Volume 2 · Chapter 61: Plan (part 2)

409 20 1
                                    

Isang masamang tingin ang ipinukol sa pader.

Kailangan ko malaman ang katotohanan. Kailangan ko mapatunayan ang katotohanan.

"Mauuna na ako." paalam ni kuya, "Kailangan ko ipaalam ito sa lahat."

"Teka." pagpigil ko

"Ano yun?"

"Kung magkakampi ang Norwood at Darkwayne, paano nangyari iyun? Mga bampira ang darkwayne." ani ko

"Iniembetigahan na namin ang bagay na yan." sagot niya

"Pero kuya," hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay, "Si papa." nauutal kong sabi

"Si papa baka may alam siya. Di ba minsan na siyang sumanib sa darkwayne?"

"Kumalma ka." nakangiti niyang sabi, hinaplos niya ang buhok ko. "Pag uusapan namin yan ngayon. Sa ngayon kailangan ko munang pumunta ng royal hall para sa plano."

"Sasama ako kuya."

"Kung yan ng nais mo." sabay kaming lumabas ng bahay at pumunta sa garahe.

Sasakyan niya ang gamit niya. Malapit lang naman ang royal hall kaya hindi naman gaano mahaba ang byahe mga sampung minuto lamang ang itatagal.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Matapos ay mabilis siyang umikot at naupo sa driver's seat.

Sinuot niya sa kanyang kaliwang tenga ang bluetooth earpiece na bahagyang ikinamangha ko. Meron din palang ganitong mga bagay dito. Pinaandar na niya ang kotse at tahimik namin binaybay ang papunta sa RH.

"Hanapin niyo ang Dad." utos niya sa kausap niya sa kabilang linya

Napahawak ako sa dibdib ko bago bumuntong hininga. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayong oras na ito. Hindi ko maipaliwanag ang nais kong gawin at sabihin.

"Good." ani pa niya at pinindot ang aparatus

Katulad ng inaasahan ay mabilis kaming nakarating sa royal hall. Agad niyang ipinark ito at inabit ang susi sa mga nakaabang na royal guards. Samantala pinagbuksan naman ako ng isang RG.

Tahimik akong sumunod kay Kuya. Bawat dadaanan namin ay tahimik na nagbibigay pugay at galang sa aming pag daan na ikinapanibago ko.

Sanay ako na ako ang nagbibigay galang. Ganito pala ang pakiramdam ng tingalain.

Pero hindi ko matatanggap kung ang mga taong ginalang at binigyang pugay ko ay masasama. Maari ko silang mapatay.

"Nandito na ba ang lahat?" tanong ni Kuya kay Ate Cyrene, nilingon lamang niya ako bago sumagot kay kuya

"Ang dating hari at reyna na lamang ang kulang."

"Tawaging si Leticima at John. Dalhin ang dalawang iyon. Sapilitan o kusa." maotoridad na utos ni Kuya

Nakakamangha ang bawat kilos ni kuya. Ang bawat salita niya ay puno ng kahulugan na kapag sa iyo niya ito sabihin ay bukal sa loob mo itong gagawin.

Umakyat kami sa pinakagitnang parte ng RH. Katulad na unang punta ko dito ay ganoon pa din ang itsura. Naayos na din ang mga nasirang haligi at parte nito.

"Naasan na?" impatient na tanong ni Kuya

Umaakyat ang dalawang lalaki na hinahanap niya.

"King Charles hindi namin magagawa ang inuutos ninyo."

"Gagawin niyo o mamamatay kayo?"

"Pasensya na mahal na hari. Nilagyan ng dating hari ng isang special barrier ang kanyang katawan dahilan para di namin siya makita kung nasaan siya."

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon