Volume One • Chapter 33: See

557 24 1
                                    

[a/n: sorry sa matagal na ud, nawala ang phone ko at nandun lahat ng drafts ko. Sobrang nablessed yung nakakuha nun, updated na updated sa TVC. Anyway enjoy!]



Chapter 33: See

Inis kong hinubad ang suot kong coat at padabog ito na tinapon sa kama.

Sukdulan ang galit ko ngayon. Nararamdaman ko pa din ang pag init ng aking mata na hudyat ay di pa rin ako nakakakalma.

Ayokong lumabas ng loob ng unit ko dahil baka may masaktan lamang ako na tao na madadaanan ko.

Nang tuliro at di ko na malaman ang gagawin ko ay napatingin ako sa ref ko hanggang sa namalayan ko na lang na bigla akong nawala sa pwesto ko at mabilis na napunta sa tapat ng ref.

Kumuha ako ng isang bag ng dugo at saka mabilis itong ininom na para bang hayok na hayok dito. Unti unti ako kumakalma habang nakakalahati ako ang supot. Nang maubos ko ito ay hihingal hingal kong tinapon amg basura kung saan at basta basta na lang na umupo sa lapag.

Ngayong kalmado na ako ano na ang aking gagawin? At paano ko nagawa ang ginawa ko kanina?

Hindi ko sinasadya ang pakikipag away kay Saige. Pero sa ginagawa niyang pakikipagsabayan ng init ng ulo ay hindi ko na ito nasabayan dahil patid na din ang aking pasensya.

Hinugot ko mula sa bulsa ko ang aking cellphone at tinignan kung meron nagtext. Nangunot ang noo ko ng makitang isang unknown number ang naka-appear sa screen.

Sender: 09123456789
Message: Meet me at Lape resort today. Miss you. -Sierra
Received 07:14 am

Napatingin agad ako sa orasan at napabuntong hininga ng makitang alas dyes na pala. Wala na akong inaksayang panahon at muling kinuha ang coat ko at lumabas ng unit.

Nakasalubong ko si Echo na taimtim akong tinignan habang naglalakad tumigil siya sa paglalakad ng magkatapat na kami.

"Saan ka pupunta?"

"None of your business." sagot ko at linampasan siya

"Say sorry to Saige!"

Napatigil ako sa paglalakad at dahan dahan na lumingon sa kanya.

"Never say sorry to your enemy." saglit akong nagulat sa sinabi ko dahil parang nangyari na ito noon pero hindi ko malaman kung kelan at saan. Inalis ko na lang to sa isip ko at dumiretso na ng lakad paalis.

SA DAAN kahit alisin ay hindi ko maalis ang nangyari kanina sa isipan ko. Hindi ko talaga maalala kung bakit wari'y isang déjà vu ang nangyari kanina.

Mabilis lang ako nakarating sa resprt na nabanggit ng kikitain ko. Katulad pa din ng huli kong punta dito ay napaka aliwalas pa din at napalarefreshing dito. Tamang tamang pumunta kung ikaw ay may mga problema.

May problema?

"Say say!" naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa lapag habang may dalawang mabibigat na nilalang ang nakadagan sa akin. Pinilit kong alisin ang dalawang kupal na ito sa ibabaw ko pero mali ang pagkakabagsak ko kaya wala akong magawa para maalis sila dahil na sarado ang posisyon ko para sa opensa.

"Cy! Namiss kita!" sigaw ni Sierra sa mukha ko dahilan para mapapikit ako at ilayo ang ulo ko kahit naman wala nang ilalayo pa ito

"Woi namiss din kita saysay!" napatingin naman ako sa likod ni Sierra na nakadagan din si Leighton at masayang nakadipa pa ang dalawang kamay na animo ay lilipad na nakadagan sa amin.

"Get off us!" maarteng sigaw ni Sierra sabay siko ng malakas sa pinsan

"Aray! Napakasadista mo talagang amazona ka!" hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapanuod sila, parang kumpleto ang buhay ko noong oras na iyun parang ito yung totoo kong tahanan at pamilya. Pero agad ding napawi ang ngiti ko ng marinig ang usapan nila.

naalala ko bigla si Damian. Nasaan na kaya yung lalaking yun.

"Leighton. Aalis ka jan o ihahagis kita sa dagat." isang ma-otoridad na boses ang nangibabaw bigla, mabilis kong naramdaman ang pag gaan ng dibdib ko dahil nawala ang mga nakapatong sa akin.

"Ayiieeee. Kuya Lohr, nagpapapogi points na naman." saad ni Leighton sabay beautiful eyes sa kapatid

Tinignan siya nang matalim ng kapatid tapos at inambaan ng susugurin. Mabilis naman na nagtakip ng mukha si Leighton na para bang bata.

"Stop calling me Lohr, Late."

"See may nickname ka na din sa akin kuya. Ayyiiieeee kaya mahal na mahal kita eh." aniya sabay lapait sa kuya niya at niyakap ang braso at inikuskos ang mukha sa balikat ng kakambal

The heck? So childish.

"Psh. Halika na Cyrill tumayo ka na nga jan." inalalayan ako ni Sierra tumayo, hindi ko namalayan na nakaupo pa rin pala ako sa lapag. Masyado ang na occupied ng dalawang damuho.

Pumasok na kaming apat sa resort. Sabi ni Sierra ay may panibago silang misson na binigay ng kanilang hari kaya sila bumalik dito. Hindi naman daw niya nakalimutan ang pangako niya at dala niya lahat ng kanyang libro para daw may alam na ako tungkol sa aming lahi.

Napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong isang lalaking nakaupo sa isang couch habang nagbabasa ng dyaryo.

Mabilis akong lumakad papunta sa gawi nito at hindi nga ako nagkamali.

"Damian."












to be continued .......

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon