Volume One • Chapter 12: Resort

755 40 5
                                    

Chapter 12: Resort

"Wow. So cool here!" inis ko lamang tinignan ang mga kasama ko bago inayos ang pagkakasuot ko sa gloves ko.

The heck. Alam kong mainit dito pero di ko inaasahan na ganitong kainit!

"Kung alam ko lang na ganito kaganda dito sana dito ko na idinaos ang birthday ko last year." sabi ni Damian

Basta may mga side comment asahan niyo na si Damian yun. Siya lang naman ang pinakamadaldal dito samin.

"Di kasi siya ganun kasikat. At isa pa. Only rich kids can afford this." sagot sa kanya ni Echo

"Wow! Tingin mo sakin walang pera?!"

"May sinabi ba ako?"

Di ko na sila pinansin at padabog na naglakad papasok ng main building ng resort. Dumiretso agad ako sa concierge at ini inform na kami ang agents na pinadala ng organisasyon.

Mamaya maya pa ay isang napakagwapong lalaki ang lumapit sa amin. Pero ang ikinagulat ko ay isa siyang bampira.

"Magandang araw sa inyo." bati niya sa amin. Nagsipagsagutan ang nga kagrupo ko pati ang dalawang tukmol na sumama sa amin.

Hindi ko alam kung bakit kasama namin si Echo ngayon. Basta ang alam ko lang ng magbabyahe na kami kanina ay naka empake na din siya.

"Ako nga pala si Law Tyson Reynes. Law na lang para di kayo mahirapan. Inaasahan kong gagawin niyo lahat ng makakaya niyo para maprotektahan kami."

Matapos ng kanyang brief introduction ay hinatid niya kami sa kaniya kaniyang kwarto hiwalay ang babae sa lalaki. Since tatlo lang ang lalaki ay hayahay sila sa kabilang kwarto at nagsisiksikan kaming mga babae dito sa napakalaking kwarto na ito.

"So this is Law Tyson Reynes." sabi ko at ipinakita ang isang lirato ni Mr. Reynes, "eto naman ang may bahay niyan na si Abegail Alonzo-Reynes. May dalawa silang anak na kambal. Si Leighton Reynes at si Lawrence Reynes."

"May suspects na ba sa pagpatay sa isang guard noong isang araw?"

"Main suspect is the owner of Lapuz Resort, Miss Nica Lapuz. There's a rumor that she have a crush on Mr. Reynes."

"Saan ang Lapuz resort?"

"Nine blocks away from here." sagot ko, itinaas ko ang blue print ng lugar, "Here is the blue print of the resort. I already assigned all of you to a designated area."

Nagsipaglapitan na sila sa blue print at tinignan ang area na babantayan nila at ang area na sakop nila.

Ang mga lalaki ay hindi kasama sa misyon dahil sila ang naka assign na mag bantay at magmanman sa kabilang resort.

SUMAPIT ang gabi at wala namang nangyayaring anong kababalaghan. Naka assigned ako sa main building para bantayan ang pamilya.

Ang pamilyan reynes kasi ay dito na rin nakatira. Mayaman naman sila at mukhang malaki ang kinikita nila dito sa resort pero bakit mas pinili nilang dito manirahan.

"Hi." napalingon ako ng biglang may bumati sa akin lalaki, isa bampirang lalaki.

Nakadama ako ng kakaibang kaba at saya.

Di ko siya sinagot at tinitigan lamang at pinag aralan ang mukha.

"It's Lawrence." pagpapakilala niya, dumiretso ako ng tingin at pinagmasdan ang napakagandang karagatan ng Masbate. This is a heaven den.

"Cyrill." tipid na sabi ko

"I can smell it. You're a vampire."

"Yeah. And also you." napapasabak ako sa english dito sa lalaking to ah.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon