Volume One • Chapter 17: Second Case 2.0

703 37 2
                                    

Chapter 17: Second Case

Lumabas na kami ni Keith sa loob ng kwarto. Si Sierra na daw ang bahala sa pinsan niya at sa mga kasamanahan niya.

Inakyat pa namin ang huling palapag pero di namin nakita si Echo.

Now. Where the hell is he?

Napagdesisyonan namin bumalik sa baba. Nakasalubong namin ang grupo nila Damian kasama ang pamilyang Reynes.

"Anong nangyari?" nakabusangot na tanong ni Damian

"Nawawala si Echo." sagot ko

"Mabuti pa at pagtaguin muna natin ang pamilyang Reynes sa ligtas na lugar pati na din ang panauhin." seryosong niya ani

"Ganun na nga." sagot ko at tumingin sa pamilya, alam kong di nila kailangan ng proteksyon namin dahil kung tutuusin ay mas malakas sila sa amin. Pero tungkulin pa rin namin na proteksyonan sila.

"Nasaan si Bella?" tanong ni Kaye

"Nasa control room." sagot ko, agad akong napalingon sa bintana nang makarinig ulit ako ng putukan ng baril

"Tara na." saad ko at lumakad na

Pasimple kaming lumakad palabas. Pumuwesto kami sa mapuno na parte ng resort. Umakyat ako sa isang puno at pinagmasdan ang kapaligiran.

Mula sa pwesto ko ay nakakita ako ng tatlong lalaki na natakbo papunta sa gilid na parte ng resort. Mukhang sa bintana nila balak dumaan.

Ano ang balak nila?

Namatay si Ms. Lapuz pero tuloy pa rin sa pagsugod. Mukhang may iba pa kaming kalaban dito.

Bumaba na ako ng puno at binunot pa mula sa coat ko ang isang baril at kinabitan ito ng silencer.

"Suotin mo to." nagulat ako ng biglang nilapat ni Keith ang kamay niya sa tenga ko, hinawi niya ang buhok ko at may nilagay sa likod ng tenga ko.

Earpiece.

"San ka nakakuha?"

"Dalawang tenga ko pala ang may suot."

Tinignan ko siya na masama sabay sipa sa tuhod niya. Kainis!

"Kanina pa ako naghahanap ng earpiece tapos ngayon mo lang naisipan ibigay to?" bulong na singhal ko sa kanya

"Eh sa ngayon ko lang naalala eh." inis din niyang bulong habang hinihimas ang tuhod niya.

Kalma Cyrill. Norwood yan. Wag mo masyadong pag initan.

Lumakad na ako at iniwan siya dun mag isa na hinimas pa din ang tuhod niya. Bahala siya sa buhay niya.

"Napatay niyo na ba?" napatigil ako sa paglakad sa likod ng mga bushes ng makarinig ako ng pag uusap. Sumilip ako at isang lalaki at isang babae ang nag uusap

"Di pa. Wala pang nakakarating na report sa akin.

"Ano ba Ernie? Napakabagal niyo naman?!"

"Pasensya na may nanghihimasok." sagot sa kanya ng lalaki sabay yuko

"Damn those agents." napangiti ako napaayos nang pag kakaupo.

Di ko na kailangan alamin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Atleast di ko na papagurin ang sarili ko kakaisip kung sino ang posibleng gumawa nito.

Tahimik akong lumabas sa pwesto ko. Ang dalawang baril ko ay itinutok ko sa kanilang dalawa.

Mukhang malakas ang pakiramdam ng lalaki at agad na naglabas ng baril at humarap sa gawi ko.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon