Volume One • Chapter 41: Untitled

514 20 1
                                    

Chapter 41: Untitled

Ito na ata ang pinakaboring na araw para sa akin. Tahimik akong nakaupo sa desk ko habang tinutuktok ang akin ballpen. Pinalobo ko ang aking pisngi matapos ay pinakawalan ang hangin sabay bumuntong hininga.

"Iniisip mo na naman siya?" bungad sa akin ni Saige habang nakadukwang sa tapat ng desk ko

Tama siya iniisip ko na naman siya.

Muli akong napabuntong hininga at napatungo.

"Gusto mo ng adventure?"

Mavilis akong napatingin sa kanya.

"May bagong mission?"

"Nah." sagot niya habang umiiling, "Maghahanap tayo."

Ngayong araw kasi ay wala kaming ni isang mission o case na natanggap. Bibihira lang mangyari ang ganito. Kung baga once in a blue moon. And i really hate it when it's happening.

"Psh. Pwede ba kung wala kang masasabing matino lumayas ka sa harap ko."

"Psh sungit. Dali may iimbestigahan tayo." di ko siya pinansin at kinuha ang phone ko at sinaksak ang headset

"Hahanapin natin ang mga bulong bulungan na Eripmav City." naibagsak ko ang aking cellphone at gulat na napatingin sa kanya

"Now look your interested."

Sinamaan ko siya ng tingin at saka umurap. Paano niya nalaman ang lugar na iyun?

"Dali na. Ano sasama ka ba?" nanghihikayat niyang tanong

"Yeah fine. Tutal wala naman akong gagawin at bored na bored ako." palusot ko

"Yes. So halika na. Sa daan ko na sasabihin ang detalye."

Katulad ng sinabi niya ay sa daan niya inikwento ang detalye na nalalaman niya.

Sa bayan daw ng laguna kumalat. May ilang nagsasabing isa itong alamat at may ilan din daw nagsasabing isa itong sumpa.

Isa daw itong syudad na bigla na lamang lumitaw sa pagitan ng syudad ng muntinlupa at probinsya ng laguna. Nakapaganda daw sa syudad na ito.

Mabait ang mga nanirahan dito hanggang sa nagkaroon ng kaguluhan kung saan naglabasan ang mga nilalang na nangangain ng tao.

Ayon pa kay Saige tinawag daw itong fiend. Isa daw itong bampira na nawalhan ng katinuan at kumakain ng mga laman loob.

Nagulat na lamang daw ang lahat ng dumami ang mga ito. Pero dumating ang panahon na bigla itong nawala kasabay ng pagkawala ng syudad ng Eripmav. Maging sa mga isipan ng mga tao ay nabura ito. Pero may ilang  pruweba na naiwan at kasulatan ang nakapagpapatunay na nabuo ito. Pero may ilan na hindi naniniwala dito.

Hindi na daw muling nakita ang syudad.

"Hindi naman na pala nakita ulit ano pang gagawin natin dun?!" inis kong sabi sa kanya

"Kaya nga hahanapin natin. Mag iimbestiga tayo. Tsaka isa pa, may narinig din ako na ang mga dating namumuno dito ay mga bampira." nayukom ko ang palad ko, hindi maaring malaman ng mga mortal ang tungkol sa syudad. Maaring hindi pa ako nakakapunta dito pero may pagpapahalaga ako dito.

"Psh. Napakakulit mo rin eh noh?"

"Wag kang mag alala. Di naman tayo lalayo. Sa bayan lang ng san pedro tayo maghahanap. Isa kang bampira right? Kaya alam kong malaki matutulong mo sa akin."

"So kaya mo ako sinama ay dahil ikaw din ang makikinabang ganun?"

"Di naman. Pero parang ganun." natatawa tawa niyang saad

Bigla kaming napapreno ng isang batang lalaki ang tumakbo sa daanan. Hindi ko mawari kung tinamaan ito ng kotse pero napaupo ito.

Agad kaming bumabang dalawa at nilapitan ang bata.

"Bata ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni saige, nag angat ng tingin ang lalaki at nagulat ko ng makita kung sino ito

Ang bata sa ospital!

Agad kong hinawakan ang aking baril sa bulsa pero mabilis akonv pinigilan ni Saige. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso at saka umiling.

"Madaming tao." bulong niya sa akin

Inalalayan niya ang bata saka chineck ang mga parte nito. Matiim ko lamang na tinignan ang dalawa.

"Sigurado ka bang walang masakit sayo?" tanong ni Saige sa bata

Umiling ito saka tumayo.

"Wag ka ng tumuloy." aniya nang hindi nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya at nagiiwas ng tingin.

"At bakit?"

"Mapapahamak ka lang. Curiosity kills." sagot niya, kung makapagsalita siya ay akala mo ay matanda na. Baka isa pang itong matanda na nagtatago sa loob ng katawan ng isang bata

"Hindi kita susundin. Kaya kung gusto mo pang mabuhay ay umalis ka na bago pa kita mapatay."

Napatikhim si Saige sa sinabi ko. Nanatili akong alerto na nakatingin sa bata.

"Kapag may nangyari ay sana di mo masabing hindi kita binalaan."

"Bakit nandito ba ang kuta ng mga darkwayne? Ng kuta niyo?" mapanudyo kong tanong

"Wala. Pero nandito ang kuta ng mas malaki mong kalaban." sagot niya at tumakbo ng paalis

Mas malaki kong kalaban? kung totoo ngang nandito ang Eripmav City ibig sabihin nandito rin sila Sierra. Pero nangangahulugan din bang kaoaban ko sila? At nagkukunyari lamang silang mabait sa akin para huliin ako.

mabilis na sumagi sa isipan ko ang dinabi niya nalamang ng tinatawag nilang council ang tungkol sa akin.

Isang bampirang walang kamuwang muwang sa kanyang sariling mundo. Isang walang kwentang bampira na nagtatrabaho at umaasa sa organisasyon na sinalihan na magpoprotekta sa kanya.













to be continued ....

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon