Chapter 3: New
"Knight of one, pinapatawag ka." napatigil ako sa paghe-headbang ng biglang may magsalita sa tabi ko. Dahan dahan kong tinanggal ang headset ko. At dahan dahan din nilingon ang nangalabit sa akin at saka ito tinitigan ng masama.
"Ah. Eh. Miss. Trudeau." putol putol na sabi niya na kinakabahan, napakamot pa siya sa ulo niya habang nakatingin sa ibang direksyon.
Napabuntong hininga na lang ako at nilayasan siya doon.
Ang ganda ganda ng pinapakinggan ko at favorite band ko pa tapos guguluhin lang nila ako?!
Padabog akong naglakad hanggang sa makarating ako sa tarne. Sa gitnang bahagi ng palapag may isang malaki, mahaba at paikot na lamesa kung saan idinadaos ang mga pagpupulong.
Agad akong umupo sa dapat kong pwesto at nakasimangot na sinalubong ang nga tingin na binibigay ng ibang mga knights sa akin.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Saige, may mga dugo pa ang damit niya marahil ay kakatapos lang niya sa operasyon kay David at napasugod agad dito.
"Basta." inis na sagot ko at humalukipkip. Alam kong masyadong childish pero naiinis talaga ako pag nagagambala ako sa pagsa-soundtrip ko.
"Mukhang alam ko na kung bakit?"
"Tigilan mo ako Damian. Namumuro ka na ah?"
"Meron ka ba?" tanong naman ni Farrah
Lalong sumama ang mukha ko at nagdilim ang aura ko.
"Wag niyo na akong lalong badtrip-in." malamig kong sabi at malamig din na tinitigan ang bawat isa sa kanila.
"Siya siya. Tama na yan. Basta sama ka sa Friday bar? Balita ko nandun ang Runaway Lullaby." parang biglang may nag ting sa isip ko at nawala ang pagkabadtrip ko
"Talaga? Kelan? Saan?" masayang sabi ko at feeling ko pa ay nagti-twinkle ang mga mata ko
Sabay sabay nagbuntong hininga ang mga kasamahan ko at iiling iling na nag iwas ng tingin
"Sabi ko na eh. Kuwawang Hector." bakit naman kuwawa si Hector?
"Oo nga. Di na sila nasanay." saad naman ni Heinrich sabay palatak
Nagtataka ko silang tinignan pero agad ko din muling binaling ang atensyon kay Damian"Kelan?" medyo pasigaw kong tanong
"Sa friday nga di ba? Since day off tayo ng saturday bar tayo ng Friday night. May gig sila dun."
"Omygashhhhhh!" masayang sigaw ko, napangiti naman ang knight sa akin
Makikita ko na si Cyprus. Tsaka si Cyrus. Tapos si Veza, Seven at Vladelias!!
"Sama ako. Papautograph ako kay Cyrus. Ang cute niya!" pabebe na sabi ni Farrah
Napapout ulit ako ako pero agad din akong napangiti. Ok lang! Basta akin si Cyprus at Seven!
"Basta akin si Cyprus at Seven ah?"
"Sayong sayo na."
"Well, then it is settled. Friday night. 8 pm."
"Goodmorning knights." agad napalitan ang masayang atmosphere ng pagkaseryoso ng isa isang pumasok ang nga Queen. Katulad ng bilang namin siyam lang din sila.
"Since malubha ang kalagayan ng Knight of ten at sugatan ang queen of heart na si Dale hindi na namin sila ini required na pumunta sa meeting." sabi ni Queen Ambrynn
"Don't worry this meeting is not that important." si Queen Snow, "We just want to introduce someone." pagpapatuloy niya
Para lang di kayo malito sa mga queen at knights. Ipapaliwanag ko kung sino ang mga magkakapareha.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mistério / SuspenseHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...