[A/n: Hell week is done, anyway dont forget to vote and comment.]
Chapter 31: Third Case
Sinigurado ko munang nakalock ang pintuan bago muling pinagmasdan ang mga letra na nasa pader nito.
Still finding out? You'll fail.
Nakasulat ito gamit ang mga glow in the dark na sa tingin ko ay bara bara lamang ito na ginupit.
"Ayoko na." Nawawalhan na ganang saad niya, nilingon ko siya at tinignan ng matalim.
"Bakit ba ang bilis niyong mawalhan nang pag asa na mga tao kayo." bulong ko at muling binaling ang tingin sa mga glow in the dark, kinuha ko isa isa ito at isinilid sa isang supot.
"Tara na."
"Anong gagawin?"
"Kailangan kong makausap ang mga kaklase mo."
Tahimik kaming lumabas ng cr. Malalim ang iniisip ko tungkol dito sa kasong ito. Hindi simpleng killer ang gumawa nito. Masyadong malinis at planado.
Napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang bampirang police na masama ang tingin sa akin ngayon at parang gusto akong patayin.
"Leave us alone. We need to talk." Sambit niya habang nakatingin kay Gaspar, hindi niya malaman kung susundin ba niya ito o kung hindi
"Hindi siya aalis. He is my witness." nangunot ang noo niya sa part na sinabi kong witness
"So kay alam ka na."
"Wala pa akong nalalaman."
"Sinungaling." mabilis na sagot niya, "Magsinungaling ka na sa lahat, wag lang sa akin."
Biglang pumasok sa isip ko ang engkwantro ko sa lalaking target ko noong isang araw. Isa siyang bampira na may pambihirang kapangyarihan. Siguradong may kapangyarihan din itong isang ito.
"Just 5 meters away."
Wala na akong magawa. Mangungulit at mangungulit to. Tinanguan ko si Gaspar at lumakad siya palayo sa amin. Tumigil siya sa may kalayuan.
"Anong kailangan mo." Madiin na bulong ko
"Umalis ka na. Pabayaan mo na sa akin ang kasong ito."
"Sinabi ko sa iyong hindi pwede ang hinihiling mo." saglit kong nilingon ko si Gaspar bago muling nagsalita, "Unahan na lang talaga." na hindi ako magpatatalo
"I already tell Echo that I handle this case."
"That'll not do." tinignan ko siya ng masama, "Once a case is on going it cannot be abort. Does Echo didnt tell you that? At bakit kilala mo si Echo?"
Lumalaki at dumadami ang bilang ng mga bampira na nakakasalamuha ko. At habang tumatagal ay pakiramdam ko nagiging kumplikado ang lahat.
Parang ang bawat bampira na nakikilala ko ay kilala ko.
"He is my cousin."
"Pinsan? Ibig sabihin pinsan mo si Sierra?"
Lalong nangunot ang noo niya sa sinambit ko.
Problema nitong boy simang na to?
"Do it looks like she is my cousin?!" sigaw niya at the top of his lungs
"Break na tayo!!" sigaw ko din at nilampasan siya
Buwiset! Ang eksena niya ah? Akala niya ata magpapatalo ako.
"What the heck?" rinig kong hopeless niyang saad. See? Ang bilis maubusan ng pasensya at simang pa.
"You know boy simang I still have things to do. And your already annoying."
"Bakit mukhang hindi mo ako kilala?" saad niya matapos niya akong habulin sabay hawak sa braso ko
"Kilala kita sa mukha pero di kita kilala. Sorry."
"My name is Creed Porter Secher." pagpapakilala niya, "I am Sierra's younger brother."
Bigla kong naalala ang pag uusap namin ni Sierra sa resort. Siya pala yung nabanggit niya kapatid niya.
Creed huh?
Tinignan ko siya ng mapanukso at parang takang takang tingin.
"What kind of look is that?" inis niyang sabi, "At anong boy simang?"
"Simang. Short for simangot. Gwapo ka sana pero masyadong maiinitin ng ulo." Namewang ako bago pinagpatuloy ang sasabihin ko, "Magpinsan nga kayo. Maliban sa may pagkahawig, lagi pang simangot at seryoso."
Natawa ako sa isip ko ng bigla siyang umirap na para bang di na niya alam ang sasabihin at yun na lang ang magagawa niya at masasagot sa akin.
"Napapasarap amg kwentuhan natin. Excuse me pero kailangan ko ng mag imbestiga." hindi na siya sumagot kaya di ko na din siya nilingon at nilampasàn na
"Tara na." pagyaya ko kay Gaspar, pumunta kami sa room niya.
May isang guro ang nagbabantay sa kanila at mukhang may isang pagsusulit silang ginagawa.
Bigla lang pumasok sa isip ko. Hindi hiniram ni Creed si Gaspar, he is also part of the crime kaya bakit di niya ito kinausap.
"Excuse me Sir. I would like to talk to the class for a while." Paghingi ko ng permiso sa teacher, tumango ito. Wala naman siyang magagawa eh.
"Tabi niyo muna ang mga test paper at makinig." Aniya
Pumasok ako tuluyan at lumakad papuntang gitna. Tinignan ko ang bawat mukha ng mga kaklase ni Gaspar.
Nagulat ako ng bigla akong makaramdam ng pagbagal ng paligid. Isang matining na tunog ang tangi ko lamang narinig. Naipikit ko ang mata ko sa biglang pagsakit ng ulo ko.
Sa muling pagdilat ko ay nagulat ako sa nakita ko. Iba ang kulay ng kapaligiran. Iba sa kulay na dapat ay kulay nito. Lalo na ang kulay ng mga tao.
Agad akong napatingin sa pintuan ng makitang may nakatayo sa pintuan. Iba ang kulay ng aura niya. Pula ito.
Pinilit kong aninagin kung sino ito, at nakahinga ako ng maluwag ng makitang si Creed ito. Sa medyo malayo sa kanya at nakatayo si Gaspar, kulay puti ang aura nito.
Inilibit ko ang tingin ko at napatigil ako sa isang dako. Dahil naagaw niya ang atensyon ko.
Iba ang kulay ng aura niya!
Wala sa sariling naglakad ako papalayo sa kanya. Hinugot ko ang baril sa bulsa ko at tinutok ito sa kanya habang naglalakad.
Napansin kong pula din ang aura ng braso ko. Marahil isa ito sa kapangyarihan ko at malaking tulong ito sa panahon na ito.
Tumigil ako ng isang dipa na lang ang layo ko sa kanya. Isang besea kong pinikit ang mata ko at bumalik sa normal ang paningin ko. Malinaw ko na ulit nakikita ang lahat.
Gulat naman siyang nakatingin sa akin at may bahid pa ng takot.
"B-bakit po?" Tanong niya animoy takot na takot
"He is the killer." bulong ko at pinutok ang baril
To be continued ......
BINABASA MO ANG
The Vampire's Creed
Misterio / SuspensoHighest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to live in a way normals not used to, despise of her true identity. it did not become a hindrance to serve...