Volume Two • Chapter 51: Encounter

431 21 10
                                    

Mabilis na umalis sa pwesto niya ang hari. Ikinumpas niya muli ang kanyang hawak na stick at nakulong silang dalawa ng aming ama sa loob ng isang barrier dahilan para maiwan kami sa labas nito. Tila lumaki pa ang lugar nila sa loob.

"Magaling." komento ni Dad, "Gusto ko ang iyong mahika."

"Pasensya na. Pero hindi ko ibabahagi sa iyo ito."

"Bakit di mo ilabas ang iyong alaga."

"Hindi pagaaksayahan ng oras ilabas ang malakas laban sa mahina." natawa ako sa loob loob ko sa sinabi ni Kuya

He's under estimating our Dad.

Itinaas ni kuya ang kanyang palad at isang magic circle ang lumabas dito. Mula dito ay unti unting hinigop ang reaper na nakatayo sa likod ng dating hari.

Ang ama namin. Ang ama namin ay ang dating hari ng syudad na ito. Nagkagulo ang lahat. Nagkaroon dito ng giyera. Nagsakripisyo ang aking ama, kapalit ng kanyang buhay upang mailigtas kaming mga anak niya. Pero ang hindi ko alam kung paano siya nabuhay ulit.

Napatakbo ako ng biglang humangin ng malakas. Natanggal ang sumbrerong suot ni Dad na bigla kong ikinakaba ko. Pero agad ding nangibabaw muli ang isa namang uri ng kaba sa akin dibdib ng ibang imahe ang nakita kong nakatayo sa kaninang pwesto ni Ama.

Ang bata na taga darkwayne!

Agad kong kinapa ang baril sa akin bulsa pero wala ito dito. Tahimik akong napamura sa aking isipan.

"Don't worry it's still me." isang boses ang narinig ko mula sa aking isipan

"Just relax and focus to your surroundings."

Dahan dahan akong napatingin sa aking paligid ng mapansin na ang ilang kamag anak ko ay nakatingin sa akin. Hindi ito ang tingin ng pagkamiss, isa itong tingin na may bahid ng galit.

Di ko alam kung bakit galit na galit sila sa katauhan ko pero kapag ako nakilala nila bilang ang tunay na prinsesa, nako who you silang lahat sa akin.

Napasmirk ako ng lumapit dahan dahan sa akin si Jagger. Swabe niyang nginunguya ang buble gum niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"I didn't expect."

"Expect what?" naalala ko ang nangyari sa Lape Resort sa mundo ng tao, iba ang nararamdaman ko sa kanya. Yun pala ang dahilan. Pamangkin ko siya at nag iinit ang ulo ko dahil sa pinakapakita niyang pagtingin at papansin sa akin

"Tumakas ka na habang may oras pa." pasimple akong naduwal sa kanyang tinuran, gustong gusto ko na matawa na masuka na ewan. Gustong gusto ko din sabihin sa kanya ang totoo pero ayokong mang ispoil. Gusto ko na si Dad ang unang maglantad bago ako.

"Hindi ako tatakas." natatawa kong ani, "Giyera kung giyera."

"Dalawa laban sa marami."

"Dalawa laban sa marami." pag ulit ko sa kanyang sinabi, tumawa siya ng para bang may nakakatawa sa aking sinabi

"That's why I like you." di ko na nakayanan ang presensya niya at tunakbo ako papunta sa kabilang gawi ng hall. Makalaban ko na ang kahit sino wag ko lang siya makausap.

Muli akong napatingin sa batang nasa katawan na nagsasabi na siya pa din ang tatay ko. Ano ba talagang nangyayari? Kahit may doubt sa aking puso ay nagtitiwala pa din ako sa kanyang sinasabi.

Galit na galit siyang tinignan ng hari.

"A black clan! How dare you to come inside my teritory. And you!" galit niyang sigaw sa aking gawi

Napaka angas naman pala. Sa dinadami ng bampira sa paligid at nagpalipat lipat na ako ng pwesto nakita pa rin niya ako.

"Sinabi ko na nga ba isa kang black clan!"

(A/N: black clan po isa mga clan noong sinaunang panahon sa eripmav city, nahahati sa limang clan ang mga bampira, isa siya sa mga clan pero nagtaksil laban sa ibang clan. Nasa the vampire's tale po ang mga bagay na ito. Read it if you dont understand me.)

"Not totally." nakangiting sabi ng batang Bryant

Bryant James Heteo ang buong pangalan ng aking ama.

"Never in my life will i participate to that clan." biglang nagdilim ang mukha ni Dad, tapos ay nilamon siya ng mga bunhangin. Pumaikot ito sa kanyang katawan.

Unti unti nitong nireveal ang kanyang paa, hanggang sa tumaas ito. Revealing the real him.

"Dad?" nauutal at naiiyak ni Kuya

Sa di malaman na dahilan ay kusa ding umagos ang aking luha.

Family. Is this my family?

"Is it really you Dad?"

"Yes this is me, Charles." lalapit na dapat si Kuya ng biglang dalawang ginoo ang humarang sa kanya

"Hindi tayo nakakasigurado Mahal na hari." ani ginoong Leticima

"Kailangan muna natin masigurado." sabi naman ni Ginoong John, silang dalawa ang nakita ko sa mall kasama ng prinsipe na aking pamangkin

"Alin ito ba ang kailangan mong malaman Leticima?" itinaas ng aking ama ang kanyang palad matapos ay isang tatak ang kumurba dito

Pumula ang mga mata ng dalawang bampira matapos ay biglang lumuhod.

"Ang dating hari." nanginginig na saad ni John

Ang lahat ay nagsipagluhuran. Walang nag-alinlangan sa sinabi niya. Tila ay isa itong tiyak na bagay.

"Ama." umiiyak na sigaw ni Kuya Charles, lumakad ito kahit na siya ay nakaluhod. Lumalakad gamit ang kanyang tuhod upang makarating sa pwesto ng taong matagal na nawala sa kanyang piling.

Tumakbo papunta sa gawi niya si Dad at umupo sa harap niya tsaka siya niyakap.

"Anak." naiiyak din na sabi ni Dad





To be continued ....

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon