"Damian!" sigaw ko at inalog siya para magkamalay siya pero walang epekto.
pinunit ko ang damit niya sa bandang tiyan, bumungad sa akin ang isang saksak at tama ng baril. Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at nilapat sa isang sugat.
"Eto ilagay mo din. Tanggalin mo muna yung bala before putting pressure." ani Creed sabay abot ng isa pang panyo sa akin.
Umupo siya sa harap ko at tumulong, hinawakan niya ang isang panyo na nasa saksak habang inaalis ko ang balang tumama sa kanya.
Mabuti na lamang at makapal ang muscle and tissues niya sa kanyang abdominal kaya hindi masyadong bumaon ang bala. Pero madami ng dugo ang nawala sa kanya.
"Dalhin natin siya sa infirmary." ani Creed at binuhat si Damian
"Infirmary? Wala akong nakitang clinic dito sa eripmav!" mainit na ulo na sabi ko sa kanya
"Sa lumang bahay namin. Pwede ba? Sumunod ka na lang. Mas madami akong alam sayo kaya manahimik ka na lang kung gusto mong mabuhay tong kaibigan mo."
Natahimik ako sa kanyang sinabi. Umirap ako bago humawak sa kanyang balikat. Katulad ng ginawa namin kanina pagpunta dito ay gumamit ulit kami ng teleportation.
Dinala niya kami sa isang lumang bahay. Hindi naman kalumaan pero kumpara sa modelo ng mga bahay na uso ngayon ay mas mababa ang uri nito.
Dumiretso kami sa isang kwarto kung saan may mga walls na salamin. Madami ding kagamitang pangmedisina.
"Kailangan niya ng dugo. Unfortunately bawal lumabas ang sino man sa syudad." sabi niya, nakagat ko ang hinlalaki ko sa pag iisip
"May mga tanim akong talbos sa bakuran, gusto kong kumuha ka nito ngayon din."
"Hindi ba siya mamamatay?" tanong ko
"Hindi kung kukuha ka na ng pinapakuha ko." inismiran ko siya bago tumakbo palabas ng bahay para kumuha ng talbos ng kamote tulad ng sabi niya, mainam ito para sa dugo
Napakasungit talaga ng lalaking iyun sa akin. Malapit ko na siyang patulan talaga, kung hindi ko lang kailangan ng tulong niya.
Kumuha ako ng madami nito tsaka bumalik sa taas.
Pag akyat ko ay tahimik siyang naghahanda ng mga kagamitan. Namangha ako sa mga kagamitan na hinanda niya dahil hindi mo aakalain na marunong siyang gumamit nito.
Kung sabagay, pulis siya kaya may alam siya sa mga first aid kit.
Itinaas niya ang manggas ng kanyang long sleeve tapos ay kumuha ng injection at tinanggal ang takip nito gamit ang kanyang bibig.
Okay? Pasikat.
Hinugasan niya muna ang kinuha kong gulay sa bowl na puno ng tubig na nasa tabi niya tapos ay tinanggal ang mga dahon nito tapos ay nilagay sa kaserola ang mga ito.
Papakuluan niya ang mga ito. Tahimik lamang akong nanunuod sa kanya.
Nabaling ang tingin ko kay Damian. Malinis na ang sugat niya at may benda na ito. Ganun ba siya kabilis kumilos at nagawa niya agad ang bagay na ito.
Kinuha ni Creed ang kaliwang kamay ni Damian tsala ito tinusukan ng karayom.
"Teka. Yan ang dextrose mo?" gulat kong tanong
"Oo bakit?" nakataas na kilay na aniya
"Pwede ba yan?"
"Mas mainam na gamot iyan kesa linisin lamang ang kanyang sugat."
"Ah ganun pala yun." mangha kong sabi habang tatango tango. nilapitan ko si Damian at kumuha ng pamunas tsaka pinunasan ang pawis sa noo niya
Napatingin kaming dalawa sa kanyang bulsa ng magring ang phone niya.
"Hello?" aniya
Di ko na lamang ito pinansin at kinapkapan si Damian. Wala akong nakuha na ano mang gamit sa kanya maliban sa isang hidden camera na nasa bulsa niya.
Kumunot ang noo ko. Isa ba itong patibong?
Agad kong kinuha ang phone ko at iniconnect ito.
Nagulat ako sa bumungad sa aking video. Hindi ko kita kung anong itsura ni Damian pero kitang kita ko ang gumawa sa kanya nito.
Si Elmer. Elmer Darkwayne.
Sinutok niya si Damian habang nakangisi. Ilang beses na ulit iyun hanggang sa isang braso ang pumulupot sa kanyang braso. Nung una ay di ko mawari kung sino ito hanggang sa mapunta sa anggulo ang camera dahilan para makita ko kung sino ito.
Its Saige. Clinging her arms into Elmer's arms while wearing a smirk on his lips.
to be continued ...
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mystery / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...