao? Kaya pwede ba manahimik ka na! Kung hindi itatapon na kita sa ilog eh."

Lihim kaming nagsulyapan ng mga kasama ko at lihim na napatawa. Nagpout si Damian sa sinabi sa kanya ni bella sabay harap ni Echo pero tinapatan lang siya ng palad ni Echo kaya pagbagsak na lang siya naupo sa sofa.

Nandito kami ngayon sa visitors hall.

"Anong ng gagawin?"

"Ang boring naman ng mission na to."

"Oo nga lagi na lang boring napupunta satin ngayon." sagot ni Shirley sabay lupasay, "Tapos sa susunod na mission di kasama mga pawns. Napaka exciting pa naman nun."

Napa angat ako ng tingin sa sinabi niya.

"Anong meron?"

" May pupuntahan daw na auction ang Queens together with the knights. It's an illegal auction and I'm sure it will be a fun mission dahil siguradong puno to ng bakbakan." ani Sheila

"Nakakatakot kamo. Ayokong umuwi ng duguan tulad ni David noh." sagot ni Michelle sabay arte ng parang kinikilabutan

Natahimik kaming lahat pagkatapos nun.

"Excuse me?" napalingon kaming lahat ng may biglang magsalita

"Where's the concierge?" napatayo ako bigla ng makita ko kung sino magtanong, pero agad din ako napaupo ng hilain ako paupo ni Keith since siya ang katabi ko

"Ah. Eh. Doon po." sagot ni Kaye sabay turo sa tamang direksyon

"Ok thanks." sagot nito at umalis na

Isang ginang ang dumatin. Naka formal na suot. Naka pencil cut na itim. At blouse na green. Ang gupit niya ay parang pang lalaki at puno ng alahas ang buong katawan.

Ms. Nica Lapuz.

"Guys. Tama ba ang nakita ko?" nakatulala na sabi ni Damian

"Nakita mo din?" tanong ko

"Nakit ko din eh. Nakita niyo?" tanong naman ni Damian, sabay sabay kaming napatayo at nagsipaghugutan ng mga baril,

"Nakakaamoy ako ng baril." napalingon kaming lahat kay damian

At pag sinabi niya ang bagay na iyan. Ibig sabihin ay hindi namin baril. Katulad na sabi ko dati may taglay na kanya kanyang kakayahan ang mga tao sa organisasyon dahilan para maipasok sila dito.

At ang kay Damian ay ang kakayahan niyang umamoy at malamang kung may baril ba sa loob ng 10 km radius away sa mismong kinatatayuan niya.

So amazing right?

Pero tangin baril lang ang kaya niyang malaman.

"Maghiwa hiwalay na tayo." ani ko, "Team a sundan si Ms. Lapuz. Team b sa east wing kayo. Warned mr. Reynes and the other visitors. At Team C hanapin ang mga intruder." saad ko at lumakad na papunta sa concierge.

Dahan dahan at pulido ang mga galaw namin. Kasama ko si Keith at Bella. Kami ang Team A. Ang team b ay sina Damian, Michelle at Kaye. Team C sina Echo, Sheila, Ritchellyn at Shirley.

Pagdating namin sa direksyon kung saan ang concierge ay hindi muna kaminh tuluyan na lumiko. Pinakinggan ko ang kapaligiran pero napakatahimik.

Pasimple akong pumunta sa pader bago lumiko ng lounge at pasimpleng lumingon sa direksyon ng concierge. Pero ikinagulat ko ang nakita ko.

Nakahandusay ang katawan ni Ms. Lapuz. Duguan ang bandang ulo at wala ng buhay. Nilingon ko muna ang paligid at agad na pinuntahan ang bangkay.

Kinapa ko ang pulso niya pero wala ng pag asa dahil tahimik na ito. Kinapa ko ang tenga ko at napapalatak dahil wala akong suot na earpiece.

Tumingin ako sa kasamahan ko na nasa magkabilang gilid ko na nakataas ang mga baril at alerto na natingin sa paligid.

"Bella may suot kang earpice?"

"Yes."

"Contact the others. Tell them to stay alert. Something is wrong. Subject a is dead."

"Ano ng balak natin?" tanong ni Keith

Tumayo ako at lumakad papunta sa concierge. Nasan na ang bantay dito?

"We have to know kung ano ang talagang nangyari. Tumingin ako sa taas at ngumiti." sa CCTV room

Agad kaming tumakbong tatlo papunta sa control room na malapit lang din sa concierge. Bukas ang pintuan nito.

Pagkapasok namin ay gulo gulo na gamit ang bumungad sa amin.

"Mukhang mahirap to ah?" ani bella sabay upo sa swivel chair at kinalikot ang mga keys na nakaconnect sa screen na blangko ka at wala ng nakikita kahit ano.

"Mukhang may nagdisconnect sa mga CCTV."

"Pero hindi nila sinira?"

"Hindi." saglit siyang napatahimik at muling may pinindot, "Mukhang nilagyan nila ng Virus." dugtong niya

Virus? Pwede pala yun?

"Ano ang dapat gawin?"

"Si sir Echo lang po ang makakagawa nito."

Napakagat ako sa labi ko at inis na lumakad papunta sa pintuan at sinara ito. Sinigurado kong nakalock ito at hindi basta basta mabubuksan.

"Call for him. We're going to trade members."

Gulat akong nilingon ni Keith.

"Ipagpapalit mo ako?"

"anong tanong yan?" inis kong sabi ko sa kanya

"Hindi ipapalit mo ko kay Echo?"

"No." sagot ko sa kanya.

"Ako ang papalit."















To be continued ...

Vote. Comment. Share.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon