Volume Two • Chapter 48: Xiron

441 21 18
                                    

"Esmero lahigehtru."

Unti unti nagliwanag ang aking katawan. Nanikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga. Naging masikip sa aking paningin ang aking kapaligiran. Rinig na rinig ko ang pagragasa ng aking dugo.

"Nenmanto seguhande." pagpapatuloy niyang pagbanggit ng kakaibang legwahe

"Mukhang hindi talaga siya magpapatalo. Kung gayon ay pagbibigyan ko na siya sa kanyang kagustuhan. Seal of the ancient use the blood of this young man and let tje man's will happen." matapos niya sambitin ang huli niyang pangungusap ay bigla na lamang isang malaking maliwanag na bilog ang lumitaw sa aking paanan.

Ang dugo ko ay lumalabas mula sa aking katawan at unti unting sumasama sa bilog na liwanag kung saan may nabubuong mga linya.

Isang magic circle.

"Sa tingin ko panahon na din para bumalik ako sa aking katawan. Natagpuan ko na ang aking anak. Ang kailangan ko na lang ay bumalik sa palasyon at siguraduhin ang malakas na depensa sa pagbabalik niya." nagliwanag ang kanyang katawan at sa ilang saglit pa ay naging iba na ang katawa niya

Isang matipuno na lalaki na sa tantya ko ay nasa edad na 30. Eto marahil ang totoong anyo nang sinasabing ni Adellaide na asawa niya.

Tinalikuran na niya ako. Nag inat muna siya at nag banat ng katawan.

"Tulungan mo ako." hingal kong pakiusap sa kanya saglit niya akong nilingon ngunit agad din nagbawi.

"Pasensya na. Eto ang kanyang propesiya. Wala akong magagawa." matapos noon ay naglaho na siya na parang usok kasama ang hangin

Hindi. Hindi ito pwede.

Mabilis na kumulimlim. Ang mga maliliit na patak ng ulan ay nag umpisang mag sipagbagsakan.

Wala kahit isa.

Wala kahit isang tao.

Ang pwedeng tumulong sa akin.

Bigla ko na lamang naalala ang mga masasakit na pangyayari sa aking nakaraan. Bumalik ang lahat ng poot at galit sa aking puso. Ang lahat nang hindi nagpapahalaga sa akin. Lahat ng natatakot sa akin. Ang pamilya ko, at mga kamag anak. Pati ang aking mga naging kaibigan. Lahat sila.

Napasigaw ako sa sakit. Ramdam ko na ang aking panghihina. Pero parang may tanikalang nakabalot sa aking katawan, na hindi nito magawang bumagsak. Sinadya lamang ito para ubusin ang aking dugo na bubuo sa enkantasyon na nagaganap ngayon.

Isa kidlat ang tumama sa aking katawan, dahilan para maalis ang katawan ko sa loob ng magic circle. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya, masyado ng maraming dugo ang nawala sa akin. Kung magtatagal pa ang ganito kong kalagayan na hindi ako masasalinan ng dugo ay maari ko itong ikamatay.

Hindi. Hindi maari. Hindi ako pwedeng mamatay. Kung alam ko lang na may binabalak ang hari na iyun edi sana ay hindi ko siya hinanap. Hindi ko alam ang intensyon niya pero pinadali niya ang pagbuhay sa kanilang kalaban.

Napatingin ako sa magic cirle na ngayon ay may kakaibang nangyayari. Unti unti ay may nabubuo ditong wangis. Parang mga malilit na particles na unti unting nagdidikit mula sa aking dugo na nakaguhit sa lapag.

Lalo akong nanlambot na isa isa ay may mga dumating na nakasuot ng itim na cloak. Hindi ko kita ang kanilang mga mukha dahil takip na takip ito ng hood ng kanilang suot. Pumalibot sila sa bilog na liwanag at nagumpisang magsipagkantahan nang kakaibang lengwahe.

"O chalázi to vasiliá, o opoíos epistréfei."

Mga nakataas ang kanilang kamay. Nakakakilabot ang kanilang mga boses.

"O chalázi o Kýrios aftós pou tha mas afxísei kai páli."

Ang lahat ay nagsipagluhuran, tapos ay dinikit ang kanilang mga noo sa lapag.

"Tragoudíste me ton ídio, ton épaino."

Sa kanilamg pag luhod ay malinaw kong nakita ang isang matipunong katawan. Mahaba ang buhok na kulay puti. Sa kabila ng itsura niyang may katandaan na dahil sa kanyang buhok at pananamit, makikita mo pa din sa kanya mukha ang kakisigan.

"Xypnáte árchontas Xirón mas. Afxánontas ti fylí sas, to mávro fatrión."

Nawala ang liwanag. Unti unti itong lumakad sa katawan ni Xiron na parang humihigop nang enerhiya. Nang mawala na tuluyan ang lahat ng liwanag ay mabilis na kumawala ito sa kanyang katawan. Kasabay nang liwanag ay isang nakakabinging tunog ang nangibabaw. Ang malakas na alon ng ilaw at kapangyarihan na ito ay naghawi sa mga puni at iba pang bagay. Nagawa nitong kupiin maging ang unahang parte ng kotse ko.

Napapikit ako. Hindi ako kailanman mawawalhan nang pag asa. Kailangan kong bumangon. Ako ay isang hari. Hindi ako nagpapatalo.

Napatigil ako sa pagpipilit na tumayo nang isang paa ang tumigil sa tapat ko.

Nag angat ako ng tingin at ganun na lang ako pagkagulat ko ng makita kung sino ang nabuhay kanina lang.

"A-ama?"





To be continued .....

[Don't forget to vote and comment.]

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon