Volume One • Chapter 28: Third Case

557 23 1
                                    

Chapter 28: Third case

Maaga akong nakarating sa skwelahan na pakay ko. Mag aalasyete na ay nakakapagtakang madami pa ang bilang ng mga studyante.

Ganito ba ang ugali nila? Ang tanghali nang pumasok.

Hindi ako nagsama ng kahit na sino sa team ko dahil ayaw ko na silang maistorbo. Mga tulog pa sila kanina buhat ng napakabusy nila kagabi.

Nagpark ako sa tapat ng admin building ng skwelahan. Sinigurado kong nakalock ang aking sasakyan bago pumunta ng gusali.

Tinunton ko ang Principal's office upang maging pormal ang dating ng aking pag-iimbestiga.

"Ako si January Agustine, from NBI. Ako ang nakatokang mag imbestiga sa kaso ni Mr. Abay." aniko ng makaharap ko ang punong guro

"Ang akala ko ay ipapasara na nila ang kaso?" nagtatakang tanong niya

Hindi na ako kumibo sa sinambit niya at iniba na ang daan ng pinag uusapan.

Ngayon kailangan ko din malaman kumg sino ang nagpapasara ng kaso.

"Maari niyo po ba akong dalhin sa kwarto ng mga bata kung saan nangyari ang krimen?" magalang na tanong ko, tumango siya at iginaya ako papalabas ng opisina niya.

Nakabukod na gusali ang pinagkaklasehan ng mga senior students.

"Hindi ko na maintindihan ang takbo ng mga isip ng kabataan ngayon." pagbubukas niya ng topic habang naglalakad kami

May katandaan na ang punong guro. Maingat kong inayos ang suot kong shades at sumbrero bago sumagot.

"Hindi natin kailanman maiintindihan ang takbo ng isip ng bawat isa sa atin." sagot ko bago lumingon ng kanan upang titigan ang kalangitan, nasa ikatlong palapag na kami ng gusali, "Walang sino man ang makakaintindi sa atin maliban sa ating sarili." dugtong ko pa

"Kung sabagay." sagot niya, "Eto na ang kwarto." tumigil kami sa tapat ng ikatlong kwarto sa ikatlong palapag.

Tumambad sa akin ang ilang bilang ng studyante na tahimik na nakaupo sa kani-kanilang mga upuan. May ilang nagtatawanan, may ilang parang wala lang. Para bang walang nangyayaring krimen.

"Maiwan na muna kita." pagpapaalam niya, pero bago niya ako tuluyan iwanan ay ipinagbilin niya muna ako sa presidente ng klase.

Sa labas ay kinausap ko siya ng masinsinan.

"Ano ang iyung ngalan?" tanong ko, hinugot ko ang maliit na notepad na nakalagay sa bulsa ng mahabang coat ko pati ang ballpen

"Mearin. Mearin Manuba."

"Para sayo sino si Arvin Abay?" tanong ko, saglit siyang natigilan at nag iwas ng tingin

"Tahimik na tao siya. Bagamat tahimik, madami siyang kaibigan."

"Ano sa tingin mo ang problema sa kanyang pagkamatay."

"Walang nakakaalam. At walang gustong umaalam." seryosong saad niya

Nanliit ang mata ko sa sinabi niya.

"Bakit?"

"May mga bagay na hindi dapat natin alamin. May mga bagay na may kapalit." makahulugang sabi niya

"Maraming salamat sa pagsagot, binigyan mo ako ng bagong sagot sa aking mga katanungan." nanlaki ang mata niya sa aking itinuran pero hindi ko ito pinansin.

Palihim kong iginala ang paningin ko sa loob ng silid nila. Nakuha ng atensyon ko ang kaibigan ng yumao. Si Mr. Dapiton.

"Maari ko bang malaman kung sino ang guro niyo sa oras na nangyari ang krimen?"

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon