Volume One • Chapter 18: Echo

660 31 6
                                    

Chapter 18: Echo

Pumalag si Echo sa pagkakahawak sa kanya ni Leighton bago tumingin sa akin. Madaling sabihin kumg sino ang sino sa kambal. Ang isa ay masayahin ang mata na napansi ko, siya si Leighton. Ang isa naman na pupungay pungay ang mata ay si Lawrence.

Nawala ang pagkapula ng mata ni Echo. Automatikong bumalik ang motion sa paligid. Gulat na nagkagulo ang nga tauhan ni Corrine na nakagapos na ngayon.

"Anong nangyari? Paano nangyari to?!" naghehesterikal na saad ni Corrine

Lumuhod sa harap niya ang isang ginang. Ang nanay ni Mr. Reynes.

"Hindi ko akalain na tumatanggap ng ganitong kababang misyon ang mga Darkwayne." saad ng ginang sabay tingin kay Ernie na masama din ang tingin sa babae

"Di kita mapapatawad Shin!"

"Di ko kailangan ng kapatawaran mo." umayos ng upo ang shin at tinitigan ito

"Gusto man kita patayin pero may mga tumgkulin ang mga batang iyun sa inyo kaya hahayaan na kita sa kamay nila."

Suminghal ang lalaki bago nagsmirk.

"Sa tingin mo ba sa pagpapadala sa akin sa kabilang organisasyon ay matatahimik na kayo. Tandaan mo. Papatayin namin kayong lahat ng bampira!" sigaw nito sa harap ni shin sabay dinuraan ang ginang.

Isang malakas at malutong na sampal ang natanggap niya mula dito.

"Go back to hell where you belong." bulong niya sabay tayo at umalis. Sakto naman pagdating nang mga kasamahan ko.

"Woah. What the hell!" bulalas ni Damian, na napatigil sa pagtakbo ng makita ang mga nakagapos na tauhan ni Corrine

"Saglit lang! Nasa harap kita kanina! Tapos bigla kang nawala?!" sigaw niya habang tinuturo pa ang isang lalaki na nakatali na masama ang tingin sa kanya

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sa tingin ko ay kailangan na namin lumipat ng ibang lugar. Mukhang di sila titigil." napalingon ako sa bandang gilid ko ng magsalita ang isang babae. Si Lynyx.

Ngayon ko lang napansin kumpleto pala sila ngayon.

Si Seven, Cyrene, Cyprus, Cyrus, Hope, Vladelias, Vladeveza, Lynyx at Beatrix.

Napatingin ako kay Cyprus na may buhat buhat na isang bata. Taimtim siyang nakatingin sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"Sa tingin ko ay tapos na ang mission niyo." biglang pagsalita ni Sierra

"Kayo na ang bahala sa kanila." dugtong pa niya, tumango ako at lumapit na sa mga nahuli at inasikaso. Kinapkapan ko sila isa isa at kinuhaan ng maaring makuhaan ng kanilang impormasyon. Ganun na din ang ginawa ng iba kong kasamahan.

Madami dami din pala sila. Bali dalawampung siyam silang lahat kasama si Corrine at Ernie.

"Nakatanggap ako ng sulat galing HQ." biglang tumabi sa akin si Saige. "Ibibigay natin sila sa FBI." nangunot ang noo ko sa sinabi niya

"Bakit? Tayo dapat ang mag aasikaso sa kanila."

"Ang sabi ay pagkauwi natin sa HQ ay diretso agad tayo sa isang mission." napakagat ako ng labi sa sinabi niya

Patay ako kay Queen Anya.

Nagpaalam na ang mga bampira sa amin. Saglit pa ako kinausap ni Sierra at hiningi ang cellphone number ko tapos ay nagpaalam na.

"Hayyy salamat tapos na." pag inat ni Damian ng makaupo siya sa loob ng sasakyan na nakakonekta sa advanve pannel.

"Ano? Ano na?" kinakabahan at namumutla na saad ni Saige. Eto, naturingang doktor napakahina ng sikmura sa heights at speed.

"Eto na." seryosong saad ni Echo. Siya ang sumakay sa driver's seat. Normal lang itong sasakyan kung titignan sa labas. Pero kapah pumasok ka sa loob ay mukha itong limousine.

"Te-teka!!" sigaw ni Saige, pero di ko ma tuluyan narinig ito na pindutin na ni Echo ang button para umandar an sasakyan.

Para kaming nilalamon ng kakaibang bagay. Ang mga parte ng katawan namin ay mukhang naghihiwa-hiwalay na nakapagpatawa sa akin. Ang lahat ng bagay ay absurd. Ganun pa man ay tuwang tuwa ako sa reaction ni Saige.

Dahan dahan tumigil ang pangyayari na kinaayawan ng mga kasamahan ko hanggang sa tumigil kami sa loob ng isang tunnel. Agad kong binuksan ang pintuan pero hindi muna lumabas.

Pinakaunang bumaba ay si Saige katulad ng inaasahan ko. Agad siyang sumuka ng makababa.

"Kakalinis ko lang!" nakarinig ako mg sigaw, sumilip ako sa pintuan kahit na naglalabasan pa din ang mga kasamahan ko. Si David ang sumigaw. Sugatan pa din siya at may mga benda ang parte ng katawan. Ngunit sa kabila nun ay may hawak siyang map at sa kabila ay timba.

"Pa-pasensya na." hingal hingal na sabi ni saige

"Aishhhh. Nakakainis!" sigaw niya sabay walk out

"Dumiretso na kayo ng meeting hall." Seryoso na sabi ni Echo ng makalabas ako ng sasakyan, hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa paglalakad.

"Bakit di mo sinabi?" puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya

Nag iwas siya nang tingin bago sumagot.

"I know it doesn't matter."

"It does matter to me!" sigaw ko. Nakaagaw kami ng atensyon ng iba dahilan para lumapit sa amin ang dalawang knight na kasama namin.

"Anong nangyayari?"

"Wala. Wala ito." sagot ni Echo, tinignan ko siya ng masama

"Sige na. Umakyat na tayo ng Lokre." pagpapatuloy pa niya at umalis na

Naiiyak ako na napahilamos ng mukha.

"Ayos ka lang?" tanong ni Saige at niyakap ako, tumango ako at mabilis na kumalas sa yakap

"Tara na. Umakyat na tayo ng meeting hall."

Mabilis kaming nakarating sa taas. Pagdating namin dun ay kumpleto ang lahat ng queens and knights. Naupo kaming tatlo sa dapat naming upuan. Mamaya maya pa ay pumasok ang isang lalaki na nakamaskara.

King Arlo!

Agad kaming nagsitayuan at yumuko. Tumango siya kaya nagsipag upuan na ulit kami. Dumiretso siya ng lakad papunta sa harap.

"Di ko na papatagalin to. Our organization will go an auction by tomorrow. At ang napili kong ipadala ay ang mga Queen of hearts." napansin kong sumimangot si Queen Snow. Mukhang gusto niyang sumama sa misyon.

"This Lenard Duran. The owner of the Duran shiplines. Aside from owning the one of the biggest shipline, he is doing an illegal transactions. Nangongolekta siya ng mamahaling mga droga, baril, at iba pang mga weapon na siyang ini-o-auction niya."

"Gwapo sana." bulong ni Queen Anya na katabi ko lang, saad niya habang napangalumbaba. Gulat akong napatingin sa kanya.

"Queen?" bulong ko

"Joke lang." sagot niya sabay bungisngis. Childish.

Pinaliwanag pa ni King Arlo ang mga kailangan namin malaman, ang plano at ang mga dapat gawin. Tapos pagkatapos mag usap usap ay pinag ayos na niya kami dahil babyahe na daw kaming papuntang Zamboanga dahil dito daw gaganapin ang auction.






To be continued ....

Vote. Comment. Share.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon