Volume 2 • Chapter 68

378 20 11
                                    

"Leticima huh?" bulong ko sa sarili ko, sinubukan kong kumawala sa mga bisig na nakakapit sa akin pero sadyang mas malalakas sila

"Arlo!" muling sigaw ni Cyrill

"Di lang pala kita mahahanap," ani ko sa lalaki

"Arlo, hindi ko inaasahan." may sasabihin pa sana siya pero hindi na niya naituloy malungkot siyang nag iwas ng tingin

"Ginoong Sima," sabi ko at ipinagdiinan ang Sima, "Magbabayad ka sa ginawa mo!" galit ko pang dugtong

"Matagal na akong nagbayad sa kasalanan ko Iho."

"Nagbayad, anong klaseng bayad? Nagpapakasarap ka sa buhay mo samantala nagpapakahirap kami ng aking ama hanggang sa dumating na kamuhian niya ako at ako ang sisihin sa lahat."

"Sadyang mapusok ang ama mo, pero paniwalaan no ako wala kang kasalanan."

"Kaya nga papatayin kita bilang kapalit nang lahat ng iyong kasalanan."

Mabilis kong iniwaksi ang dalawa kong braso dahilan para mabitawan ako ng nakahawak sa akin tapos parehas ko itong sinipa sa dibdib para mapalayo sa dadaanan ko.

Nilabas ko ang aking baril at itinutok sa kanya, kinalabit ang trigger at inasinta ang kanyang dibdib.

Say bye now Leticima.

"No Arlo." nagulat ako ng may yumakap sa akin

Nagising ako mula sa kung saan. Para akong nagising mula sa isang masamang panaginip na kinokontrol ako ng kung sino man.

"Cyrill." nauutal kong sabi, nabitawan ko ang baril ko at nanginginig na nilapat ang kamay ko sa likod niya

Ang mabilis kong paghinga kanina ay unti unting bumagal. Nararamdaman ko na din ang paghinahon ko.

"Cyrill." pag ulit ko sa pagtawag ko sa kanya at saka siya nilayo sa sakin 

"Did?" nauutal kong sabi na hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin

Mabilis siyang lumayo sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Shet." mura niya

"Arlo!" sigaw naman ni Echo tsaka galit na lumapit sa akin at saka binatukan ako ng malakas na sobrang lakas ay napayuko ako at halos maliyo ako

"Damn it Echo." nakita ko siya sa paningin ko pero marahil siguro sa sobrang liyo ay nadami ang imahe ni echo sa akin

Sinubukan ko siyang hawakan pero hindi ako nagtagumpay dahil di ko siya maabot kaya bumagsak ako sa lupa

"Hoy ayos ka lang ba?" nag aalala niyang sabi sabay nag aalalang lumapit sa akin

"Napalakas ba?"

"Maliliyo ba ako kung hindi?!" sigaw ko at hinimas ang parte kung saan niya tinamaan tsaka pumikit pikit para mawala ang panglalabo ng aking paningin

"Tara na masyadong delikado kung dito tayo mag uusap usap." isang lalaki ang pumutol sa pag uusap namin ni Echo

Teka sino siya?

Naunang sumakay si Leticima sa loob ng sasakyang matapos ay sumunod si Cyrill, inalalayan siya ng lalaking epal na sumakay. Tapos ay iniwan na niyang bukas ang bukasan tsaka lumipat sa driver's seat.

"Sino yun?" bulong ko kay Echo hinintay naming makasakay muna ang ama niya bago sumakay din

"Creed." bulong niya bago ay pinapasok na ako sa loob.

Sa likod kami nakaupo ni Echo at ng kanyang ama. Samantala nasa unahan naman namin si Leticima at sa harap ko si Cyrill. Pilit kong hinuhuli ang kanyang tingin sa salamin pero hindi siya nagalaw sa pwesto at tila sinasadyang umiwas. Samantala nang magtama naman ang aming mata ni Leticima ay tinignan ko siya ng masama na siya namang agad na nagbawi ng tingin.

Siniko ako ni Echo ng makita niya ang nangyari. Padabog naman akong sumandal tsaka muling tinignan si Cyrill.

Kahit nakatalikod ay maganda pa din.

Nagpark ang kotse sa isang napakalaking mansyon. Mas malaki pa sa mansyon ko.

May fountain sa gitna at bago ka pa makarating sa mismong bahay ay dadaanan mo muna ang mahabang daan na may mga tanim ng iba't ibang tanim na bulaklak.

Naging tahimik ang mga sumusunod na eksena. Tahimik kaming pumasok ng mansyon. Sumalubong sa amin ang napakagandang interior design.

Wow, this is my dream house.

Ganitong style ang gusto kong bahay but I dont have enough money to make this elegant house. How can vampires make this kind of thing?

"Kamusta? Saan kayo galing?" isang pamilyar na boses ang aking narinig since nasa pinakalikod ako ay hindi ko nakita kung sino ito kaya hinawi ko ang lahat ng nasa harap ko para makita kung sino ito at hindi nga ako nagkamali

"Adellaide/Arlo?" sabay naming sabi

"Magkakilala kayo?" sabay sabay din nilang tanong

"Ah oo." sabay na naman naming wika

"Ehem." napalingon ako sa isang lalaki ng tumikhim ito tumayo ito sa tabi ni Adellaide at tumingin na mapagmataas sa akin

Siya!

"Ikaw!" nauutal na wika ko habang tinuturo siya, hindi ko maintindihan kung ano ang sasabihin ko

Agad namang lumapit sa akin si Echo at binaba ang braso kong nakaturo sa lalaki at ngumiti na tila ba ay nahihiya.

"Pasensya na po, hyper lang po siya ngayon. Hahaha." he said with an awkward laugh, "Dating hari yan umayos ka." sabay bulong niya at niyakap ako para ilayo ako

"Hindi," angil ko

"Arlo." banta niya

"Adellaide yan yung asawa mo?" hindi ko pinansin si echo

"Oo ako yung asawa niya." may bantang tono na sabi nung lalaki

"Hihi oo arlo." sagot naman ni Adellaide

"Ako si Bryant asawa niya."

"Ikaw yung nang iwan sa akin nung mamamatay na ako!" sigaw ko sinubukan kong gumalaw pero yakap yakap ako ni echo

Chansing na ang hinayupak!

"Hindi ka naman namatay eh!" balik  na sigaw niya

"Mamatay bakit mamamatay?" sa wakas ay kumibo na si Cyrill pero hindi namin pinansin siya

"Hindi nga ako namatay pero malapit mo na ako napatay noon!"

"Hindi ka nga namatay ayos na yun, psh." aniya at parang bata na umirap

"Psh." gulat kong singhal, "pini-pish mo ako?"

"Tama na!" napatigil at napatingin kaming lahat kay Cyrill ng sumigaw ito at galit na galit na nakatingin sa amin

"Sorry guys di kasi talaga nainom ng kaibigan ko yung gamot niya, sige magpapahinga na kami ah. Paalam." sabi ni Echo at hinila ako paalis doon






to be continued ...

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon