Volume Two • Chapter 46: Hint

501 22 2
                                    

Dumiretso ako ng lakad sa headquarters. Di katulad ng ibang agent ay hindi sa unahang parte ng gusali ako nadaan. Isang kilometro ang layo mula sa HQ ay may isa akong sikretong daan papunta sa ilalim, sa dulo nito ay isang pinto kung saan diretso na sa underground level ng HQ kung nasaan ang opisina ko.

"Lord." lumapit sa akin si Anya sabay yukod tumango ako at dumiretso na siya ng tayo

Noong bago pa lamang ako sa posisyon ko ay naninibago ako sa pagbibigay pugay ng mga tao sa akin, pero kalaunan ay nasanay na din ako. Naging isang masarap na pakiramdam ang lahat habang tumatagal.

"May problema tayo."

"Maliban sa nasa Eripmav si Cyrill ay ano pa ang ibabalita mo?"

Nanlalaking mata siyang tumingin sa akin, mukhang di niya inaasahan na alam ko na ang ibabalita niya sa akin.

"Pasensya na mahal na hari."

"Quit it. Anyway kindly prepare my car." tinalikuran ko na si Anya at hinarap ang mga lalaking laging nakabuntot sa akin.

"But lord, kakadating mo lang."

"nakalimutan ko na may kailangan pala ako daanan. Di niyo na ako kailangan samahan, bantayan niyo ang HQ." hinagis sa akin ng isang bodyguard ang susi ng sasakyan

Wala na akong inaksayang oras at agad na akong sumakay sa kotse at inidrive ito.

Dumiretso ako sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. Katulad ng dati ay amoy na amoy ko ang napakabangong amoy ng dugo ng mga tao. Hindi ako purong bampira, hindi rin ako matatawag na isang bampira. Isa akong unknown na nilalang na nabubuhay sa mundo ng tao.

Isa akong tao na may kakayahan ng isang bampira, pero hindi ako nagcre-crave sa dugo. Kumakain ako ng normal tulad ng isang tao at hindi ako nasusunog sa ilalim ng araw.

"Magandang uamaga Doctor Arlo." bati sa akin ng isang nurse

diresto lamang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa ikatlong palapag ng gusali, sa pinakadulong kwarto, pinasok ko ito dahil nandito ang pakay ko.

"Magandang umaga!" bati sa akin ng isang ginang

"Magandang umaga!" bati sa akin ng isang ginang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatalikod siya sa akin. Bagamat pinipilit niyang maging masigla ang tunog ay hindi niya ito magawa. Umikot ako sa kanyang kama at pumunta sa kanyang harapan.

"kamusta ka na?" tanong ko sa kanya

"Ayos lang, malapit nang umayos ang kalagayan ko."

"Hindi ka ba naliliyo sa amoy dito?"

"Hindi napakabango nga dito."

"Sana ay huwag mong abusuhin ang pagkakataon, hindi mo naman siguro gugustuhin mamatay dahil sa sarili mong kalokohan."

"Syempre hindi naman, kaya kong magtimpi. At gusto ko nga pala magpasalamat." hinawi ko ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha

"Wala iyun."

"Nararamdman ko."

"Ano iyun?"

"Malapit na magkagulo ang lahat." nangunot ang noo ko sa tinuran niya

"Paano mo nasabi?"

"kaya kailangan na natin siyang mahanap." aniya, hindi niya sinagot ang aking tanong.

Dahan dahan siyang naupo sa kanyang kama at binuksan ang drawer na nasa tabi niya.

"Anong binabalak mo." tanong ko, "Saan mo hahanapin ang asawa mo?"

"Nakita ko na siya." nakangiti niyang sabi, "pero di ko alam kung saan siya hahanapin."

"Bakit di mo sinabi sa akin?" naiinis na tanong ko

"Aksidente ang lahat."

"Yan din ang sinabi mo sa akin nung nakita kitang hinang hina sa tapat ng bahay ko." sagot ko at humalukipkip, minsan nakakainis ang babaeng ito

Alam kong may asawa siya. Pero ramdam na ramdam ko ang pagdistansya niya sa akin.

Para naman may interes akong pumatol sa babaeng mas matanda sa akin.

"Nasa katawan siya ng isang bata."

"Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng iyong sasabihin, di mo na kailangan ituloy alam ko na kung saan siya hahanapin."

"Mukhang di ako nagkamali sa paglapit sa iyo."

"Oo, pero ako ang nagkamali sa paglapit sa iyo."

"Nagkamali? Sa tingin ko hindi." isang ngiti ang sumilay sa labi niya, "Talagang pinagtagpo tayo ng tadhana."

"Yuck." nakadila kong sabi, "Kung di ka bampira at isa kang tao na nasa itsura mo kung ano na ang edad mo nakakdiri talaga."

"Kaya nga sabi ko ituring mo akong nanay mo. hays! namiss ko bigla mga anak ko!" sigaw niya sabay inat

"Sige aalis na ako."

"Saan ka pupunta iiwan mo na naman nanay mo? Basta tandaan mo ang sinabi ko, huwag na huwag ka muna aapak ng Eripmav City habang di mo nakikita ang asawa ko kung ayaw mong may masamang mangyari sa iyo. "

"aba!" di ko makapaniwalang saad, "Kina-reer mo na pagiging nanay ko? Pero oo, alam ko ang ikinikilos ko."

"Oo naman. Pero sa oras na nahanap mo na ang asawa ko, ituturing na kitang kaaway." sabi niya habang naka smirk

"Whatever maliit na matandang babae. Aalis na ako." paalam ko at lumabas na ng kwarto niya, narinig ko pa ang angal niya tungkol sa tawag ko sa kanya pero di ko na ito pinansin.

Adellaide huh?






To be continued .....

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon