Volume One • Chapter 29: Third case

501 23 1
                                    

Chapter 29: Third Case

Madula?

Kung hindi ko nagkakamali ay siya ang adviser nila. Hinawakan ko ang pulso niya at pinakiramdaman kung natibok pa ang puso niya pero ganun na lang ang pagkadismaya ko ng wala akong maramdaman na kahit ano man pintig mula sa puso niya.

Hindi ko man lang siya nakuhaan ng statement.

Nilapit ko ang ilong ko da mukha niya at inamoy siya. Katulad ni Mr. Abay ay sa tingin ko sa pamamagitan din ng Muriatic acid siya pinatay.

"Anong nangyari?" tanong ko sa isang babarng studyante na nakatayo sa harap ko at awang awa na nakatingin sa kanilang guro

"Hindi ko alam." nauutal na sabi niya, "Basta pumasok na lang siya dito na may hawak na tasa, tahimik lang siyang nainom nun hanggang sa bigla niya iyong nabitawan at nangisay na siya."

Nilingon ko ang tasa na nasa may kalapitan ng bangkay. Kape ang iniinom niya. Dinukot ko ang pocket na nasa kaliwang bulsa ko at nilabas ang kagamitan na kakailanganin ko.

"Lumabas na muna kayong lahat." saad ko, mukhang may alinlangan sila dahil base sa tingin nila ay mukhang di nila ako kilala

"She's from NBI, nothing to worry." agad na sabi ni Gaspar ng mapansin niya na nakatingin lang din ang mga estudyante. Since sa loob ng classroom nangyari ang krimen napilitan lumabas ang lahat ng studyante na nagklaklase dito.

Mula sa pouch ko ay kinuha ko ang gloves at sinuot ito. Tapos sunod kong kinuha ay ang chalk at number signs para sa mga bagay na sangkot sa krimen.

I have to play the role of being a NBI agent.

Una kong binilugan ang tasa na wala ng laman at dinikita ito ng number. Sunod ay ang mga patak na nakakalat sa sahig. Matapos ay ginuhitan ko din ang bangkay.

"Anong nangyari dito?" isang guro na lalaki ang biglang pumasok na may kasama na mga security guard, mukhang ngayon lang nakarating sa kanila ang balita.

Hindi ko sila nilingon at pinagpatuloy lamang na kinupkupan ang bangkay. Una kong nakuha ang wallet at sumunod ang cellphone nito. Sinilid ko ito sa isang Ziplock.

"Sumagot ka! Sino ka?!"

Pasimple kong binulsa ang nakuha kong gamit bago kinuha ang nakabulsa kong ID saka humarap sa kanila.

"January Agustine, NBI agent." sagot ko at nilahad sa tapat nila ang ID na sadyang gawin para sa mga ganitong kaso. Nakalagay ang aking litrato pero ibang mga impormasyon ang nakasaad dito.

"Hindi ako naniniwala. Bakit ganyan ka manamit!" inis kong tinanggal ang aking shades bago matalim na tinignan ang teacher na kaharap ko, kaedaran ito ng teacher na si Madula na sa tantya ko ay nasa 30 anyos na.

Simagot niya ang tingin ko at hindi nagpatalo. Aba iniinis ako ng guro na to!

"Joseph tama na yan." isang babae naman ang pumasok na sa tantya ko ay nasa 40 anyos na ang pumasok at base sa kanyang suot ay isa din siyang guro

"Ms?"

"Agustine." sagot ko

"Pasensya na sa inasal ni Mr. Copro. You can now proceed to your investigation, naipadala na sa amin ang impormasyon ng principal ukol sa pagpunta mo dito." tumango ako sa kanyang sinambit

Tinalikuran ko na sila pero bago iyun ay tinignan ko muna ng masama ang tinawag niyamg Joseph na simagot din naman ulit ang aking mga titig.

Umupo ang at kumuha ng litmus paper sa pouch ko at nilagay sa mga patak ng kape na nasa sahig. Nang magbago ang kulay ng litmus ay nakumpirma ko na tama ang aking hinala.

May acid content ang kape kaya ang tamang reaksyon nito sa papel ay mga nasa 8-10 scale pero ang kinalabasan ay pula which means ay nasa maximun tolerance level ng acid ang kape na ininom niya. Maliban sa pagiging lason ng Muriatic ay isa rin itong acid. Mukhang kaunting amount lang ang nilagay niya pero nagreact agad ito sa katawan ng biktima. Maaring may iba pa siyang nilagay dahil ininom pa din ng guro ang kape kahit na may muriatic ito na dapat ay mag iiba ang lasa.

"Ako na. Ako na ang susunod." mamaya maya ay bulong ni Gaspar sa akin, nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa paligid pero mukhang wala namang nakarinig sa tinuran niya dahil busy ang mga guro at security guard sa pagpapakalma sa mga estudyante at pagpapaalis dito sa crime scene.

May pinindot ako sa aking relo bago hinila ang binatang natulala na sa bangkay na nakahandusay sa lapag.

"Tumawag na ako ng back up para mapick up ang bangkay. Make sure na walang makakagalaw sa ebidensya. I need to investigate." ani ko sa babaeng guro na nakausap ko kanina, napansin ko na dumamin din ang bilang ng mga guard at may ilan na ding police ang nandito na binabantayan ang bawat classroom para walang malabas na estudyante na siyang naging advantage sa akin.

Tumango at sumangayon ang guro na nakausap ko tsaka hinila si Gaspar papunta sa hagdan sa kabilang gawi kung saan hindi dadaan sa tapat ng classroom nila.

Hinila ko siya papunta sa kotse ko at pagkapasok na pagkapasok namin ay agad ko siyang tinignan ng masama.

"Sino ngayon ang killer?" tanong ko tinignan lamang niya ako ng taimtim na para bang nakikiramdam lang

"Sagutin mo ko!" sigaw ko

"Sa totoo lang hindi ko alam." kailangan pa niyang sindakin para lang sumagot, "Pero may mga hinala ako pero mukhang mali ang aking hinala."

"Isalaysay mo sa akin ang nangyari."

"Matalik na kaibigan ko si Arvin. Tanda ko nung isang araw isang oras siguro bago siya mamatay ay magkakasama kami nila Jerome na pumuntang canteen parang walang mangyayari tapos nung bumalik kami ng room ay bigla siyang nagpaalam na may naiwan sa canteen kaya muli siyang baba pero di na namin siya nasamahan dahil nadaanan kami ni MR. Madula at pinasama kami sa kanya sa faculty."

"Ano ang ginawa niyo sa faculty?"

"Nagmeeting ang mga teacher tapos kaming dalawa ni Jerome ay inutusan nuyang magbuhat ng mga lamesa galing kabilang kwarto ma katabi ng faculty."

"Tapos?"

"Recess na nung nakabalik kami ng classroom at ang ipinagtataka namin ay wala si Arvin. Ang akala namin ay umihi lang siya pero last period na ay di pa rin siya bumabalik."

"Ang mensahe na nasa kwaderno mo paano mo nalaman iyan?"

"Nang malaman komg patay na si Arvin ay agad akong tumakbo papuntang rooftop tapos nakita ko doon ang kwaderno ko. Wala pang pulis noong panahon na iyun kaya agad ko itong kinuha pero may nakakita sa aking studyante at sinabi ito ng dumating ang mga pulis."

"At ang mensahe sa pisara?"

"Nakita namin yan nung bumalik kaming classroom. Halos lahat pala kami ay nagsipag akyatan. Palibhasa lunch time ang iba ay wala dahil bumili ng pagkain."

Medyo naliwanagan ako sa sinabi niya. Nakangiting nilabas ang acetate na hinanda ko kanina.

Now its time to solve the crime.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon