Volume One • Chapter 6: First Case (Solving the case)

802 36 3
                                    

Chapter 6: First Case

Nandito kaming lahat ngayon sa baba at nakikiramdam sa nangyari. Maski ang mga kateam ko na wala dito ay wala ibang nakitang kakaiba sa labas at walang napansin na kakaiba o mali. Nagulat na lang din sila ng biglang sumara ang bintana sa kwarto ng dalaga at iyun na nga ang nangyari.

Iyak ng iyak ang dalaga. Namumula pa din ang leeg nito at may sugat na din na ginagamot ngayon ni Keith.

Ayaw gumana ng isip ko dahil masyado itong napupuno ng dahilan na paranormal activity ito. Pero hindi ako dapat maniwala dito. There's no such thing like ghosts.

"Aakyat lang ako." bigla kong nasabi

"S-saan ka pupunta?" tanong nung katulong

"Kailangan kong alamin ang daan at kung ano ang meron sa butas sa kisame ng kwarto ni Agape."

"Seryoso ka January? Ang creepy!" rinig kong sabi ni Shirley sa kabilang linya

"Sige. Mag iingat ka." pagbabanta sa akin Mr. Birkins, tinanguan ko siya at lumakad na paakyat.

Pag akyat ko ay dumaan muna ako sa mga kwarto na nandito sa taas. May limang kwarto dito. Tatlong guest room, isa sa anak ng mag asawa at ang master bed room.

Bawat kwarto ay inisa isa ko at masugid kong sinuri at pinagaralan.

Matapos ko makita ang pakay ko ay muli akong pumasok sa kwarto ni Amaira at umakyat sa butas. Nandito pa din ang lubid kaya sinundan ko ito. Pero nagulat ako ng makita itong putol sa bandang gitna ng pagsunod ko dito. Naiwan ako sa gitna ng magkakaibang daan sa loob ng kisame.

"Bella. Please find me. Kung saang eksakto ako ngayon sa loob ng bahay ng mga Birkins."

Hindi sumagot ang nasa kabilang linya, nakarinig lamang ako ng pagtipa hanggang sa isang mahinang tunog.

"Nasa tapat ka ng sala." sagot niya, since ang mga kwarto ay hindi sakop ng taas ng sala or lets just say na ang sala ay hindi sakop ng second floor. Ang kisame ng sala ay literally kisame din ng second floor.

"Saan maari ang labas ng tatlong daan na ito?"

"Sa kusina, sa kwarto ng mag asawa at isa sa guest room."

Napatigil ako sa pag iisip at naipukpok ang ulo ko sa maalikabok na lapag nang kisame.

Now I know.

Bumaba na ako at kinuha ang lubid tapos ay isinilid ito sa isang ziplock. Sunod ko namng ginawa ay kinuha ang manika tapos ay isinilid din ito sa Ziplock. Muli akong pumasok sa kwarto ng mag asawa at may kinuha. Tapos ay bumalik na ako sa baba.

Pagkababa ko mga malulungkot at takot na tingin nila ang sumalubong sa akin.

"Kamusta? Nalaman mo na ba?" umiling ako bahagya at naupo sa tapat ni Mr. Birkins at nilapag ang mga nakuha kong gamit

"Kanino ang mga ito?" tanong ko

"Ang manika ay kay Agape katulad nga ng sabi ko ay bigay sa kanya yan ng kanyang ina nung ika pitong taong kaarawan niya. Ang lubid ay ang kaninang ginamit sa pagbigti sa anak ko. Hindi ko alam kung kanino iyan. At ang hair pin na iyan ay sa asawa ko."

"Kelan mo ito binigay sa kanya?"

"Bakit ba kailangan mo pang alamin yan?" pinagmasdan ko lamang siya at tinignan ng malalim. Nakayukom ang palad niya at galit siyang nakatingin sa akin kaya sinalubong ko din ng masama ang kanyang mga titig.

"Sorry. Nacarried away lang." paliwanag niya at nag iwas ng tingin, "Binigay ko sa kanya yan nung nakaraang linggo. Matapos naming mag away, peace offering ba?"

Tumango ako at humalukipkip.

"Habang nasa taas kami ay nasaan kayong dalawa?" tanong ko sa katulog at sa guard na nakatayo lamang sa isang sulok

"Nasa gate ako nagbabantay, tapos ay nilalaro ko ang aso."

"Nasa garden po ako, nagdidilig ng halaman." paliwanag naman nung katulong, napatango ako. Hindi ako pwedeng magkamali.

Malinaw na malinaw ang nakita ko. At sigurado akong siya ang killer. Pero bilib ako sa kanya dahil sa liksi niya at bilis. Nagawa niya ang lahay sa loob ng dalawampung segundo. Pwede na siya magtrabaho sa organization.

Too bad pagkalaya pa nga lang niya.

"Alam na anmin kung sino ang killer." gulat akong napatingin kay Keith ng bigla siyang magsalita

"Sure ka alam mo?" pangangantyaw ng nasa kabilang linya

Tumayo si Keith at mayabang na nagpagpag ng damit niya.

"Ang killer ay siya." sabi niya sabay turo

Well not bad for a beginner. Magaling siya




To be continued ......

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon