Unti unti kong inimulat ang aking mata. Sumalubong sa akin ang maliwanag na sinag ng araw. Isang di pamilyar na kwarto ang kinalalagyan ko ngayon.
Napalingon ako sa gawi ng pintuan nang isang bulto ang aking naaninag.
"Gising ka na." mahinang ani niya
Agad akong napabangon kahit na hinang hina ako.
"Ama." nauutal kong sabi at saka yumukod
"Di ko inaasahan." yumuko siya matapos ay hinawi ang kanyang mahabang buhok, "Sa dinami dami ng pwedeng mag alay ng dugo sa akin ay ikaw pa."
"Pasensya na ama. Hindi ko sinasadyang pakielaman ang gamit mo." nakayuko ko pa ding saad
"Ganun pa man ay mas maganda na iyun, kesa sa iba pang baka di ko makasundo ang maging alipin ko. Kesa sa iba ay bakit hindi na lang ang sarili kong ANAK di ba?"
Pinagdiinan niya ang salitang anak. Napapikit ako at pilit na iniwaksi ang iba't ibang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Takot dahil sa maari niyang gawin ulit. Inis dahil naduduwag ako sa inaasal ko. Tuwa dahil nakita ko ulit siya at galit dahil sa ginawa niya.
"Bumaba ka na. Kakain na." mabilis siyang naglaho katulad nang nakasanayan
Siya ang ama ko. Guillermo Dough. Isang sinaunang bampira. Ako ang kanyang pinakaunang anak sa kanyang pinakaunang asawa na tao. Masyado siyang malapit sa tao kahit di niya halata.
Pilit niyang pinapauntindi at pinapakita sa lahat na galit siya sa tao pero kabaliktaran iyun ng kanyang nasa puso.
Bumaba na ako katulad ng kanyang utos. Nandito kami ngayon sa dati naming bahay.
Nakaupo na siya sa dati niyang kinauupuan. Tahimik akong naupo sa kanyang tabi.
Muling bumalik sa akin ang mapapait na ala-ala na iyun. Ang mga ala-ala na bumihag sa akin na kinalimutan ko na pero muling nagbabalik.
Napatingin ako sa kanya. Tahimik siyang umiinom sa kanyang paboritong kapa. Napapikit ako sa mga naiisip ko.
Ako ang kanyang unang anak. Bunga ng kanyang unang relasyon isang daang taon na ang nakakalipas. Maayos ang lahat noon. Isa akong damphyr, kalahating tao at kalahating bampira. Kailangan ko ng dugo, pero kailangan ko din ng pagkain.
Masaya kaming pamilya nun, ako, si ama at si ina.
Pero nagkagulo ang lahat ng isang sinaunang bampira din ang nagkagusto sa aking ina. Laging wala noon ang aking ama dahil parte siya ng konseho. Ang laging nasa bahay ay si ginoong Sima na matalik na kaibigan noon ng aking ama.
Nagkaroon ng relasyon ang dalawa na kinalaunan na nalaman ng aking ama. Nagalit siya ng sobra. Nagbitiw siya sa pwesto at napatay ang aking ina. Palibhasa isa lamang tao ay walang kalaban laban sa kanya. At ako na kanyang anak ay binawian niya ng kanyang dugo.
Ang dugong bampira na galing sa kanya.
Nawala man ang dugo niya na bampira sa akin hindi nawala ang pagiging imortal ko.
Ganun pa man ang aking katawan ay parang tao pa din. Nagkakasakit ako. Nawala din ang paglalaway ko sa dugo.
"Bakit?"
"Wala ama." ani ko sabay subo
"Hindi ko alam kung naglalaro ba talaga ang pagkakataon. Pinaliliit masyado ang mundo natin. Sino ang nagpakawala sa akin?"
"Hindi ko siya kilala ama."
"Magsabi ka ng totoo. Nararamdaman kong di ka nagsasabi ng totoo."
"Isang hari ama."
"Si Bryant!" galit niya sigaw tapos ay bigla niyang hinagis ang kanyang basong iniinuman
"Ang lakas na loob niyang ilabas ako sa dimensyon na iyun matapos niya ako ikulong." dugtong pa niya
Napayuko ako at napayukom ng palad.
Hindi. Wag ka masyadong mag isip Arlo.
Masaya akong nakita ko muli ang aking ama. Pero hindi ako masaya dahil alam kong may binabalak siya.
Cyrill's POV
Napabalikwas ako ng bangon. Isang di pamilyar na lugar ang aking pinagkakahimlayan. Maliit na kwarto pero maaliwalas na kapaligiran ang bumungad sa akin.
"Gising ka na pala." isang binata ang biglang lumitaw
Teka parang nakita ko na siya.
"Anak." dugtong pa niya, biglang nanigas ang aking katawan sa kanyang sinambit
"Anak? Anong ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ko
"Ako ito. Ang ama mo." paliwanag niya, dahan dahan siyang lumapit sa akin. Mabilis akong kumilos, mabilis kong iginala ang aking mata at humanap ng sandata
Kinuha ko ang lamp shade at inihagis iyun sa kanyang gawi dahilan para mapatigil siya sa paglapit.
"Petroneyno agusios." aniya at nagliwanag ang kanyang palad na nakatapat sa akin
"Ano yan?" takot kong tanong
"Ama?"
To be continued ....
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Mystery / ThrillerHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...