Volume 2 · Chapter 57: Resignation letter

387 20 1
                                    

Tahimik akong nakatulala sa aking kinauupuan hawak hawak ang isang nakatuping papel. Hinimas himas ko ito sabay bumuntong hininga na naging reaksyon ko dahil sa dami ng iniisip ko.

"Cyrill." mabilis akong napalingon sa tumawag sa akin

"Echo."

"Sa tingin ko alam mo na."

"Alam?" pasimple kong binitawan ang regnation paper na hawak ko saka tumayo sa pagkakaupo at humarap sa kanya

"Alin dun? Sa dami ng iniisip ko hindi ko na mawari kung ano ang ano at sino ang sino."

"Ang huling misyon natin."

"Huli? Anong huli? Ang sinasabi mo ba ay yung pagsugod natin sa kuta ng mga darkwayne?"

"Alam kong nanggaling ka na sa eripmav at alam ko na din na ikaw ang nawawalang prinsesa."

"Ah." tumingin ako sa paligid ko at hinila siya sa isang tabi kung saan walang maaring may makarinig sa amin.

"Alam mo na pala. Pero anong huling misyon."

"Isasara na ang norwood organization Cyrill." biglang natahimik ang buong kapaligiran ko, tila ay nabingi ako sa kanyang sinabi

"Isasara?" tanong ko, "Anong isasara? Bakit isasara?"

"Hindi ko pa din alam ang dahilan." inilapat niya ang likod ng palad niya sa kanyang bibig bago nagsalita

"Pero may masama akong kutob sa nangyayari." dugtong pa niya, "Hindi ang eripmav ang kuta ng mga darkwayne, at saka paano nila nalaman ang syudad natin?"

"Anong sabi mo?" gulat kong tanong, "Hindi kailanman naging hideout ng mga darkwayne ang eripmav?"

"Oo at isa pa nakakatapagtaka wala siyang sinasabi sa akin."

"Teka. Teka nga." mabilis kong sabi, "naguguluhan ako. Sinong siya? Ipaliwanag mo nga sa akin ang lahat."

"Bakit ko sasabihin. Close ba tayo." sabi niya sabay talikod sa akin

"Hoy!" sigaw ko sabay pingot sa kanya, "Huwag mo akong tinatalikuran kaoag kinakausap kita ah."

"Pasensya na. Pero wala akong sasabihin sa iyo."

"May sasabihin ka sa akin."

"Kahit pa na ibalik mo ako sa eriomav ay wala akong sasabihin sa iyo."

"Teka nga. Lumayas ka ba? Naglayas ka ba?" gulat kong tanong

Mabilis naman siyang nag iwas ng tingin at di nagsalita.

"Sumagot ka." nauubusan na pasensya kong sabi

"Oo. Kaya nga ako nagtrabaho dito ay para kumita ako."

"Psh. Kumita? Akala ko nag eespiya ka."

"At bakit? Bakit naman ako mageespiya. Sino titiktikan ko? Ikaw?"

"Aba talagang?" inambaan ko siya ng suntok pero isang palad ang pimigil sa aking kamao

"Arlo?" sabay namin sabi ni Echo

"Kilala mo siya?" Sabay ulit naming sabi

"Kelan pa?" muli ay sabay naming sabi

"Shut up!"

"Pwede ba tumigil kayo kakasalita niyo ng sabay."

"Pasensya na king." sabay ulit naming sabi paghingi ng paunahin kaya sinamaan ko na siya ng tingin

"Echo we need to talk." ani Arlo ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin, bahagyang yumuko si echo bago ako nilingon ay dinilaan ako tsaka na sila naunang lumakad

Mabilis kong kinuha ng ballpen sa bulsa ng coat ko at iniamba sa kanilang dalawa kahit na di nila ko nakikita.

Bwiset!

Bakit ba napaka ng lalaking yun?

Una si Creed, ayaw niya sa akin. Tapos sasali pa tong lalaking to. Eh siya pa nga tong may kasalanan sa akin.

Padabog akong bumalik sa desk ko at kinuha ang resignation paper. Kailangan ko na maipasa ko kay Queen Anya habang maaga pa.

Hindi naging madali ang pinagdaanan  ko sa mga nakalipas ng taon nang aking buhay.

Kahit labag sa loob ni Queen Anya na gawin ko ang pagreresign ko ay di na niya ako pinilit na manatili. Kung ano man daw ang pinagdadaanan ko ay sana makayanan ko ito.

Wala akong pinagsabihan na alam ko na kung saan ako nanggaling at kung sino ang tunay kong mga magulang.

Masyadong delikado lalo na at kasama ang lugar ko sa huling misyon na gagawin ng organisayon.

Isa pa iyun sa dahilan kung bakit minadali ko ang resignation ko. Kailangan kong mabantaan si Dad at ang aking mga kapatid.

May taong nakakaalam ng aming syudad. At ng nakakapagtaka ay paano nila ito nalaman.

Tinlikuran a ba kani ni Echo at pinagkaluno? Pero hindi, maski siya ay nagtataka at naguguluhan sa nangyayari. Tila may alam siya na hindi tumutugma sa iba a niyang nalalaman.

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" mahinang tanong ni Saige sa akin

"Pasensya na hindi eh. Di bale, dadalawin kita kung saan ka man sa hinaharap."

"Che. Ang laswa pakinggan." sabi niya sabay irap

"Sige kailangan ko na umalis."

"Ano ba yan? Nagmamadali ka pa? Wala man lang despidida?"

"Despidida? Look." Sabi ko sabay yakap sa kanya, "asikasuhin mo ang misyon niyo. Aalis na ako."

"Sige mag iingat ka. Text text na lang." tumango ako at nakipagbeso sa kanya

Time is running out.

Mabilis akong nakalabas ng hq. Pero biglang napatigil ang aking mga paa sa paglakad dahil may narinig akong nagbubulungan.

Kusang gumana ang aking kakayahan bilang bampira. Naging cloudy ang aking pandinig at ang naririnig ko lamang ay ang bulungan. Gaya ng aking pandinig ay kusa ding nag adjust ang aking paningin. Tila nakasilip ako sa isang scanner na kusang nagii-scan sa paligid. Kutang kita ko ng malapitan ang lahat ng madadaanan ng aking paningin hanggang sa mapatigil ako sa bandang kanang bahagi ng HQ. May dalawang lalaki doon na ang tingin ko ay siyang nag uusap kung saan naririnig ko ang kanilang bulungan.

"Nadala na ba ang lahat ng kailangan?" sabi ng isang lalaki na nakatalikod sa gawi ko

"Oo siguradong patay ang mga bampirang iyon."










To be continued ....

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon