Volume One • Chapter 22: Mission 4.0

605 34 6
                                    

Chapter 22: Mission

Bigla niya akong sinuntok sa kaliwa na hindi ko kaagad naiwasan kaya nadaplisan ako ng suntok niya.

Ang lakas niya.

"Cyrill!" narinig kong sigaw ni Damian pero di ko siya pinansin, pinanlisikan ko ng tingin ang kaharap ko at sinugod siya.

Una kong pinuntirya ang mukha niya na katulad ng inaasahan ko ay napredict niya ang pagsugod na iyun pero habang nasa ere pa ang isa kong kamay ay mabilis ko itong binawi at ang isa kong kamay ang ipinangsuntok ko na hindi niya inaasahan. Natamaan siya sa kaliwa niyang pisngi na sinamantala ko.

Pina-slide ko ang kanang paa ko sa paa niya dahilan para matumba siya pero mabilis niya itong naagapan at bago pa man bumagsak ay nag ipon na siya ng lakas mula sa likod niya at hindi ito lumapat sa lapag bagkus ay binuhat niya ang sarili niya at mabilis na umayos ng tayo sa paharap na paraan.

Napapalatak ako sa isip ko.

"Not bad Miss Cyrill." napatigil ako ng maalala ang sinabi niya kanina

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ng masama

"Ano ang ibig kong sabihin?" nakangiting ulit niya ng tanong

"Huwag na tayong maglokohan dito!" sigaw ko sa kanya

"Ganito na lang. Pag isipan mong mabuti ang lahat." sagot niya unti unti siyang lumakad papalapit sa akin, huminto siya ng isang dangkal na lang ang layo niya

"Sasabihin ko sayo lahat lahat ng tungkol sa pagkatao mo kapalit ay sasanib ka sa akin organisasyon."

Organisasyon?!

"Aasahan kong pupunta ka sa bahay ko makalipas ng isang linggo. I'm giving clues so don't waste time Ms. Trudeau." matapos niyang sabihin iyun ay bigla siyang naglaho na parang usok.

Isang bampira?!

Isang papel ang naiwan mula sa kinatatayuan niya. Pinulot ko ito at binasa.

ELMER DARKWAYNE.

Nakasulat ito sa dugo dahilan para agad akong mapalingon sa likod ko at hinanap si Damian.

Nakaupo ito sa lapag habang hawak hawak ang tiyan niyang may tama kaya agad akong napatakbo sa direksyon niya.

"The heck?! What happened?!" sigaw ko pero nginitian niya lang ako

"Ano ba Damian?! Umayos ka!" sigaw ko, napatingin ako sa paligid ng biglang umilaw, mabilis akong tumayo at kinuha ang mga baril at sinakbit ito sa gun strap na nasa hita ko

"Ugh." ungol niya tapos ay umuno siya, hinintay kong may lumabas na dugo mula sa bibig niya mabuti na lamang ay wala

Muli kong hinugot ang baril at itinutok sa isang direksyon dahil dalawang presensya ang naramdaman kong papalapit pero agad ko itong binaba ng makitang si Wendell at Saige ang paparating.

"Damian?!" sigaw ni Saige at agad na nilapitan ang lalaki, hinawakan niya ang tiyan nito at pinunit ang damit na suot suot ng binata.

"The lymphoid tissues are destroyed." sabi niya matapos mahawakan ang tama ni Damian, may kinuha siya sa dibdib niya. Isang panyo tapos ay ipinasok ito sa bibig ni Damian

"Wag mong sabihin--." di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay ginawa na niya ang nasa isip ko

"Ahhhh!" sigaw ni Damian bagamat may salpak na ang bibig niya ay di niya magawang sumigaw ng ganun kalakas. Idiniin ni Saige ang dalawang daliri niya sa kaliwa para bumuka ang bibig ng sugat tapos gamit ang isang kamay ay dinukot niya ang bala.

Napatingin ako sa ibang direksyon dahil sa ginagawa niya. Di ko alam ang mararamdaman ko kung tao ako at ang doktor ay kasing sadista nitong babaeng ito.

"Pengeng panyo." nag abot ng panyo si Wendell, ginamit niya ito pang tapal sa sugat tapos ay isinara niya muna ang sugat at saka idinian

Tinanggal ko ang panyo sa bibig ni Damian. Namumutla na siya at hihingal hingal na tumingin sa akin.

"Ugh. Patay ka sa akin pag nakatayo ako." bulong niya, napangiti naman ako sa sinabi niya. Ayos lang siya.

"All units go back now to transportation vehicle." muli isang boses ang nagsalita sa earpiece

Binuhat na ni Wendell si Damian at tahimik kaming umakyat ng front deck at saka dito dumaan.

"July please go to west wing." napatigil ako sa pagtakbo ng biglang magsalita si Arlo sa kabilang linya

"Bakit?" tanong ko

"Sa akin ka sumabay." pagpapatuloy niya

"For what?" medyo naiinis kong saad, sinenyasan ko ang mga kasamahan ko na hihiwalay ako at pumayag naman sila

Sa gilid ako ng bapor dumaan. Wala kang taong makikita at sigurado akong nasa loob ang lahat.

"May problema ba?" nakarinig ako ng pagtipa sa kabilang linya

"Merong isang item na hindi nakuha sila Anya." sagot niya sa akin, "ngayon ko lang nalaman ng pumasok ako sa kwarto ni Lenard at kinalikot ang laptop niya."

"Nasaan na si Mr. Duran ngayon?"

"He is protected by Darkwayne Organization. At hindi ko sila madetect kung nasaang parte sila ng barko."

"Ano ang hindi nakuha ni Queen Anya?" medyo nahihiya kong tanong, saglit ako tumigil sa pagtakbo. Nagtago ako sa isang pader at sumilip.

"The black elixir. It is a fluid drug where once a person drink it she/he can control by someone using an device. A tablet like device."

Napatigil ako sa pagsilip ng isang grupo ng lalaking nakaitim ang biglang lumabas galing ng fire exit. Mula sa grupo nito nakita ko si Elmer, saglit siyang tumingin sa akin at nginitian ako.

"Arlo." nauutal kong sabi, hindi ko inalis ang tingin ko sa mga grupo ng lalaki. Nagbaba ang isa ng lubid pababa ng barko. Sa baba may nag aantay na maliit na yate

"Anong problema?!" hindi agad ako nakasagot sa tanong ni King Arlo

"Papunta na ako jan. Wag kang aalis." biglang bumagal ang paligid ko. Tumigil sa paggalaw ang mga lalaki at ang natira na lamang na nagalaw ay ako at si Elmer.

Mabilis akong lumingon sa paligid at hinanap si Echo pero hindi siya ang nakita ko.

Ang lalaking nakabanggaan ko sa mall na nag iiwan ng mga note.

"Binantaan na kita. Pero hinawakan mo pa din siya." malamig na saad ng lalaki

Nasa taas siya ng bubong ng ibabaw ng deck.

"Sinabi ko sayong hindi ko maipapangako dahil kasama iyun sa akin trabaho."

"Ganun pa man ay di mo pa rin ginawa ang aking hinihiling."

"Hindi ko siya sinugatan." sagot ni Elmer sa lalaki sabay tingin sa akin, "I don't any reckless thing to hurt her."

Sabay sabay kaming napalingon ng biglang bumukas ang pintuan ng fire exit. Mula dito ay lumabas si Arlo.

Nakakagalaw siya? Ano ang ibig sabihin nun? Pero hindi siya bampira.

"What are you doing here James?" gulat na tanong ni Arlo habang nakatingin sa taas

Nginitian siya ng lalaking tinawag niya ng James bago tumalon upang bumaba sa kung saan kami lahat nakaapak.

He looks familiar.

Saglit na sumakit ang ulo at napapikit ng parang may biglang nagflash sa isip ko.













To be continuued ........

Vote. Comment. Share.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon