Volume 2 · Chapter 62: War (part 1)

375 22 5
                                    

Naging malinaw ang plano. Walang gagamit ng kapangyarihan laban sa mga tao. Walang masasaktan.

Gumawa ng isang barrier sina John at Leticima sa tulong na din ng magkapatid na secher na sina Tita Vladelias at Tita Vladeveza, isang offensive barrier kung saan hindi maipapasok ang ano mang armas na nasa loob ng katawan nang walang pahintulot ng hari.

Binigyan ng sapat na espasyo ang mga susugod upang doon tagpuin at kausapin tungkol sa kanilang pakay.

"Handa ka na ba?" tanong ni Sierra sa akin, nasa main hall kami ngayon ng mansyon at tahimik na nainom ng blood wine

"Hindi ko alam."

"Sana ay hindi tayo mabigo."

Namayapa ang katahimikan. Sasapit na ang gabi ngunit napakataas pa din ng araw. Tila ay ayaw nito magtago at pilit na kinukubli ang kadiliman.

Nagpaalam si Sierra na magsasanay muna. Namangha ako sa kanilang inikwento na may sanayan sila sa kanilang mga kwarto.

May isang napakalaking salamin silang dadaanan mula sa kwarto at pagpasok nila ay isang malaki at napakalawak na bukirin ang bubungad sa kanila.

Ibang dimensyon daw ito. Ang sabi pa ay ang gamit na dimensyon dito ay ang oras.

Dinadala sila ng salamin sa panahon noon kung saan wala pang gaanong tao at malaya silang makapag ensayo sa lugar na hindi pa natutuklasan.

Dahan dahan kong binaba ang baso sa center table at nangunot ng noo.

Something will happen after the day has come.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko ng mag ring.

Damian calling ...

Wala akong inaksayang panahon at sinagot ito. Agad na bumungad sa akin ang tunog ng hikbi.

"Damian?" nag aalala kong sabi, agad ako napaayos nang upo

"Cyrill."

"What happened?"

"They use me. They trick me."

"Ano?!" agad na bumayo ang kaba sa aking dibdib, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Agad namang sumagi sa isip ko na baka isa itong patibong, pero nangibabaw ang pag aalala ko sa kaibigan ko.

"Pinaniwala nila ako. I should have known." humihikbi niyang sabi

"Anong sinasabi mo?"

"Tulungan mo ako cyrill."

"Ano bang nangyayari?" nataas na ang tono ng boses ko, rinig ko ang pagkahingal niya sa kabilang linya

"Please di ko na kaya." matapos ay umubo siya

"Nasaan ka?" malamig kong tanonge

"Nasa eripmav." matapos ay naputol ang linya

Agad akong napatakbo papunta sa control room nang mansyon. Masyadong protektdo ang syudad. Kahit na mga bampira lamang ang nakatira dito ay bumilib ako sa sekuridad na pinapairal nila.

"Hanapin mo to." bungad ko sa bampirang una kong nakita, inabot ko sa kanya ang isang letrato mula sa cellphone ko at hinagod ang buhok ko na nakalaylay sa mukha ko

"Anong ginagawa mo dito?" tinignan ko nang masama ang nagsalita, its creed

"Wala akong oras makipagtalo creed." sagot ko at tinalikuran siya

"Just by you know--" di na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng sumingit si Leighton, andito din pala siya

"I knew it." tatawa tawa niyang sabi, "sinasabi ko na nga ba. Hehehe."

Isang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ng kausap na binata

"Isa ba itong tao?" gulat na tanong nang tauhan

"Oo." sagot ko, "nasaan siya?"

"15 degree west and 3 degree north." tulirong aniya, "duguan siya, hindi na siya tatagal ng limang minuto."

"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi?!" hinampas ko ang lamesa sa harap niya at sinamaan siya ng tingin

"Ilang minuto biyahe papunta doon?"

"Mahigit dalawangpung minuto."

Lumanghap ako ng hangin dahil sa stress na nadadama ko.

"Mag teleport ka na lang Tita Cy." ani leigh

"Di pa ako ganung marunong, isa pa di ko alam ang lugar na iyan."

"Sasamahan ka ni Kuya Creed." isang malakong ngiti ang sumilay sa labi ng binata

"No thanks/ No." Sabay na sagot namin

"Mamamatay siya at isa pa pagpepyestahan siya ng mga bampira sa lugar na iyan."

Damn!

Nakakimutan ko ang bagay na iyan. Hindi sanay ang mga bampira dito na makaamoy ng dugo lalo na ang sariwa siguradong maraming mapapahamak kung may makakaamoy sa dugo niya.

"Sige umalis na kayo ni Kuya creed."

"Bakit di na lang ikaw ang sumama."

"Di ako sanay sa dugo." Sagot niya habang pinagtatama ang dalawang hintuturo habang nagpapakyut

"Tara na." Serysong sabi ni creed, wala akong nagawa kundi ang tumalima humawak ako sa balikat niya at hinigop na kami ng malakas na pwersa ng hangin

Dinala kami nito sa lugar na pakay namin. Amoy na amoy ko na ang dugo nang kaibigan ko.

Agad ko siyang nilapitan at inalalayan. Pilit siyang naglalakad kahit na duguan siya.

"Anong nangyari?" tanong ko at inispeksyon ang kanyang katawan, may saksak siya sa kanyang tyan at puno din siya ng pasa

"Si saige." naiiyak na bulong niya, "she--" di na niya natapos ang kanyang sasabihin ng mawalan siya g malay

Desidido na ako. Tatapusin ko na ang inumpisahan nila.

If i have to kill all of them, then i will.



To be continued ..

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon