Volume One • Chapter 30: Third Case

517 28 1
                                    

[A/N: Updating this fast is an achievement. Kung sa mga nakaraan kong libro baka ilang chapter pa lang to. Pero nagulat ako kanina pang chapter 30 na to. Anyway salamat sa lahat ng nagbabasa, silent man or maingay. Hoho. Enjoy reading!


Chapter 30: Third Case

Gamit ang pentel pen isinulat ko sa acetate ang mga letra na magkakasunod ang pagkakasulat.

qazwsxedcrfvt
gbyhnujmikolp

Inilahad ko ang isang kamay ko sa tapat ni Gasar.

"Ano yun?"

"Notebook."

"T-teka." pagkakuha niya ng kwaderno ay agad kong hinanap ang pahina kung nasaan nakasulat ang mga letra. Hindi naman ako binigo at nakita ko kaagad ito.

Parehad na sinulat ko sa acetate ang mga nakuha na clue. Matapos ay pinagtapat ko ito at tinitigan nang mabuti.

Ano ang connection nila sa bawat isa?

"Magsasayang ka lang ng oras." sabi niya di ko siya pinansin at pinagmasdan lang ng maigi ang mga nasa kamay ko.

Nabaling ang paningin ko sa bintana at nagulat ako ng mapansin ang mga pulis na paparating pero hindi iyun ang ikinabahala ko. Ang pulis na kakakaba lang na may dalang mga folder at seryosong.

ISA siya sa mga kasama ni Sierra noon sa Lape Resort.

Sumesenyas siya sa mga kasamahan niya tapos ay titingin ulit siya sa folder na hawak niya tapos ay saglit siyang napatingin sa gawi kung nasaan ang kotse ko at tumingin na para bang nakikita niya ako. Mabilis lang siya nag iwas ng tingin at lumakad na papunta sa gawi kung saan ang direksyon ng gusali ng mga senior.

Sa kabilang banda nadaanan ng paningin ko ang isang guro na babae na nagkalat ang mga gamit sa lapag. Nagkalat sa paligid niya ang mga letra na sa tingin ko ay ginagamit niya sa pagtuturo.

"High school na alphabet pa din?" natatawang sabi ko pero agad akong napatigil

Alphabet?

agad kong kinuha ang acetate kung saan nakasulat ang mga letra na walang espasyo sa bawat isa at binilang ito.

26. 26 na letra, at walang dumodoble. KInuha ko ang pentel at sinulat sa ilalim na bawat letra ang pagkakasunod sunod ng mga letters sa alphabet.

qazwsxedcrfvt
abcdefghijklm

gbyhnujmikolp
opqrstuvwxyz

Napangiti ako ng magtugma ang bawat isang letra. Walamg labis. Walang kulang.

Sunod kong kinuha ang pangalawang set ng clue na sa tingin ko ay ang mismong message ng killer.

CG JDS AQJDNBBP NSUJ QTBGJ TQG BG UCWS

Mula sa clue na nakuha ko sa una ay kinuha ko ang corresponding letter at nakabuo ako ng pangungusap kung saan nakapagbigay ng unang clue bagamat magulo pa din.

IN THE BATHROOM REST AMONG MEN ON SIDE.

"Woah di ko naisip yun ah." manghang ani ng katabi ko, kinindatan ko siya at dumukot ng baril sa ilalim ng upuan ko at ikinasa ito.

"Tara na." yaya ko sa kanya

"Di mo naman ako papatayin di ba?" kabadong tanong niya

"Bakit namam kita papatayin? Maliban na lang niloloko mo ko." ani ko at hinugot ang baril at itinutok sa kanya

"Oy!" sigaw niya "Di kita niloloko!"

"Wag kang kabado." panumukso ko,"Defensive masyado."

"Paano ba naman timutukan mo ko--" paglalaban niya, di ko ma siya pinansin at bumaba na ng kotse. Inayos ko ang shades at tahimik na pinagmasdan ang mga pulis na naiwan sa mga kotse nila.

Madami dami din palang dinala yung bampirang iyun. At ang nakakagulat ay isa siyang pulis. Like duh, ang martyr niya. Di naman mukha sa kanya na lumaki siya kasama ng mga tao kaya, sobrang weird niya at naisipan niyang magtrabaho sa ganitong klaseng linya ng trabaho.

Lumakad kami pabalik ni gaspar sa gusali ng mga senior, nandun pa din sa ikatlong palapag ang mga pulis at binabantayan ang mga classroom.

"Sino kayo?" grupo ng mga pulis ang biglang humara sa amin ng makaakyat kami

Katulad kanina ay nilabas ko ang aking ID at nagpakilala. Saglit silang natahimik at nagtingin bago nagbigay daan.

"Inspector Secher merong taga NBI ang dumating." isang pulis ang lumapit sa nakatalikod na bampira na pinsan ni Sierra. Dahan dahan siyang lumingon sa amin kaya mas binilisan ko ang lakad ko hanggang sa magtapat kami at saktong magkaharap kami.

"Inspector Secher, its so nice seeing you here." pormal na sabi ko sa kanya

katulad ng ibang polis ay nakasuot siya ng mga uniporme ng mga nito. At ikinagulat ko na hindi siya naapektuhan sa sinag ng araw.

May engkantasyon ata to o kaya charm o kaya sumpa o kung ano mang eklabu na ginagamit niya para di maapektuhan sa sinag ng araw.

Bubuka pa lang ang bibig niya pero muli kong dinukot ang id ko at ipinakita sa kanya at mabilis din itong tinago.

"January i did not expect to see you here." pormal din na sabi niya

First name basis huh?

"Oh just investigating some cases." sagot ko tapos ay lumingon lingon

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain paakyat papunta ng fourth floor kung saan walang tao.

"Anong ginagawa mo dito?" madiin niyang saad

"Sinabi ko sayo para mag imbestiga."

"Ihiwalay niyo ang trabaho niyo sa mga trabaho ng pulis!" inis na sigaw niya

"Nakahiwalay ang mga trabaho natin. Nagkataon lang na di niyo kayang iresolba."

"I can now manage this case. Now go back where you came from and back off."

"Im so sorry mr. Pero kung susundin ko amg gusto mo mababawasan naman points ko." medyo pacute kong sabi, "Kung sino na lang mauna siya ang panalo." pagpapatuloy ko at tinalikuran siya at naglakad na pababa ng hagdan.

habang nasa hagdan pa ako ay hinunad ko ang aking globes at kumuha ng bago. Hinubad ko ang sumbrero at shades ko at hinanap ang kasama ko na tulala na nakatayo sa isang sulok.

"Tara na." sabi ko sa kanya ng makababa ako ng hagdan dinaanan ko lang siya habang inaayos ang suot ng gloves

"Saan?"

"Cr. Kung di ako nagkakamali ay dito sa palapag na to kayo lagi umiihi?"

"Oo." di na ako kumibo at naglakad na lang papunta sa kabilang bahagi ng gusali

Ligtas at walang nangyaring kaming nakapunta sa CR ng mga boys sa third floor.

Di pa man nakapasok ay umalingasaw na ang mabaho at nakakarimaring na amoy ng panis ng ihi.

Mabaho na nga ang ihi mapapanis pa. Yuck.

Inisa isa ko ang mha cubicle kung meron ba akong makikitang kakaiba pero wala akong nakitang kakaiba.

Pagkalabas ko sa huling cubicle na napasukan ko ay agad kong nabungaran si Gaspar na nakasampa ng upo sa lababo at nakatakip ng ilong.

"Ang baho eh!" ngongong sigaw niya

Napaka defensive talaga nitong lalaking to. Nakakaawa ang kalagayan ng kaibigan niyang namayapa. Maririndi sa kanya.

Namewang ako at nag isip ng malalim. Anong meron sa cr na to.

Nagulat ako ng biglang mamatay ang mga ilaw. Mabilis akong tumingin sa paligid at naglabas ng baril hindi namn ganun kadilim dahil bukas ang pintuan.

Itinapat ko ang baril sa pintuan pero walang dumating na sino man.

Dahan dahan ako lumakad ng pintuan at sinara ito. Pero nagulat ako ng biglang may umilaw sa likod ng pintuan ng CR.

Another clue!


















to be continue ...

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon