Volume One • Chapter 20: Mission 2.0

605 34 1
                                    

Chapter 20: Mission

Napakuha agad ako ng isang cup ng wine ng may isang butler ang dumaan.

Mabilis kong ininom ito kahit na walang lasa ito sa lalamunan at dila ko.

"Excuse me." paghingi ko ng pahintulot

"Where you going?"

"Restroom. Mabilis lang to." tumango siya at muling bumaling ng tingin sa stage

"Be back with in three minutes." yun lang ang sinabi niya at hindi na niya ako ulit nilingon

Tumakbo ako papunta sa pinakamalapit na restroom. Pumasok ako sa loob ng isang cubicle at agad na sinuka ang wine na ininom ko.

Ugh. It sucks.

"Ang gwapo niya noh?"

Bubuksan ko na dapat ang pintuan ng cubicle ng mapahinto ako dahil sa isang usapan.

"Oo nga. Sino kaya yung kasama niya. Di maganda ah. Mukha slut." maarte na sagot ng isang babae, pasimple kong sinara ang takip ng inidoro at saka tumayo dito tapos ay sumilip ako upang makita kung sino ang nag uusap

"Taymor will be mine." sabi nung isang babae na kulay pula ang buhok

"Oh come on. We'll see about it." natatawang sagot sa kanya nung babaeng asul naman ang kulay ng buhok.

Saglit na napadako ang tingin ko sa orasan na nakakabit sa taas ng salamin ng cr at nanlaki ang tenga ng makitang lagpas three minutes na ako sa loob.

Madali akong bumaba at lumabas ng cubicle pero agad akong napahinto ng dalawang pares ng baril ang bumalandra sa akin pagbukas ko ng pintuan.

"Well, speaking of the devil." sabi nung asul ang kulay ng buhok

Matalim ko silang tinignan bago humakbang patalikod ng isang beses upang pasimpleng kapain ang baril na nasa hita ko.

Tsk. To risky.

"What? Natatakot ka?" nakasmirk na tanong ni Red girl

Nagsmirk ako. Mabilis akong humakbang patalikod at agad na sinara ang pintuan ng cubicle sabay hugot ng isang baril sa hita ko na humiga sa lapag.

Inilusot ko ang ibabang parte ko sa kabilang cubicle at unit unting lumusot dito hanggang sa tuluyan kong mailipat ang katawan ko.

Patuloy lang silang nagpapaputok. Umayos ako ng tayo at ikinasa ang baril.

Let's start.

Nakarinig ako ng malakas na kalabog. Sumilip ako sa pintuan, sinipa ni Red hair girl ang pintuan dahilan para masira ito.

Not bad. Malakas siya.

"Wal--" sisigaw dapat siya ng bigla akong lumabas, pinaputukan ko siya. Tinamaan siya sa buto sa balikat niya dahilan para sandali niya itong damdamin na sinamantala ko.

Mabilis kong hinugot ang payneta sa buhok ko. Kinapa ko ang malambot na buton dito at pinindot. Biglang may lumabas na sampung ngipin na may patalim na agad kong hinagis sa gawi ni blue hair girl.

"Ack!" isang malademonyong ngiti ang sumilay sa labi ko ng matamaan siya sa lalamunan. Hawak hawak ang sariling leeg na para bang sinasakal ay pilit niyang tinatanggal ang patalim sa leeg ngunit nagkamali siya sa kanyang ginawa.

Dahil ang patalim na iyun, habang ginagalaw mo ay nahaba ang patalim at kumakalat ang layo ng bawat isang patalim.

"What the!" sigaw ni red hair girl habang hawak hawak ang isang balikat. Gamit ng natitira niyang isang kamay at naglabas siya ng isang kutsilyo at saka sinugod ako.

Pagbibigyan kita. Hindi naman ako ganun kahirap kausap.

Una niyang inasinta ang mukha ko na mabilis kong nailagan. Umikot ako papunta sa likod niya. Nililis ang gown na suot ko at binalik dito ang baril at kinuha ang isang punyal.

"Di kita mapapatawad!" sigaw niya at muli akong sinugod na siyang sinalubong ko

Gamit ng isa kong kamay na walang hawak ay ipinanghara ko ito sa palad niya upang hindi niya ako matamaan ng kanyang patalim. Nginitian ko siya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Any last wish?" tanong ko sa kanya

Oh. How I love this kind of mission.

"Cyrill." sasaksakin ko ma din dapat siya ng isang boses ang nakapagpatigil sa akin,

Lumingon ako sa pintuan at nabitawan ko ang hawak kong punyal ng makita si Arlo na malamig na nakatingin sa akin. Isang malamig at nagbabantang tingin sa akin.

"Ugh." napaungol ako sa inis ng bigla akong sipain sa tyan ng kalaban ko dahilan para mapaatras ako

"Hahahaha. King Arlo, king Arlo. I never thought I will see you this near." nahihibang na saad niya

"Yeah. And i don't fucking care. I'm giving you a minute to leave the hell out of here."

"Why would I. We are raise to fight not to run." nangingiting sagot ni Red hair girl, naguguluhan ko silang tinignan

"Yes. And we are raise to solve and to kill." isang ballpen ang nilabas ni Arlo mula sa bulsa niya. Nagulat ako ng bigla niya itong hinagis sa babae at nung tumapat ito sa puso ng babae ay otomatiko itong lumutang sa ere. Unti unti itong gumalaw hanggang ang parte kung nasaan ang pasulat nito ay umayon ng direksyon papunta sa puso niya at mabilis na lumipad at tumusok sa dibdib ng babae.

Akala ko ay ganun na lang kasimple iyun. Pero nagulat ako ng bigla may apat na metal ang lumabas sa katawan nito na para bang pang claw hanggang sa bumagsak ang walang malay na katawan nito.

"Ligpitin mo na yan at lumabas. Now!" utos niya tapos ay lumapit sa katawan ni red hair girl. May pinindot siya sa ballpen at automatikong nawala ang parang pang claw na nakabaon sa katawan nito.

Nagkalat ang dugo at laman sa sahig. Para akong nasa ulap sa nakikita ko.

"Kumalma ka." napalingon ako kay Arlo ng bigla siya tumayo sa harapan ko at nilapat ang kamay sa pisngi ko

"Halika na." bigla niya akong hinila, pero bago yum ay may kinuha siyang sign board sa ilalim ng lababo at hinila na ako palabas. Nilock niya ang pintuan at kinabit ang sign board.

Out of order.

Habang naglalakad pabalik sa function hall ay chinecheck niya ang katawan ko. Tapos ay bigla siyang umiling at inis na tumingin sa paligid.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong

"Sinira mo ang plano."

"Plano? Alin dun?" naguguluhan ko pa ding tanong, tumigil siya sa paglalakad dahilan para mapatigil ako. Nilingon ko anh paligid. Nasa gitna kami ng nagsasayawan.

"Eto." aniya.

Isang salita lang nun pero halos patayin na ako nun sa kilig. Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa balikat niya samantala ang mga kamay naman ay niya sa bewang.

Tahimik lamang kaming nagsayaw sa gitna ng may marealize ako.

"Akala ko mag uumpisa na ang auction?" naguguluhan na tanong ko

"Something happened." he answered wearing a smirk

"We'll proceed to plan B." nagulat ako ng bigla siyang magsalita

Napansin ko simula kanina ay parati na lang akong nagugulat.

Bigla niya akong inikot, isang bisig ang pumulupot sa bewang ko pero hindi pabango ni Arlo ang naamoy ko.

"Be careful." bulong niya bago kami tuluyan maghiwalay.















To be continued .....

Vote. Comment. Share.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon