Volume One • Chapter 16: Second Case 1.0

693 32 2
                                    

Chapter 16: Second Case

"No." sagot sa kanya.

"Ako ang papalit."

"July may problema tayo." napalingon ako kay Bella, nakahawak siya sa kanang tenga niya habang ang isang kamay ay natipa sa board

"Bakit?"

"Humiwalay daw po si Thunder sa team C."

"Ano?!" sigaw ko at saka mariin na pumikit. Anong pumasok sa isip ni Echo at ngayon pa nagkulit?!

"Magkakasama ang lahat ng team c maliban kay Echo?"

"Opo. May nahuli na daw silang isang intruder."

Napatikhim ako at inis na tinignan ang pader kahit na walang magagawa ito sa ganitong oras.

Itinapat ko sa dibdib ko ang braso ko t pinindot ang suot suot kong relo. May pinindot ako dito at automatiko na may lumabas na hologram screen mula dito.

Mula sa hologram na screen ay may pinindot ako, hanggang sa lumabas dito ang isang tawag.

Calling Saige ...

"Oh?"

"Di ka talaga marunong mag hello eh noh?" inis kong singhal sa kanya

"Ano ba yun? Bilis nagluluto ako."

"Nakuwi na kayo?"

"Oo. Kami pa ba?"

"Kung ganun pumunta ka ngayon dito sa batanes. Ngayon din." pagdidiin ko sa ngayon din, "Kapag di ka dumating dito sa loob ng limang minuto. Ikaw at ng team mo alam mo na mangyayari sa inyo." pagbabanta ko.

"Ano?! Papagamit mo sa akin yung Advance tunnel? Ab--!" di ko na siya pinatapos sa pag lilitanya niya at pinutol na ang tawag. Pinatay ko na ang advance watch at nawala ang hologram screen dito. Bumalik ito sa normal na relo.

"Bella. Dito kalang. Kahit anong mangyari ay wag kang lalabas. Kung may magtangkang pumasok ay gamitin mo ang vent." saad ko sabay turo sa vent na nasa bandang kaliwa ng kwarto

Tumango na siya at muling inumpisahan tumipa.

"Tara Keith. Kailangan natin turuan ng leksyon ang mga pangahas a taong nanghihimasok sa teritoryo ng may teritoryo." sabi ko at humugot na ulit nang baril at alerto na binuksan ang pinto. Nang makalabas si Keith at sinara ko ang pinto at may kinabit na device sa pintuan.

Isa itong sensor para sa kung may paparating ay ma-a-alert si bella sa loob.

Tahimik kaming lumakad sa kahabaan ng hallway. Wala akong maramdaman na presensya na ikinabahala ko.

Sa fire exit kami dumaan dahil masyadong delikado kung ang main na hagdanan ang gagamitin namin.

Bago ako tuluyan na lumakad sa hallway ng makaakyat kami sa ikalawang palapag ay sumilip muna ako. May dalawang lalaking nakaitim ang nakatayo sa tapat ng isang kwarto at pilit itong binubuksan.

Sumenyas ako kay Keith ng dalawa sabay silip ulit. Nagtagumpay ang dalawa na buksan ang kwarto at saka pumasok dito.

Nang makapasok sila ay tahimik akong lumakad at alerto papunta sa gawi nito.

Iniwan nilang bukas ang pintuan kaya nakasilip ako kung ano ang ginagawa nila sa loob. Samantala si Keith ay nasa likod ko at binabantayan kung may paparating.

"Sa tingin niyo magtatagumpay kayo sa panghihimasok niyo?" isang boses ng babae ang narinig ko mula sa loob ko

Sumilip ako at di na ako nagtaka kung sino ito. Ito yung babaeng nakasagupa ko sa bar na kasama ni Sierra.

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon